Chapter 1

3.5K 54 7
                                    


"Hoy may ballpen ka?" Aligaga si Kendall habang papalapit sa akin.

Magulo ang kaniyang buhok at may gusot ang suot na damit. Ang lipstick naman niya ay medyo kumalat sa gilid ng kaniyang labi.

Humarap ako sa kaniya habang nakakunot ang aking noo.

"Who did you make out with?" Tinaasan ko siya ng kilay bago iniabot sa kaniya ang aking salamin.

"Fuck..." Mahina at dahan-dahan niyang sinabi habang inaayos ang kumalat niyang lipstick.

"Here." Inabot ko sa kaniya ang extra kong ballpen at hindi na siya kinuwestyon pa.

Mabuti na lamang at ako lamang ang nakakita noon dahil kung naunahan ako ng iba naming pinsan na lalaki ay baka pinagpyestahan na siya at pina-hunt down na ang kahalikan niya.

Kinuha niya iyon at ibinalik sa akin ang salamin. She then started typing hard on her phone screen.

Naawa ako sa cellphone niya dahil onti nalang ay baka mabasag na iyon sa paraan ng pagpindot niya na para bang galit na galit siya dito.

Tumayo na ako at nagpaalam sa kaniya upang bumili ng ice coffee bago ang susunod kong klase.

Tinignan ko ang aking relo, mayroon pa akong trenta minuto upang bumili ng kape.

Medyo late na rin kasi akong nakatulog kagabi dahil sa pag-aaral para sa sabay-sabay kong quiz ngayong araw.

Ang sabi pa naman ng mga pinsan ko ay chill lang ang first year college ngunit para sa akin ay hindi naman. O baka dahil nag-aadjust pa ako kaya ganito?

I started to walk towards the nearest coffee shop from our University.

I ordered my favorite ice coffee before heading to an empty table to wait.

Inilabas ko muna ang reviewer ko upang makapagbasa at upang makapagsagot ng ilang mga tanong.

Kahit na last month pa lamang nagsimula ang klase ay parang papatayin na kami ng mga professors dahil sa dami ng pinapagawa nila sa amin.

Nang dumating na ang inumin ko ay niligpit ko na ang mga nakakalat na mga papel sa aking mesa bago lumabas doon at dumiretso na sa aming building sa college of fine arts and design.

I'm currently taking interior design as my course. I find myself enjoying and passionate about this course. I like playing with space, line, forms, light, color, texture, and pattern in a good way.

I've always enjoyed designing or decorating my room even before college. I find my happiness whenever my mom lets me re-decorate her office.

Bago ako makarating sa mismong room ko ay madadaanan ko muna ang building ng business management kung saan naglipana ang mga may itsurang lalaki.

If you are looking for boys with good looks, you should go to the engineering, architecture, and business management building dahil paniguradong mabubusog ang mata mo sa mga estudyante rito.

"Get out!" Narinig kong sigaw ng isang matandang professor.

Sinulyapan ko siya at nakitang halos malapit ng pumutok ang ugat niya sa noo dahil sa galit.

Mas lalo akong nagtaka nang ang makita kong lumabas mula sa silid ay si Jordan.

Nakangisi siya at preskong nakalagay sa bulsa ng pantalon ang kaniyang kamay habang naglalakad papalabas ng silid.

I can't see any regret in his eyes and considering the way he walked out of the room, it was like he was not even bothered that the professor made him leave.

"Hey!" Lumapit siya sa akin nang makita ako.

He is wearing this familiar grinning face, 'yung pang fuck boy na kadalasan ay nakikita ko sa aking mga pinsan.

The Burning Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon