CHAPTER NINE - Part 2

905 50 2
                                    

"ARE YOU okay?" tanong ng director nila kay Darlene.

Pinilit niyang ngumiti dito. "Opo," sagot niya.

"Nag-meeting kami kanina ng mga staff, tungkol sa pagbabalik ni Jason. He talked to us last night, he apologized and said he wants to come back to the play. Kinukuha niya ulit ang posisyon n'ya na binigay natin kay Steven," anang director.

Bumuntong-hininga si Darlene.

"Ano po ang naging desisyon n'yo?" tanong niya.

"Honestly Darlene, hati ang opinion ng mga staff. Most of them wants Jason back dahil from the very beginning alam na nito ang gagawin. Hindi na natin kailangan mag-adjust gaya ng ginagawa natin kay Steven. Mas malaki ang makukuha natin advantage kapag tinanggap natin ulit sa play si Jason. Pero may mga mas gusto si Steven, dahil kahit ako aaminin ko, iba ang determinasyon niya para sa isang hindi walang experience sa stage play. Madali siyang matuto pagdating sa acting, maging ang mga kanta ay nakabisado niya agad. Hindi ko siya nakitaan ng panghihina ng loob. Madali niyang natutunan ang lahat," sabi ng director.

"Eh kayo po, direk? Kung ikaw ang papapiliin?"

Bumuntong hininga din ito.

"I don't know. Sumasakit na nga ang ulo ko sa kakaisip," sagot nito.

Napalingon siya kay Mister Rivera, ang Producer ng Stage Play nila, nang magsalita ito.

"Let's accept Jason, Darlene. Mas makakabuti iyon sa play."

"Pero paano naman ang effort na binigay ni Steven? Sir, direk, I am sorry if I will be bias this time because he is my cousin. He worked hard for this! Nananahimik ang pinsan ko pero inistorbo namin dahil nakiusap kayo na kailangan siya! Ngayon bumalik lang ang Jason na 'yon, itsapuwera na agad si Steven?" galit na sabad ni Julianna.

Naluluhang napaiwas ng tingin si Darlene.

"I am sorry, Julianna. Pero kailangan natin i-grab kung saan tayo mas mapapadali, alam mo na mas makakabuti sa atin lahat kung ibabalik natin si Jason. Bago siya umalis, alam na niya lahat ng gagawin, from the script down to blocking, hanggang sa mga songs. Habang kay Steven, kailangan pa natin ituro sa kanya ang lahat," sabi pa nito.

Hindi nakakibo si Julianna, ngunit tumingin ito sa kanya.

"Ikaw Darlene? Pagkatapos ng ginawa ni Jason sa'yo? Kaya mo pa ba siyang makasama sa play?" baling sa kanya ng kaibigan.

Tumingin si Darlene sa Producer at Direktor nila. "Sir, Direk, I'm sorry. Pero hindi ko na po kayang makatrabaho si Jason," determinadong sagot niya.

"Pero Darlene..."

"Excuse me, kailangan ko na rin pong umalis. May kakausapin pa ako," paalam niya.

Hindi na hinintay ng dalaga na sumagot ang kahit na sino sa mga ito. Agad siyang tumalikod at lumabas ng auditorium. Napalingon siya sa katabi ng makitang sumabay pala sa kanya si Julianna.

"I can't believe it! Bumalik lang ang Jason na iyon, itsa-puwera na agad nila si Steven!" patuloy nito sa pagpo-protesta.

Napahinto siya sa paglalakad pagdating nila sa hallway.

"I'm sorry Julianna, ang totoo, napaisip din ako kanina habang nag-uusap si Direk at Sir Ramirez," pag-amin ni Darlene, na ang tinutukoy ay ang Producer nila.

"Okay lang 'yon, naintindihan ko naman. Kahit 'yong point nila, I understand. Ang ayoko lang ay mauwi sa wala ang pagod ni Steven. Pero teka, bakit si Steven ang pinili mo sa huli?"

Love Confessions Society Series 3: Steven Santos (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now