EULIII2

1.3K 58 19
                                    

-

Hindi ako maniniwala hanggat hindi ko nakikita katawan mo... you're still alive... Eul.

-

Third Person's POV

"Sheena, inom ka muna oh..." pagkuway na alok ni Cassey sa kaibigan sabay abot ng baso ng tubig. Hindi iyon kinuha ni Sheena, bagkus ay nanatiling nakatitig sa kawalan.

Sinenyasan naman ni Cassey si Jigs upang aluhin ang nobya. "Babe... inom ka muna..." talima naman ni Jigs. Blangkong tinignan pa siya saglit ni Sheena bago muling ituon ang atensyon sa kawalan. "Please?" Malambing pang dagdag ng nobyo na saglit siyang inagaw sa kalungkutan.

Huminga nang malalim si Sheena bago kinuha at ininom ang basong inalok ng nobyo. Si Kit naman ay mariing hinawakan ang kamay ng nobyang si Cassey upang iparamdam ang kaniyang pagdamay.

Napuno silang apat ng katahimikan na tanging tunog lamang ng mga marahang usapan sa paligid ang maririnig. Narinig pa nila ang pagbukas ng pinto ng coffee shop at pinukaw ang kanilang atensyon ng pagpasok ni Itchan doon.

Basang-basa pa ito na dahil sa bahagyang ulan sa labas. Tila nakikisabay sa mabibigat nilang emosyon. Saglit pang nagpagpag si Itchan sa kinaroroonan bago maglakad patungo sa mga kaibigan.

Hinawakan ni Cassey ang kamay ni Sheena at pinisil ito. Ilang saglit lang ay di na napigilan ni Sheena ang kaniyang luha't hikbi at tuluyan na siyang umiyak na sinundan naman ni Cassey nang makita ang kaibigan.

Walang nagawa ang kanilang parehong nobyo kundi yakapin sila. Hindi na sinubukang magsalita ni Itchan paglapit sa mga kaibigan kaya't diretso na lamang siyang umupo at tumitig sa kawalan.

Ilang saglit pa ay dumating ang mga waitress at nilapag ang mga in-order na pagkain at kape. Nagtatakang tumingin pa ang mga ito sa kanilang mga customer na tila'y pinagsakluban ng langit at lupa.

"Itchan, asan si Clive?" Mahina at mabigat na pagtatanong ni Cassey.

"Oo nga... kanina pa ako text ng text, hindi man lang siya nagrereply... alam niya na ba yung nangyari?" Dagdag pang tanong ni Sheena.

"Hindi ko rin alam eh... pero ang sabi niya sakin finals nila kaya sobrang busy niya this month..." pagkuway na sagot na lamang nito na naintindihan naman ng kanilang mga kaibigan.

Tumango-tango nalang si Cassey sabay huminga ng malalim bago barag na nagsalita. "Hindi parin ako makapaniwala..." usal pa niya sabay higop sa mainit niyang kape. "Alam na ba 'to ni Spiro?" Mabilis niyang tanong nang maalala ang kaibigan.

"Hindi ko alam... baka nga di pa nakakauwi 'yon..." sagot naman ni Jigs.

Matapos magsalita si Jigs ay muli silang nabalot ng katahimikan. Wala ni isa ang nagsalita. Wala ni isa ang nangahas na kumibo. Lahat sila ay dinama lamang ang kanilang emosyon sa ilalim ng bahagyang ulan na totoong dumagdag sa bigat ng kanilang nararamdaman.

-

"What happened?!" Bulyaw na tanong ni Kean pagbaba sa chopper. Nagulat pa ang lahat sa bungad ni Kean. Ilang saglit pa ay mabilis itong tumakbo at pinasadahan ng malakas na suntok ang pinakauna niyang nalapitan.

Binaling niya ang kaniyang galit sa mga bodyguard lalo na kay Mr. Ong na bahagya niya pang sinikmuraan.

Tinanggap iyon ni Mr. Ong at hindi ininda ang sakit habang hindi umaalis sa kaniyang pwesto. "What the fuck happened?!" Muling sigaw nito at pinagdiskitahan pa ang iba pang mga bodyguards. Suntok sa kahit sino. Sipa sa kahit anong direksyon. At sigaw na gumugulantang sa buong mansion.

Akma niya pang susuntukin ang isa sa mga ito nang mabilis siyang tinulak patalikod na ikinatumba niya. "Anong ginagawa mo?!" Sigaw ni Skyrus sabay suntok sa pisngi ni Kean.

"I told you!" Sabay suntok muli. "Ingatan mo si Eul!" Suntok sa kabilang pisngi. "Pero putangina isang araw palang ganito na nangyari!" At pakawala ng pinakamalakas niyang suntok. Dumudugo na ang mukha ni Kean at hilo na rin ito.

Basang basa na ang pareho ng ngayon ay malakas na buhos ng ulan. Ilang suntok pa ang pinakawalan ni Skyrus nang agawin siya at ilayo ng mga bodyguards kay Kean. Ang iba naman ay itinayo si Kean at dinala sa loob ng mansion.

Inalalayan pa ito na makaupo sa couch sa kabila ng kaniyang abusong pisikal na ginawa. Agad na kumilos ang mga katulong upang gamutin ang mga sugat na natamo nito. "Pinagkatiwala ko sa'yo si Eul." Mariin. Malalim. Puno ng hinagpis na pagkakasabi ni Skyrus pagpasok sa mansion.

"Fuck!" Biglang bulyaw ni Skyrus at mabilis na nawalan ng balanse kaya't siya'y natumba sa sahig. Aalalayan pa sana siya patayuin ng mga tauhan ngunit sumenyas siyang lumayo ang mga ito. Sumandal siya sa pader at doon humagulgol. Mabigat. Puno ng pagsisisi.

"Kean... si Eul... pa-pano..." utal-utal na tanong ni Skyrus matapos huminga nang malalim. Ang ngayon namang natauhang si Kean ay gumegewang-gewang na naglakad patungo sa kinaroroonan ni Skyrus at umupo. Tumabi siya sa kaibigan at doon umiyak.

"This is my fault." Diretso niyang sabi sabay punas ng mga luhang humalo sa kaniyang dugo. "Dapat hindi ako pumayag sa sinabi niya..." segunda pa nito.

Ang mga katulong at bodyguards ay napako ang atensyon sa kanilang mga amo na ngayon ay nakaaawang panoorin.

"I can't believe this is happening..." sabi naman ni Skyrus sabay sabunot sa sarili. "He's not dead..." dagdag pa niya.

Si Kean ay nakita ang malaking litrato ni Eul na nakasabit sa pader at tinitigan ito. "Eul..." bigkas niya pa sa pangalan nito sabay hagulgol.

"He's not dead... I know..." mariing sabi pa ni Skyrus bago buong lakas na tumayo.

-

"Kasalukuyang nagsasagawa ang Philippine Coast Guard ng search and rescue operation upang mahanap ang lumubog na private jet na sinakyan ng negosyanteng si Eul Justine Espinosa na mayari ng ME Group of Companies kasama ang isang piloto at dalawang crew ng nasabing eroplano."

"Kinumpirma naman ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang identity ng mga taong lulan nito---yes, Mr. Espinosa is one of them---sabi pa ng spokesperson nito."

"Ayon naman sa Admiral ng PCG na si General Rodulfo Villanueva, gagawin nila ang lahat upang mahanap ang lumubog na eroplano---we will do everything para mahanap lahat ng mga taong nasa loob ng private jet but we're not really hoping na makapag-rescue ng buhay dahil sa pagsabog palang nito---ani pa niya."

Masamang tumitig si Spiro sa daang tinatahak habang matulin na minamaneho ang kaniyang sasakyan. Nagtagis pa ang kaniyang bagang sabay suntok sa kaniyang manibela na nagsanhi ng pagbusina nito.

Tanging maliit na pagasa lamang ang kaniyang pinanghahawakan.

Hindi ako maniniwala hanggat hindi ko nakikita katawan mo... you're still alive... Eul.

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon