CHAPTER 22

10.3K 402 95
                                    

[Aika]

Bente minutos na akong naghihintay kay Ryuuji upang sabay kaming pumasok sa eskwela. Simula nang bumalik ako sa school hatid sundo na rin niya ako. Nasasanay na rin ako na may boyfriend dahil sobrang sweet ni Ryuuji.

Hindi ko na rin inisip ang tumatawag sa kanya na Baby Boy dahil alam kong hindi naman iyon papansinin ni Ryuuji. Minsan pa nga naiiwan ni Ryuuji ang cellphone niya sa bag ko.

"Aika, ano'ng oras ba darating si Ryuuji? Baka ma-late na kayo," ani Mama.  Hindi kasi siya nagtinda ngayon dahil dadalaw si Papa sa bahay namin mamaya, sayang nga dahil hindi ko maabutan kasi hapon pa ako makakauwi.

"Hindi po siya tumatawag or kahit text sa'kin,"

"Baka tinanghali ng gising ang batang 'yon, mag-text ka na lang na mauuna ka na,"

Tumango ako. "Sige po,"

Iyon nga ang ginawa ko nagtext ako kay Ryuuji na mauuna akong pumasok dahil baka ma-late ako.  Pagkatapos ay umarkila na lang ako ng trycycle hanggang sa school namin.

Papasok na ako ng university nang may humintong puting kotse sa harapan ko. Saglit akong tiningnan ito pagkuway tumalikod na ako ngunit hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa loob ng university narinig kong tinawag ang pangalan ko, lumingon ako at nakita ko ang magandang babae na lumabas sa kotse.

"Ikaw ba si Aika?" nakataas pa ng kilay niyang tanong sa'kin.

Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Sigurado akong hindi siya estudyante ng school dahil hindi naman siya nakasuot ng uniform, sa halip naka-maong short lang siya at crop top na damit, nakatali ang buhok niyang kulay itim ngunit ang bangs niya ay puti. Napansin ko ang tattoo niya sa kanyang pulsuhan. Ngunit mas nagulat ako nang mabasa ko ang makita ko ng buo ang tatto niya. Ryuuji iyon ang nakatattoo sa kanya.
Maliit ang mukha niya, may makinis siyang balat at makipot ang labi niya, hindi rin nakaligtas sa'kin ang mahaba niyang pilikmata.

Siya si Baby love?

"Bakit mo tinatanong?" sagot ko.

Lumapit siya sa'kin at kinuha ang ID ko at binasa ang pangalan ko. "Tama nga ako, ikaw si Aika, alam mo ba'ng kanina pa ako naghihintay sa'yo roon!" sabay turo niya sa pinaka-unahan. Marahil doon siya naka-park kanina.

"Anong kailangan mo sa'kin?" diretsang sagot ko.

"Wala akong kailangan sa'yo, ang gusto ko lang hiwalayan mo si Baby Boy ko— I mean si Ryuuji," sagot nito.

"Bakit ko naman 'yon gagawin— ouch!" napahawak ako sa pisngi ko nang bigla niya akong sinampal.

"Hindi lang 'yan ang kaya kong iparamdam sa'yo kung hindi mo hihiwalayan si Ryuuji. Matagal na kaming magkakilala, pareho kaming mayaman, ang pamilya namin ay magkaibigan kaya kaming dalawa ang nakatakdang mag-pakasal, akin lang si Ryuuji, naiintindihan mo! Akin lang siya!" sigaw niya sa'kin.

Sa lakas ng boses niya nakuha niya ang atensiyon ng mga estudyanteng dumadaan sa'min.

"Mahal ko si Ryuuji kaya wala akong dahilan para hiwalayan siya," sabi ko.

"Matigas ka ha!" Muli niya sana akong sasampalin ngunit sa pagkakataong iyon hinuli ko na ang kamay niya upang pigilan siya.

Matalim ko siyang tinitigan. "One is enough," sagot ko.

Pinisil ko ang palapulsuhan niya at pagkatapos ay itinulak ko siya. Muntik pa siyang bumagsak sa lupa kung walang kotse nakaharang sa kanya.

"Magbabayad ka!" Sasampalin niya sana ako nang biglang may kamay na humarang sa kanya, nang tingalain ko nakita ko si Ryuuji, nakasuot siya ng uniform at habang ang isang kamay nito ay nakapamulsa. Seryoso ang mukha niyang nakatingin kay Baby Love.

THE BADBOY'S FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon