Prologue

93 6 0
                                    

"Hi Miss, sasakay ka?" magalang na tanong ni Niel sa isang dalaga na namataan niyang naghihintay sa labas ng CT university.

Ilang metro pa ang layo niya kanina sa labas ng university ay natatanaw na niya ang dalaga. Maganda ang dalaga, unat na unat ang buhok at nangingintab iyon. Maputi ito at balingkinitan ang katawan. Kahit sinong tricycle driver ay siguradong titigilan agad ito kapag nadaanan. Maswerte si Niel dahil siya pa lang ang tricycle driver na namamasada nang oras na iyon sa nasabing eskwelahan.

Hindi pa kasi naglalabasan ang mga estudyante. Pero ang magandang binibining ito ay nasa labas na agad ng eskwelahan. Naisip niya na baka nag-cutting classes ito o di kaya ay nagpaalam sa professor na uuwi ng maaga.

"Kuya, pakihatid ako sa Barangay Dos Fatima village," sagot ng dalaga sabay sakay sa tricycle ni Niel. Hindi napansin na magkasing edad lamang sila ng pobreng driver.

Parang musika naman sa tainga ni Niel ang boses ng magandang dalaga. Kaya mas lalo siyang ginanahan na ipagmaneho ito. Kaskasero talaga siyang tricycle driver. At kung minsan ay nakikipag-karerahan pa siya sa kapwa magta-tricycle kahit na nasa gitna ng highway. Pero ngayon ay para siyang may sakay na prinsesa sa loob ng kanyang karwahe.

Ingat na ingat siyang magmaneho at banayad lamang ang patakbo niya. Subalit sa pag-iingat niyang magmaneho ay parang nairita ang prinsesang lulan sa loob ng kanyang munting karwahe. Kaya sa inis ay kinalabit siya nito sa kanyang braso at pinagsabihan.

"Kuya, pwede bang pakibilisan mo ang pagmamaneho? Baka bukas pa tayo makarating sa bahay sa sobrang bagal mo magmaneho nyan! Daig mo pa ang karo ng patay kung mag-drive!" pairap na sabi ng dalaga. Pero hindi naman nakikita ni Niel dahil abala siya sa pagmamaneho.

"Gaano ba kabilis ang gusto mo magandang binibini?" may lambing niyang tanong dito na tila kinikilig pa.

"Yung mabilis akong makakarating sa bahay namin, syempre!" pilosopong sagot naman ng magandang binibini sa kanya.

Masunurin si Niel. Kaya naman ang banayad at maingat niyang pagmamaneho ay binilisan niya na parang byaheng langit. Nasapo tuloy ng pasaherong dalaga sa loob ng tricycle ang dibdib nito dahil sa pagkabigla.

Kumapit itong mabuti sa gilid ng dingding ng sidecar ng tricycle. Dahil pakiramdam nito ay tatalsik sila sa kung saan kapag hindi ito kumapit dahil sa sobrang bilis ng takbo nila.

"Kuya, ano ba papatayin mo ba ako!" sigaw na reklamo ng dalaga. Sobrang higpit ng kapit nito dahil sa takot na baka sumemplang sila sa kung saan. O di kaya ay baka tumilapon siya sa labas dahil sa sobrang bilis ng gagong driver na magmaneho.

Ang buhok nito ay kung saan-saan na rin pumapaling ng salimpad dahil sa lakas ng hangin na sumasalubong sa kanila. Hindi naman naririnig ni Niel ang reklamo ng binibini dahil sa lakas ng ugong ng tricycle niya. Kaya lakas loob muling kinalabit ng dalaga si Niel sa braso at bahagyang sinilip ang kaskaserong driver.

Natinag naman si Niel sa kalabit ng dalaga. Para na naman siyang nakaramdam ng bolta-boltaheng kuryente sa simpleng kalabit lamang ng babaeng ito sa kanya.

"Kuya hindi ko sinabing magmaneho ka papunta kay kamatayan, ang sabi ko bilisan mo lang! Pero hindi ko naman sinabing byaheng langit ang gawin mo. Papatayin mo ba ako sa nerbyos!" pabulyaw na reklamo nito sa kanya upang magkarinigan sila.

Natawa si Niel sa sinabi nito. Kaya medyo nag-menor siya at binagalan ng kaunti ang pagmamaneho.

"Yan okay na ba ang ganyang takbo, Miss?" tanong ni Niel sa magandang dalaga niyang pasahero.

"Yan, kung ganyan ka ba naman magmaneho e di magkakasundo tayo. Hindi yung para kang nakikipagkarerahan sa isang daang kabayo!" may inis pa ring sabi nito.

Billionaire's Ex-girlfriend - Niel Alcazar (Billionaire Descendants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon