34

90K 2.6K 831
                                    

Denisse Gonzales Juariz

Parang tumigil ang puso ko sa pagtibok nang itarak ni Shanice ang kutsilyo sa tiyan niya. Nakangiti pa ito sa akin habang ginagawa niya 'yon sa harapan niya. She smiled at me like she did something great.

"Look at me, Denisse! You and Jonas made me do this! Kayo ang may gawa nito sa akin!" Ang sigaw niya habang hawak-hawak ang kutsilyo na .

Nakita ko si Jonas sa 'di kalayuan, hawak niya ang mga bata sa magkabila niyang kamay. Nakangiti pa silang tatlo habang naglalakad papasok.

Doon na ako napatili ng malakas na bumagsak si Shanice sa harapan ko.

"JONAS! SI SHANICE!" Ang umiiyak ko nang tawag sa asawa ko. Patakbo itong lumapit sa akin habang nakasunod sa kanya ang mga bata.

Saglit pa silang tumitig tatlo sa madugong katawan ni Shanice. They were looking at her like they just saw something pathetic. Ni walang anong naglandas na emosyon sa mga mukha nila. All of them were emotionless; not even an ounce of fear could be seen in my children's eyes

"Jonas, ano ba! Help her! Mamamatay na siya!" Ang sigaw ko kay Jonas dahil mukhang wala yata itong balak na tulungan ang kawawang babae.

Pinapasok niya muna ang dalawa sa loob ng bahay bago yumuko para tingnan si Shanice. Nag-dial ito nang kung ano sa cellphone niya at nag-request ng ambulansya.

"God! I told her to die elsewhere. Tangina, tutuluyan ko talaga ang babaeng to kapag buhay pa siya pagdating sa ospital." Ang bulong niya na nakaabot pa rin sa pandinig ko.

"JONAS!" Ang malakas kong saway dito.

"I'm just kidding." He even rolled his eyes at me! Ano bang problema ng lalaking to? May nag-aagaw buhay. Lumapit ito sa akin at niyakap ako. "Wala kang ginawang masama, she did this to herself. And if ever she dies they can only blame her or me, not yourself. Naiintindihan mo?"

Tumango ako dito bilang sagot at yumakap pabalik. Bakit ang tagal ng ambulansya?

"Where should I throw her body?" He asked out of nowhere. Marahas akong lumayo sa kanya at hinampas ang kanyang braso.

"JONAS! This is not the time to joke! STOP STRESSING ME OUT!" Singhal ko dito dahil hindi na talaga ako natutuwa sa mga banat niya. Marahas kong pinunasan ang mga luhang naglandas sa mga pisnge ko.

Hindi nagtagal dumating na rin ang ambulansya para kunin ang katawan ni Shanice. Ayaw sanang sumama ni Jonas pero hindi ako pumayag. I urged Jonas to go with her para siguraduhing na sa mabuti siyang kalagayan. Kahit hanggang dumating lang ang kapatid niya.

"Fine! Babalik ako kaagad, okay? Take care of yourself and the kids." Ang paalam niya bago ako hinalikan sa labi at sa noo.

Hindi man kami ang gumawa n'on sa kanya pero kami ang rason kung bakit nagkagan'on siya. My relationship with Jonas pushed her to do that. Siguro para na rin ang guilt dito sa puso ko. I don't want people to die dahil lang sa relasyon namin ni Jonas.

Shanice is a beautiful girl and she deserves someone who will love her too. May masama man kaming nakaraan hindi ibig sabihin n'on hindu ko na hihilingin na sumaya siya. Everyone deserves a second chance. Hindi lahat kailangan mong idaan sa galit at paghihiganti. I think forgiveness is stronger than revenge.

It's just unfortunate that we fell in love with the same guy. Kung siya ang pinili ni Jonas, hindi naman ako magdadalawang isip na ibigay si Jonas sa kanya. But Jonas...Jonas chose me and our kids. I'm selfish when it comes to love and family.

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon