Kabanata 53

1.5M 32.4K 13.3K
                                    

Kabanata 53

Presentation

Mahaba ang naging byahe pabalik ng Manila. Ilang minuto akong tulog at nagising nang nagising ay malapit na kami sa bahay. Pinasadahan ko ng tingin ang labas at papalubog na ang araw.

"You hungry?" Tanong niya nang nakitang gising na ako. "We can stop over for food."

Umiling ako at tiningnan siya. Sumulyap siya sa akin bago iniliko ang sasakyan. "Wag na. Sa bahay na tayo kumain." Pinanood ko ang ekspresyon niya. Tumango lamang siya at pinagpatuloy ang pag dadrive. "You sure you're okay?"

Umangat ang gilid ng kanyang labi. "Nag iisip pa ako na papagalitan ako ng mommy mo. Nalaman niya na yata na wala ako sa Batangas."

Kinagat ko ang labi ko. "Anong sasabihin mo?"

Nag kibit balikat siya at sumulyap ulit sa akin.

Kung ano man ang nasa isip niya ay hindi ko mabasa. Ganyan naman talaga siya palagi. Palaging malihim at kahit sa akin ay hindi nagsasabi. I don't know if I should be terrified or excited. Or maybe both.

Kaya naman nang pumasok na ang sasakyan niya sa malaking gate namin ay tumatahip-tahip na ang puso ko. Walang sumalubong sa amin nang tumapat ang sasakyan sa hagdan ng bahay namin. Pinark niya lang sa gilid ng daanan ang kanyang sasakyan.

"Gusto kong dito ka na mag dinner, Noah. But then..." Hindi ko matuloy-tuloy ang sinasabi ko.

I like all of these and I don't want it ruined just because of my father. Nagtaas lang ng kilay si Noah sa akin.

"Don't worry about it. Your dad can't hate me forever." Kumindat siya at inilapit niya ang kanyang mukha sa akin para mahalikan ako.

Papapikit na ako nang tumambad si daddy sa may hagdanan. Kahit na tinted ang BMW ni Noah ay napatalon ako nang tawagin ng mariin ni Daddy ang aking pangalan at humakbang pa papalapit.

"Si dad, Noah." Sabi ko at hindi man lang natinag si Noah sa posisyon niya. Tanging ulo lang ang binaling niya sa papalapit kong daddy tsaka pinatunog ang locks ng sasakyan.

"Dad!!" Kabado kong sinabi pagka bukas ko ng pintuan. Inayos ko ang buhok ko dahil alam kong nagulo ito kanina habang natutulog ako sa loob ng sasakyan ni Noah.

Bumukas ang pintuan ng sasakyan ni Noah at lumabas na rin siya. Sinarado niya agad ito kaya pinili kong isarado na rin ang pintuan ko.

"Good evening, tito Rodolfo." Bati ni Noah.

Matigas ang ekspresyon ni daddy. Nakaipit ng husto ang labi na para bang ayaw itong buksan at may pinipigilan. Bumaling siya sa akin at kay Noah naman pagkatapos.

"Hindi ka sinundo nina Everlyse?" Tanong ni daddy sa akin nang bumaling ulit siya.

Umiling ako. "May ginagawa sila ni Carlos. Si Noah po ang sumundo sa akin, dad." Sabi ko at humakbang palapit kay Noah.

Habang ginagawa ko iyon ay namataan ko si mommy na naka robe lang ng satin at pababa ng hagdanan. Nakataas ang kanyang buhok at may make up pa sa mukha.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon