XIX - Winning Lost

7K 306 25
                                    

Sheerina

"Whatever happens, don't tell her your name." Malamig at mahina na sabi ni Ashton na sigurado akong kami lang ang nakarinig dahil sa earpiece.

"E ikaw, ano pangalan mo?" Parang bata nitong tanong sakin.

Hindi ko maiwasan ang mapapikit dahil sa takot.

"Hindi mo sasabihin?" Sa tono ng pagtatanong nha, para syang nananakot na isang bata.

"Aw... Bilis na, ano kasing pangalan mo?" Tanong pa nito na parang bata. Bakit ba gustong-gusto mo malaman ang pangalan namin?

Bigla nalang akong hindi makagalaw at parang may dahan-dahan na umaakyat sa ulo ko galing sa paa ko!

"A-ako si..." Kusa nalang gumalaw ang bibig ko at handa ng magpakilala.

Pilit ko itong pinipigilan pero sadyang ang hirap pigilan.

"Sheerina?" Tanong ni Ashton. Wala akong masagot sa tawag nya dahil sa oras na to, hindi ko hawak ang katawan ko.

"A-ako si..." Pinipilit pa rin ng bibig ko na magsalita, at pinipilit naman ng utak ko na huwag ituloy ang aking sasabihin.

"Ikaw si?" Nakangiting tanong ni Chelsea habang nakalapit sakin ang mukha ng sobrang lapit

"Ako si..." Nahihirapan na kong pigilan ang paglabas ng salita sa bibig ko.

The more na nilalabanan ko, mas lalo akong nasasaktan.

"Say it! Say it!" Excited na sigaw ni Chelsea habang pumapalakpak pa.

"Sheerina?" Tanong ulit ni Ashton. Gusto ko man syang sagutin pero hindi ko magawa.

Hindi ko na talaga malabanan ang mga salotang pilit na kumakawala sa bibig ko.

'Ashton, Raven, Daemon, Levicarl, Nasqued... we need your help'

"Ako si Sheerina." Pagpapakilala ko at tuluyan ng bumagsak.


Ashton

"What did you do?!" Nagliliyab ang galit at apoy sa katawan ko.

Kung sa tingin mo malakas ka, nagkakamali ka.

Mas malakas ako.

I am the top one blooder.

"Oh, handsome, ikaw naman, magpakilala ka." She said while smiling, she then touched my face.

Iniiwas ko naman ang mukha ko.

"Tough huh?" Nakangiti pa ring tanong nya.

Why is she always smiling?! Is she insane?

"Ashton, Meridette, Elliot, Sheerina, everything alright?" Tanong ni Daemon. I hate to say this but i have no choice.

"Come here quickly." I said at ibinaling na ang mata kay Chelsea.

"How about we play? Magtanungan tayo! Yey!" Sigaw ni Chelsea at nagpapalakpak habang tumatalon.

What a crazy woman.

"Do whatever you want." Nababagot at naiinis na sagot ko.

"Well then, let's play!" Pumapalakpak pa rin na sabi nya na parang tuwang-tuwa.

"Bakit ka napunta dito?" Deretsong tanong ko at mas lalong lumaki ang ngiti nya!

"Ah, a very controversial question." Sabi nya at naupo medyo malayo sakin at nangalumbaba.

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon