CHAPTER 34: HOSPITAL [3]

310 12 0
                                    

HELLIANNA'S POV

Pumunta ako sa Mall ko, sarado na ito pero syempre dahil sakin to meron akong daanan na para sakin lang. Nasa likod ito ng Mall. May Elevator sa gilid na parang bato kaya di pansin. Pinindot ko iyon at pumasok sa loob. Pagdating ko sa second floor ay dumaretso agad ako sa isang dress shop at kumuha ng black T-shirt and black leather pants tsaka black leather jacket. Tsaka ko tiningnan ang sarili ko sa salamin. Nang makuntento na ko ay umalis na ako at sumakay ng motor.

Pagdating sa pupuntahan ko ay bumaba na ako at dumaretso sa gate. Automatic ang gate namin. Ii-scan ka nito, paghindi kilala ang nai-scan ay magtatanong Ito sa bantay ng gate kung papapasukin ba o hindi.

Pagkabukas ng gate agad akong dumaretso sa loob. Nakasalubong ko si Rayver. Yumuko ito bilang pagbibigay ng galang bago ako sinalubong ng yakap at ngiti.

"Bakit ka nandito? Miss mo ko?" Tiningnan ko lang sya ng malamig tsaka ko inikot ang aking paningin sa buong lugar.

"Nasan si Mr. Abello?" Nagtataka syang tumingin sakin pero tinuro nya ren. Naglakad na ko papunta doon. Naramdaman kong sumunod sya sakin.

Kitang-kita ng dalawang mata ko si Mr. Abello, nasa security room ito, dahil isa sya sa mga inatasan kong magbantay. Ngumise ako ng napalingon sya sakin at yumuko. Nanginginig yung kamay nya. Sa takot i guess?

Naglakad ako papunta sa likod nya tsaka sya sinipa dahilan kaya sya napadapa, tinapakan ko sya sa likod at nakangising yumuko sa kanya

"Anong ibig sabihin nito Queen?" Napalingon ako kay Rayver, pero binalik ko ren agad ang tingin ko kay Mr. Abello

"B-ba-bakit Q-queen?" Nanginginig nitong tanong kaya lalo akong napangisi

"Do you really think i'm dumb? Do you really think that you can fool me? Just because you already prove your loyalty to me the past ten years--akala mo ba kilala mo na ko?" Nagsimula na syang manginig habang nangingilid ang luha. Marahas kong tinanggal ang pekeng balat nya sa leeg nya na inilagay nya para matakpan ang tattoo nya. Napadaing sya sa sakit, tinakpan nya ang leeg nya, kaya sinipa ko yung kamay nyang nakatakip sa leeg nya.

"I-im s-sorry, I'm sorry. Sorry! Bigyan mo pa ko ng pagkakataon Queen. Hindi na ko magtatraydor. Please Queen spare my life" nagsimula na syang magmakaawa. Lumuhod sya at yumuko habang pinagkikiskis ang dalawang palad. Tiningnan ko lang sya ng malamig, Hindi ako kumbinsido sa drama nya

Narinig ko ang pagsinghap ni Rayver "Paano mo nagawa samin to Mr. Abello? Ten years ka nang nagtatrabaho samin?"

"Hawak nila ang pamilya ko, please spare my life Queen! Wala akong magawa dahil hawak nila ang pamilya ko" napangisi ako sa sagot nya. Hindi ko akalain na magpapauto sya dahil lang doon. Lahat kasi ng tauhan ko dito, bantay ko ang pamilya nila. Kaya alam ko ang kalagayan nun, Hindi ko alam na ganyan pala kaliit ang utak nya para maniwala sa kanila

"Alam mong hindi katanggap-tanggap na rason yan dito sa organisasyon"

"Please give me second chance. Please spare my life" umiiyak na sya habang nakaluhod, halos halikan na nya ang paa ko

"You know that i don't fvcking give second chance to those fvcking people who don't deserve it. You also know how i fvcking hate traitors" madiin kong saad. Napayuko sya, tumingin ako sa limang bantay na nasa gilid.

Lumapit ako sa kanila at sinuntok yung talo dahilan para mawalan Ito ng malay, tsaka ako humarap sa dalawa pang natitira na gulat na gulat at bahagyang nakanganga ang bibig.

"Itali nyo yang sa basement" tumango ang dalawa kaya humarap ulit ako kay Mr. Abello na gulat na gulat ren ang itsura, akala nya siguro hindi ko alam kung sino pa ang mga kasabwat nya.  "Sisiguraduhin kong pagsisihan nyo natrinaydor nyo ko" Hinila na nung dalawa ang tatlong lalaking sinapak ko tsaka lumapit ang iba kong tauhan kay Mr. Abello, at marahas nilang hinila. Nagpumiglas sya ng nagpumiglas ngunit mas malakas sa kanya si Rayver kaya hindi sya makawala.

That Cold Nerd Is The Gangster Queen [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon