Chapter 33 : Big One

624 62 24
                                    

CHAPTER 33

NIANA'S POV






I STAYED for about two days in the hospital na dapat sana ay isang araw lang bago ako na-discharge at nakalabas ng ospital.

Midori with the support she gained from my mom, disagreed on letting me off the hospital dahil nawalan daw ulit ako ng malay at kailangan pa raw ako obserbahan maigi. Ang nanay ko naman na naniwala sa kaniya, pinag-stay pa ako sa ospital nang mas matagal kaya ilang araw tuloy akong bagot na bagot sa apat na sulok ng hospital room. Tatlong araw din niya akong hindi pinapasok paglabas ko sa ospital kahit pa anong pilit kong sabihin na maayos na ang lagay ko.

Tatlong araw na wala akong ibang ginawa kundi tumunganga sa kisame, habang iniisip kung anong nangyari sa panahon ni Carson. Sa pamumuno niya sa bansa. Kung anong pinag-usapan nila ni Daryl at kung anong nangyari sa tulong na hinihingi niya sa ama niya.

Gusto kong malaman kung paano napunta si Rhianne at Kean sa taon ni Daryl.

I know it can happen—hypothetically siguro. Pero hindi ako makapaniwala hanggang ngayon.

Lalo pa't naglaho rin si Rhianne at Kean nang kausap ko sila. Kaharap ko mismo sila nang mag-fade sila, na parang alikabok na tinangay ng hangin.

Kahit nasa bahay ako for three days, hindi ako nakapagpahinga.

'Yong isip ko kasi, pagod na pagod. Kung saan-saan napupunta.

Kay Sophia. Sa taon niya. Sa asteroid na na-detect niyang babagsak sa Earth pero hindi na nila napigilan. How could that scene possibly get out of my mind? Eh nakita ko mismo kung paano bumagsak 'yong higanteng bato na 'yon sa lupa. Kung gaano kalakas 'yong impact, kung gaano kalakas ang hangin no'n.

Buti talaga at wala ako sa taon na 'yon. Buti na lang at vision lang 'yon. Dahil kung nando'n talaga ako, baka wala na akong oras para mag-react.

Rhianne and Kean entered my mind after Sophia.

Alam kong may initial cure na noon pa man. Kung hindi ako nagkakamali, si Doktora Sanchez mismo ang umaasikaso sa gamot na 'yon.

Malaki ang posibilidad na matapos ang crisis na 'yon. Malaki ang chance na hindi magiging sanhi ng pagkaguho ng mundo ang sakit na 'yon dahil gaya mismo ng sinabi ni Rhianne sa akin, epektibo ang initial cure na ginawa ni Doktora Sanchez—pero nawala rin siya sa harapan ko matapos niyang sabihin sa akin 'yon. Tila pahiwatig na hindi pa rin maaalis ang posibilidad na hindi makahanap ng lunas sa sakit na kumalat sa taon nila.

Lumipat naman ang isip ko sa gold reserves na nasa ilalim daw ng West Philippines Sea. Kung accurate ba talaga ang discover ni Miniso o baka nagkamali lang sila. Kung kailan malalaman ng mundo ang tungkol sa gold reserves at kung may paraan ba na mapigilan ang giyera na maghahatid sa karamihan ng kamatayan.

Iniisip ko kung makakaligtas ba sila Aling Lanny, Jiji, at ang mga anak niya sa digmaan na 'yon.

Napasinghap ako ng hangin bago sandaling napaisip kung bakit sa lahat ng vision ko, ang ika-apat na vision ang parang bitin, parang hindi natapos, at parang sinadya na putulin. Marahil hanggang doon lang talaga ang dapat kong malaman? Baka gusto lang ipakita sa akin ng sixth sense ko si Carson at ang anak niya, at si Rhianne at Kean?

Sa apat na visions na nakita ko, may tatlong nangingibabaw na tanong sa akin.

Paano mapipigilan ang mga posibilidad na nakita ko?

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon