EULIII8

740 37 2
                                    

-

"Men... buhay si Eul..."

-

Third Person's POV

"Isang linggo matapos mapabalitang namatay si Senate President Ruffo Gatchalian, ang kaniyang labi ay nakatakda nang ilibing ngayong araw sa Heritage Memorial Park ganap na alas tres ng hapon."

"Ang senador ay natagpuang wala nang buhay sa loob ng kaniyang interrogation room sa Camp Trinidad ilang araw matapos matagpuan ang murder weapon na ginamit upang patayin ang magasawang William at Jade Espinosa na noo'y mayari ng ME Group of Companies."

"The case is closed, ano... the motive of his suicide is guilt... it is easy to presume that he made this decision for him to be safe over prison---ani ni Inspector Cortez---"

Huling sabi ng mamamahayag bago patayin ni Paulo ang telebisyon sa opisina ni Miles. "Good morning... Senator Mercado..." Pagbaling ni Miles sa ngayong nasa harap niya sabay ngumiti at pinatong ang mga paa sa lamesa. Kabastos-bastos man para sa senador, wala na siyang nireklamo dahil tunay na wala siyang panapat sa negosyante.

"Good morning, Mr. Espinosa" Pagkuway na bati naman nito kay Miles. Kinuha niya pa ang kaniyang bag at naglabas ng mga papeles at inilapag ito sa lamesa. Mabilis iyong kinuha ni Miles at pasimpleng binasa. 

"Five million pesos..." bigkas ni Miles sa halaga ng karampot na papel. "This must be worth it..." Sabi nalang ni Miles sabay senyas kay Paulo. Agad naman itong naintindihan ng huli kaya't inabot sa kaniya ang cheque. Umiling pa siya pagkatanggap noon. 

"As you can see, I can fund your party... millions of funds... that will be my part..." Sabi ni Miles habang nagsusulat at pumupirma sa papel. Tumitig siya sa senador at bahagyang tumango.

"And as of yours, secure my company well..."  

-

"Mr. Pangilinan..." Panimula ni Sheena matapos patayin ang tawag habang sinasabayang maglakad si Kean papasok sa opisina ni Eul. "The Vice Chairman is on his way here..." dagdag na balita ni Sheena. Nilingon siya ni Kean bago buksan ang pinto ng opisina ni Eul. 

"Bakit?" Takang tanong naman ni Kean. 

"No agenda... his COS told me they are on the way..." Kibit-balikat na sagot ni Sheena. Akmang uupo na si Kean sa couch nang biglang bumukas ang pinto na iniluwa ang kaniyang ama na si Edward Pangilinan kasama ang mga tauhan nito.

"Dad! Why you're here?" Bati ni Kean sa ama. Mabilis namang tumayo si Kean upang salubungin ang ama at kunin ang kamay nito upang magmano. Matapos noon ay ginabayan niya ito na maupo sa couch paharap sa kaniya. 

Umikot pa ang paningin ni Edward sa buong opisina ni Eul at marahang nagisip. "Ikaw... bakit nandito ka?" Pabalik na tanong sa kaniya ng ama. "You should be the one finding your husband..." makabuluhang turan ng ama.

Sasagot na sana siya nang maunahan siyang muli nito. "Not Spiro..." Sa narinig ay napatitig si Sheena kay Edward at ganoon na rin si Kean. "Tell me, why you're here?" Mabilis na dagdag ng ama.

"Dad, ME Group is scheduled to meet APM Party this lunch... wala si Eul so---" Pinutol siya ng kaniyang ama.

"---so ako ang haharap sa APM..." sabi ni Edward at tumango-tango. "Right? Ms. Serrano?" Tanong muli nito sabay baling kay Sheena. Nagulat pa ang huli kaya't ang nagawa niya nalang ay sumangayon. "Yes... yes, Mr. Vice Chairman..." Huling sagot ni Sheena bago muling magsalita si Edward.

"So, Ms. Chief-of-Staff, call the pilot... you'll be going to Batangas and find Eul..."

-

"Boss... ilang minuto pa kaya bago tayo makarating dun?" Tanong ni Kevin sa katabing coast guard. Tumingin pa ito sa sariling relo bago sagutin si Kevin. 

"Kalahating oras nalang sir... o baka mas mabilis kasi maganda yung panahon..." Sagot nito sabay tingin sa asul na asul na dagat. Tumango nalang si Kevin bago naglakad palapit sa kasamang si Kit sa bangka. 

"Men... kalahating oras pa raw..." Sabi ni Kevin kay Kit sabay umupo sa tabi nito. Inabot pa niya ang isang balot ng tinapay sa huli bago kinagat ang kaniya. 

"Naaawa ako kay Spiro..." Sunod na sabi ni Kevin sabay titig kay Spiro na ngayon ay nakatitig sa dagat. Nasa kabilang bangka si Spiro kasama si Jigs. Halata nila sa mukha ng kaibigan ang matinding kalungkutan. Hindi parin ito naniniwalang wala na si Eul dahil sa pinanghahawakan nitong kutob. 

"Yun nga eh... sobrang mahal niya kasi talaga si Eul..." Pagkuway na sagot ni Kit sabay bumuntong hininga nang malalim at kumagat sa tinapay bago magsalitang muli. "Alam mo ba, pagtapos nila ni Eul five years ago, wala siya kahit isang naging shota..." kuwento ni Kit na sinegundahan naman ng kausap na si Kevin.

"Oo men, papatunay ako... sa gandang lalaki ni Spiro, hindi ko rin alam pa'no niya natiis..." Makabuluhang satsat ni Kevin.

"Hindi mo rin kasi talaga masasabi sa tao, no... sobrang minahal niya talaga si Eul... nakakalungkot lang kasi hindi sila nabigyan ng isa pang pagkakataon..." litanya ni Jigs. 

"Tignan mo 'yan siya... nakailang sabi na 'yan na huling beses na para kay Eul... pero hanggang ngayon, sumusugal parin..." Malungkot na turan ni Kevin at malungkot na umiling. "Wala na siyang karapatan eh... pero ayaw niya paring tumigil..." huling sagot ni Kevin bago magiwan ng malalim na litanya si Kit.

"Hindi mo rin talaga masasabi kung kanino mo ibibigay yung buong sarili mo..."

-

"Sir... nandito na po tayo!" Sigaw ng isang coast guard pagkahinto ng mga bangka. Ngumiti lang si Spiro sabay tumango sa sumigaw.

Ang mga bangka ay pumwesto pakalat sa karagatan at ilang sandali pa ay isa-isa nang nagsitalunan ang ibang miyembro nito upang sumisid at hanapin ang nawawalang eroplano.

"Men... anong balak mo?" Pagkuway na tanong ni Jigs sa kaibigan na ngayon ay titig na titig sa ilalim ng karagatan. Nakadungaw pa si Spiro para mapanood ang mga sumisisid pailalim.

"'Di ko alam men... sa ngayon, ayoko na muna magisip..." Sagot naman ni Spiro at saglit na binaling ang tingin kay Jigs. Naintindihan naman siya ni Jigs at inalo ito sa pamamagitan ng pagtapik-tapik sa likod ng kaibigan.

Sa pagtitig sa ilalim ng karagatan. Mula sa asul hanggang sa magdilim ito ay pilit niyang inaaninag ang kabuohang mukha ni Eul. Patuloy siyang umaasa na buhay pa ito. Patuloy siyang kumakapit sa kaniyang kutob.

Pagkaraan ng ilang minutong pagtitig sa kawalan ay iwinaglit ang lahat ng pagaalinlangan at buong puso siyang nagsalita sa kaibigan.

"Men... buhay si Eul..."

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon