EULIII9

695 37 18
                                    

-

"Mas masarap ako kesa sa kanila Eul... papatunayan ko 'yan sa'yo..."

-

Third Person's POV

"Mr. Pangilinan, we're really sorry for the tragic incident..." Bati ni House Speaker Benedict Santos pagpasok nito sa opisina ni Eul. Bumungad sa kaniya si Edward Pangilinan na pinaunlakan naman siya.

"Here, Mr. Speaker..." Pagkuway na tugon naman ni Edward sabay tanggap sa kamay nitong nakalahad. Kasama ng tauhan nito, sinamahan niya ang konresista patungo sa couch ng opisina ni Eul.

"Mr. Speaker..." Panimula ni Edward nang siya'y maayos nang nakaupo. "As you can see, during the chairman's absence, I'll be the one in charge..." sabi pa nito sabay senyas sa kaniyang tauhan. Mabilis naman itong kumilos upang maglagay ng alak sa mga baso upang ibigay sa kaniyang amo at sa bisita nito. 

Tinanggap naman ito ng kongresista at uminom bago magsalita. "In behalf of APM Party, we're expressing our deep sympathy to the group..." Dagdag na wika nito at pagkuway na humigop ulit.

"We're still hoping for his survival... in the end, he's still the heir of this company..." Segunda naman ni Edward at ininom ang naturang alak. Nang maubos iyon ay nilapag niya sa lamesa at umayos ng pagkakaupo.

"Just give us a heads-up... we're glad to help." huling tugon ng kongresista at nilapag naman ang wala nang lamang baso. Kinuha niya ang mga dalang papeles at isa-isa iyong nilapag sa lamesa bago magsalita.

"Mr. Pangilinan... hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa... here's what the party needs---"

-

"According from the CAAP investigation, the explosives used in bombing the ME Group's private jet is an Improvise Explosive Device and is categorized as an IED Attack---'yan ang pahayag ni Captain Jimmie Montes, Diretor General ng CAAP sa isang press conference kaninang umaga"

"Dagdag pa niya, dahil sa insidente ay mas paiigtingin pa ang pagbabantay sa mga paliparan upang matiyak ang seguridad ng lahat---"

-

Ilang oras nang papalit-palit ang mga sumisisid ay wala parin silang nabibigay na magandang balita ngunit hindi parin nawalan ng kumpyansa sa sarili si Spiro, bagkus ay mas lalong lumalakas ang kaniyang kutob na buhay pa ang kaniyang minamahal na si Eul. 

Tanghali na at tirik na tirik na ang araw ngunit hindi ito ininda ni Spiro. Ni hindi niya na inisip kung anong kahihinatnan ng kaniyang balat. Ang importante sa kaniya ngayon ay si Eul lang. Wala na siyang pakialam sa iba, kay Eul lang.

Ilang sandali pa ay nakatanaw sila ng paparating na bangka. Saglit lang 'yong binalingan ni Spiro at binalik ang pokus sa paghihintay sa mga taong sumisid. 

"Copy... Sir!" Rinig niyang tugon ng isang coast guard na nangunguna sa search and rescue operation. Ilang saglit pa ay bumaba ito mula sa kaniyang kinatatayuan at lumapit sa platform ng malaking bangka. 

Napansin iyon ni Spiro at maging ang palakas nang palakas na tunog ng papalapit na bangka. Napukaw noon ang kaniyang atensyon at bahagyang nagbago ang ihip ng hangin dahil sa nakita.

"Spi... si Kean..." Sambit ni Jigs sabay pasimpleng tapik sa balikat ni Spiro. Umayos silang lahat ng pagkakatayo at hinintay ang pagdikit ng mga bangka nila. Nakangisi pa si Jigs nang makita ang nobyang si Sheena. 

"Mr. Pangilinan..." Pagbati ng nasabing otoridad at nakipagkamay kay Kean. Tinugon naman ito ng huli at walang ano-ano'y tumawid sa kanilang bangka. Sumunod naman si Sheena kay Kean na inalalayan pa ng nobyong si Jigs.

Hindi umalis ng pwesto si Spiro. Mas inangasan niya pa ang titig kay Kean. Napansin naman iyon ng huli at hindi nagatubiling lumapit kay Spiro upang makipagtitigan. 

"Pwede ka nang umalis... nandito na 'ko..." Diretso at may himig ng pangaasar na turan ni Kean.

"Ikaw ang 'di kailangan dito..." Mas maangas namang tugon ni Spiro. Ngumiti lang si Kean sabay taas ng kamay at pasimpleng pinakita ang singsing nito. Napatingin doon si Spiro at nagtagis ang mga bagang. 

"Pinagmamalaki mo 'yang singsing mo..." Sabay ngisi ni Spiro at marahang tumawa. "Asan ka para hanapin yung asawa mo?" Segundang tanong ni Spiro. 

Tinaas niya rin ang kaniyang kamay at winasiwas iyon. "Wala..." Dagdag ni Spiro sabay pakawala malakas na sipol at buka ng kaniyang mga kamay.

"Kaya bago mo ipagyabang 'yang singsing mo, patunayan mo munang tama yung desisyon ni Eul na ikaw yung pinili niya... sa nakikita ko kasi, parang nagkamali siya..." Huling sabi ni Spiro bago mas maangas na nakipagtitigan kay Kean. 

Halata ang pagkapikon sa mukha ni Kean kaya't hindi pa siya nakakakilos, hinawakan na siya ni Mr. Ong upang bahagyang hilain palayo kay Spiro. 

Ganoon din ang ginawa ni Jigs sa kaibigan. Umakbay pa si Jigs kay Spiro at bumulong. "Sa'yo talaga ako men..."

-

Rinig ang kaliwa't kanang iyak at hagulgol ng mga taong ngayon ay nakatayo habang pinapanood ang kabaong na ibinabaon sa lupa. Samu't saring tao at sangkatutak na media ang pumapaikot sa espasyo. 

Bakas ang matinding kalungkutan sa bawat isa na tineternohan ng mugtong mga mata. Ngunit hindi ng natatanging lalaking nakatayo sa kalayuan. Tinatanaw niya ang litrato ng senador at nginitian ito matapos ay bumulong sa hangin.

"You've done your part, my friend..."

-

Unti-unting luminaw ang kaninang napakadilim at sobrang labong paningin. Kasabay noon ang paglitaw ng bulto ng tao sa kaniyang harapan na sigurado siyang si Itchan. Nanghihina at  nahihilo. Sinubukan niyang gumalaw ngunit hindi niya magawa. 

Ilang saglit pa ay naramdaman niya na sa kaniyang ibabaw si Itchan. Hinahalik-halikan ang kaniyang leeg. Pinilit niya. Sa abot ng kaniyang makakaya. Sumigaw siya ngunit walang lumabas na boses. Pumiglas siya pero walang gumalaw sa kaniyang katawan.

Wala na siyang nagawa kundi umiyak habang tinatanggap ang bawat halik ni Itchan sa kaniyang leeg. "Ito gusto mo diba?" Mapusok na bulong ni Itchan sa kaniyang taenga sabay marahang kinagat ito.

Naramdaman niya pa ang kamay nitong naglalakbay sa kaniyang kabuohan habang dinidilaan ang kaniyang taenga. Mainit ang kaniyang laway at hiningang binubuga.

Sa lahat ng kaniyang sinubukang gawin, tanging luha lang ang kaniyang nailabas. "'Wag ka nang umangal..." Bulong muli nito at walang sabing bigla siyang hinalikan. 

Nang hindi gumanti si Eul sa malalim niyang halik ay siya na mismo ang humawak sa panga ng huli at bahagya itong binuka upang maipasok niya ang kaniyang dila. 

Malalim. Puno ng kamunduhang pananabik. Pumatong siya kay Eul at dinikit ang naghuhumindig niyang alaga sa hita nito sabay bumulong.

"Mas masarap ako kesa sa kanila Eul... papatunayan ko 'yan sa'yo..."

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon