4

2.1K 64 17
                                    


Read at your own risk.


-


"Nakuha ko na number ni Caeleb!"


Zoe excitedly said, tinulak pa 'ko nang bahagya. Hindi ako makakibo nang maayos dahil baka mahalata. Hindi pa 'ko handa na ipaalam sa kanila. Pakiramdam ko tuloy ang sama sama kong kaibigan.


"Wait, pansin ko lang. Whenever we're talking about Caeleb, you're always quiet. Don't tell me, you like him?" Ellie looked at me, mapangasar na tingin.


"No! Oh my god! No!" My brows met. Hindi naman talaga. Kung ano meron kami, hanggang duon lang 'yon.


"Huy, are you listening to me? Sabi ko, nakuha ko na number ni Caeleb!" Iritadong sabi ni Zoe. "Feel ko, this is destiny!" Kilig na kilig niyang sabi.


"Destiny.." I smiled a bit.


"Hindi ka papasa kay Caeleb, Zoe. He's a high-class person. I mean, when It comes sa girls, high-standards dapat." Ellie shook her head slowly.


"Paano mo naman nasabi?" I suddenly asked. Oh gosh! Am I too obvious? God!


"Based on..." Umiwas siya ng tingin. "The girls that you know. Nakamomol niya somewhere."


"Oh, really?" My brows met. Not that surprised, nasabi naman niyang hindi ito ang unang beses eh. Okay. No bigdeal.


"Ouch," Zoe dramatically held her left chest. "Grabe, ang sakit naman. So, you're saying na... Hindi ako pasok sa standards niya? Grabe ka naman."


"Hindi naman. Pakiramdam ko lang, si Manila ang pasok sa standards ni Cae." Ellie looked at me. Bakit parang may alam siya? Gosh!


"Bakit ako?" My brows met!


"Duh. You're Amanda Neelah Alcazar. Hindi pa ba obvious? You can have it all!" Ellie rolled her eyes. 


After class, dumeretso agad ako sa condo ni Caeleb. Hindi niya alam na pupunta ako, hindi ko rin alam kung nandon siya. Parehas kasi kaming finals ngayon, bukas last day. Gusto ko lang magreview nang may kasama, baka rin marami siyang maituro sakin para mas mapadali 'tong pagaaral ko.


"Cae?" Katok ko sa pinto. "Caeleb!" Katok ko ulit.


Aba, mukhang walang tao. Kumatok ulit ako pero wala talagang sumasagot. Binaba ko muna ang blueprint bag ko at umupo muna sa sahig habang nagaantay. Para akong batang pinalayas.


"Nasan na ba 'yon? Ang tagal." I sighed.


Naiinis na 'ko. Halos isang oras na 'kong nagaantay. Napatayo ako nang may lalaking naglakad sa harap ko. Si Caeleb na pala nakasimangot.


I'm Coming Back, ManilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon