Chapter 48: Unnoticed

715K 10.4K 453
                                    

A/N: Please, wag po tayong makulit sa kung kailan ako mag UD. Kesa mag demand agad ng UD kahit kaka-UD ko lang, magpakita na lang po sana tayo ng kahit kaunting appreciation man lang.

 

Anyways, thanks for your continuous support :) Last UD na toh for 2014. See you na lang sa 2015 :)

 

Don’t forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to :)

 

Enjoy! Till the next UD!

 

=======================

 

(Violet’s P.O.V)

 

“WHAT?!!!”, hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko

Kita na rin sa mukha ko ang sobrang pagka-inis. Paano ba kasi? Walang nangyayaring tama ngayong araw na toh. May ginagawa kasing photo shoot ngayon para sa mga bagong products na ila-launch ng AC pero hindi pa tapos hanggang ngayon ang photo shoot dahil biglang umulan. Outdoor kasi ang paggaganapan ng photo shoot pero dahil parang di inisip ng mga nilagay kong in-charge sa photo shoot na pwedeng umulan, di sila nagdala ng tent or what kaya naman nasira yung mga decorations para sa photo shoot.

And what’s worst, kailangan nang ma-print out yung mga pictures for tomorrow.

“THEN DO SOMETHING ABOUT IT! KUNG BAKIT BA KASI WALA MAN LANG NAG-ISIP NG ISA SA INYO NA PWEDENG UMULAN?! LALO NA’T ALAM NIYONG OUTDOORS KAYO!”

 

(“W–We’re very sorry ma’am. We will do something about it.”)

 

“YOU SHOULD!”, inis pa ring sabi ko

Napahinga naman ako ng malalim para maalis ang inis ko. Hindi ko alam pero this past few days, medyo naging mainitin ang ulo ko. Kahit gaano ko kagustong wag pairalin ang init ng ulo ko, medyo hirap akong gawin yun.

Napansandal naman ako sa swivel chair ko rito sa opisina. Nakapikit ako nang marinig kong may kumatok sa pintuan. Pumasok naman doon si Jenna.

“Miss Violet, tinatawag na po kayo sa may conference room.”

 

“Okay. I’ll be there.”, sagot ko naman

Napahinga naman ako ng malalim pagkatayo ko sa upuan ko. Medyo nahihilo kasi ako. Tch. Dahil siguro sa stress. Busy kasi ngayon ang AC.

Pagdating ko naman sa conference room ay naabutan ko roon sina kuya Kevin, Kyle, Celine, Lucas, Brian, at ate Valerie.

“Pa-VIP kahit kailan.”, narinig ko namang sabi ni ate Valerie pero hindi ko na lang pinatulan pa. Hindi ko alam kung bakit pati kasi siya kasama rito.

The Billionaire's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon