Ikadalawamput-Apat na Yugto

20 1 0
                                    

BUTI AY NASABI KO NA SA kaniya ang apartment namin kung hindi baka kung ano na nangyari. Uulitin ko sana ang paalala kasi kanina parang di siya nakikinig pero natigilan ng tama ang hinintuan naming apartment.

"Tss, you're not safe on your apartment." Anang ni Klenth matapos niyang mailagay si Kliera roon sa kwarto. Umiinom ako ng tubig ng bigla siyang magsalita dyan.

"Safe kaya! Apat ang lock namin dito, Klenth."

"Tss." Singhal niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at pumunta na lang sa kwarto para mag-ayos ng gamit namin ni Kliera. Pawisin kasi ito kaya kailangan palitan lagi ng damit.

Dinala ko rin ang gatas niya kung sakaling hindi siya makatulog o gusto niyang uminom nito. Nahagip naman ng paningin ko ang pagpasok ni Klenth sa aming kwarto sandali niya akong tinignan bago naupo sa tabi ni Kliera.

"Dito ka nagbuntis at dito lumaki si Kliera, tama?" Tanong niya dahilan ng pagkabaling atensyon ko rito. Marahan akong umiling bago siya sagutin at magpatuloy sa pag-lalagay ng damit ni Kliera.

"Hindi, doon ako sa kaibigan ko nagbuntis, tas doon din lumaki si Kliera. Bumalik lang kami dito nung nakaluwag luwag na."

"What, why?" Takang tanong niya. Nahagip ng aking tingin na palapit siya kung na saan ako na siyang nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"H-humina ang kapit sa akin ni Kliera kasi napabayaan ko ang sarili ko nung nawala ka sa'kin. Pero buti natauhan ako dahil kila Sam. Pero nahirapan pa rin akong ipanganak si Kliera yung tipong delikado na kong mag-normal."

Umupo siya sa tabi ko at nagpangalumbaba na parang interesado sa kinukwento ko. Napangiti ako ng bahagya ng maalala ang mga araw na yon.

"Halos lumuhod na ko sa pagmamakaawang i-normal ako, iyak ako ng iyak noong nailabas ko na si Kliera ng normal. Mabuti na lang walang komplikasyon sa kaniya. Matalino at bibo siyang bata. Nahilig nang magpicture picture dahil nga nagfi-freelance model din si Sam."

"Nahilig din siyang mag-drawing dahil kay Christina atsaka kay Sam."

"Hmm, your making me want to meet that Sam you're talking about now, and thank her for what she've done." Maangas niyang anas.

"You're friends with Sam too but I assumed you don't remember her either." Marahan siyang tumango tango.

"Sa tingin mo, ayos lang kay Kliera na may pakakasalan akong iba?" Biglang tanong niya na siyang nagpatigil sa akin.

"O-oo maiintindihan niya yon, alam niyang hindi lahat ng gusto niyang mangyare ay mangyayare. Ganoon ang sinabi ko sa kaniya noon nung hinahanap ka niya sa akin. Hindi lahat ng gusto ay makukuha natin at ayos lang yon kasi parte ng buhay yon."

"Sayo ayos lang sayo yon?"

Napatingin ako sa kaniya bago nagtuloy sa aking ginagawa. "Wala sa akin ang desisyong yan Klenth. Wala akong karapatant kuwestyonin ang desisyon mo."

"Why?"

"Sapat na sa akin na ipinangako mong magiging ama ka kay Kliera at bibigyan siya ng sapat na atensyon at pakialam kahit na wala kang maalala."

"Really? Why did you already moved on?"

"I never did, Klenth. Masyado kitang mahal para makalimutan. Halos mabaliw ako dahil hindi ko man lang nakita ang katawan mo matapos ang insidente."

"Hindi ko kayang magmahal ng iba, lalo na kung sa tuwing iisipin ko si Kliera ay nakikita kita na nagagalit sa'kin dahil gusto kong magmahal ng iba."

I smiled but he didn't.

"Hindi mo ba hinihiling na bumalik ako sayo."

"Now is all different, Klenth. All I want for Kliera is her Dad. Lalo na nung nalaman kong nakita ka na nila."

Remember me (Il Fiore Series #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang