Chapter 3 - Interview with Niel

40 3 0
                                    

Pinahatid agad ni Teng at Cora si Anayeli sa CT mall sa Makati kung nasaan ang opisina ni Niel. Hiring si Niel ng secretary dahil katatanggal lang niya sa secretary niya.

Hindi daw malandi at hindi palaban yung secretary. Kaya tinanggal agad niya. Mas gusto kasi niya ang malalanding secretary. Para pag wala siyang ginagawang trabaho ay may napapagbalingan siya ng atensyon niya sa opisina.

Ready naman si Anayeli para sa position na sekretarya ng binata. Dahil nga inabisuhan na agad ito ni Teng kagabi sa cellphone na mag-aapply ang pobreng dalaga bilang secretary sa kapatid nina Teng at Cora. Kaya naman nagbihis ito ng pormal na kasuotan.

Pero bago umalis si Anayeli ng opisina ni Corazon kanina, ay inayos muna ng magkapatid ang make up ng dalaga. Nude lang kasi ang make up ni Anayeli kanina. Dahil hindi ito sanay na makapal ang kolorete sa mukha.

Sa ngalan ng deal nila at pagkakaperahan, kaya pumayag ito na ayusan ng magkapatid. Dahil ang gusto daw ng kapatid na lalaki nina Teng ay yung mapapaangat ang labi pagkakita pa lang sa mukha ng aplikante. Naiisip ni Anayeli kanina pa na malamang ay manyakis ang kapatid ng mga ito. At malamang din ay pinapairal ang pera palagi dahil baka hindi naman gwapo.

Tinatanong ni Anayeli kung ano ang pangalan ng kapatid ng mga ito. At bakasakali na nakita na ng dalaga sa tv ang manyakis na kapatid ng mga ito. Kaya lang ay secret muna daw sabi ng Alcazar sisters.

Ayaw daw ng kapatid nina Teng na simple lang ang make up. Gusto daw ng manyakis na iyon sa babae ay makapal ang lipstick at mapula. Dapat ay palaging naka-postura ang secretary ng binata sa tuwing papasok sa opisina.

At ang pananamit ni Anayeli ay inayos din ng magkapatid. Nakasuot kasi ito ng mini skirt at polo na puti na naka-tuck in. Naka-butones iyon na halos masakal na ang dalaga sa leeg.

Inalis nina Teng ang butones ng polo ni Anayeli pababa, na halos makita na ang cleavage. Naiilang tuloy si Anayeli sa itsura nito at pananamit. Pero sa isip nito ay carry lang para sa ekonomiya!

Gusto na nitong makaalis sa eskwater na tinitirahan nila. Kaya kakayanin nitong mangpanggap at maging mukhang malandi at pakawalang babae sa harap ng manyakis na kapatid ng napakababait na dalawang Alcazar.

Sana kasing bait din siya ng mga Ate niya. Naibulong na lang ni Anayeli sa sarili nang malapit na ito sa CT mall. Medyo kinakabahan kasi ito at nakakaramdam ng takot sa magiging boss nito na manyakis. Huminga ito ng malalim upang alisin ang agam-agam sa dibdib.

Hindi ito pwedeng sumuko agad, nagsisimula pa lang ito. At alam nito sa sarili nito na kaya naman nito ang challenge ng magkapatid na Alcazar. Hindi malandi si Anayeli. Pero dahil sa mga makukuha nitong benepisyo ay kakayanin nitong lumandi.

Sasabayan nito ang hilig at ugali ng magiging boss nito. Hindi ito pwedeng maging mahina at mahiyain. Dahil napakadami pa nitong kakailanganing salapi para maka-graduate sa lahat ng pagkakautang ng ama nito.

Shit! Naalala ko na naman si papa at ang utang niya! Mura ng dalaga sa isip. Dahil sa paghihirap nila, pati tawag na daddy sa ama ay binago na nila. Tinutukso kasi si Tantan ng mga kalaro. Hindi naman daw sila mayaman, makatawag daw sila ng daddy sa tatay nila ay wagas. Sa Sityo kasi nila ay ganoon ang thinking ng mga tao. Walang tumatawag ng daddy o mommy sa mga magulang, dahil mahihirap lamang daw sila. Pang-mayaman lamang daw ang mommy at daddy na tawag sa magulang.

Agad pinapasok ng gwardiya ng CT mall si Anayeli. Doon sila dumaan sa likod ng mall kung saan dumadaan ang mga empleyado ng mall maging ang mga aplikante.

Pagkatapos ay pinadiretso ng gwardiya ang dalaga sa canteen na kinakainan ng mga empleyado ng mall. Nadatnan nito doon ang mga kapwa aplikante din na naghihintay na ng resulta ng exam at interview kanina.

Billionaire's Ex-girlfriend - Niel Alcazar (Billionaire Descendants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon