Season 3: Episode 3

5.4K 477 207
                                    

Magulo ang paligid. Puno ng nakakahilakbot na sigawan. Hinaluan pa iyon ng makatindig balahibong paghalakhak ng mga buhay na bangkay.

Ngayon, kitang-kita ko ang mga tauhan ko na minalas na mapapwesto sa kahuli-hulihang parte ng stampede na ito. Hinihila sila ng mga buhay na bangkay. Ngunit kaiba ito sa ginawa nila nitong nakaraang araw.

Ngayon kasi ay hindi na sila parang mga hayop na hayok sa laman ng tao. Para ba silang mga robot na naka-program hindi para maibsan ang pagkagutom kung hindi para pumatay ng tao.

Walang pagkagat na nagaganap. Ang nakikita ko lang ay ang walang humpay na pagsuntok, pagsipa at pag-untog ng ulo sa sahig. Doon ay masakit sa taingang humihingi ng tulong ang mga tauhan ko.

Pero wala akong magawa.

Gustuhin ko man, nasa kalagitnaan ako ng stampede. Hindi ko sila mapupuntahan. Most specially, I have a son to save inside this god damn quarantine.

Sa sitwasyon ko ngayon, lahat ay nag-uunahang makapasok sa loob ng quarantine. May mga pulis pa nga ang nag-susumiksik sa tumpok ng mga taong nagkukumahog para sa kaligtasan ng sarili nila.

At hindi ako nakaligtas doon.

Isa ako sa mga taong iyon. Tila bang hindi na nila ininda ang taas ng ranggo ko sa kanila. Lahat ngayon ay pantay-pantay. Sariling buhay ang unang iniisip. Walang mataas, walang mababa. Kaligtasan ang siyang nangingibabaw.

Never knew that fear of death could possibly turn the world into a mere just world.

"Sir! Here! Let's go here!" I heard Briela. And then I felt her hand on mine. Before I knew it, she is pulling me away from the crowded space. Manuel is walking infront of her.

"Hey, iyon lang ang entrance sa jail." My hand is shaking as I pointed the crowded space. Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa pagkabahala para sa kapakanan ng anak ko. "We should fucking go there!"

Nasimula akong magpumiglas. Ngunit sadyang mahigpit ang pagkakakapit sa akin ni Briela. Tila bang wala talaga siyang planong bitawan ako.

Hindi rin siya nag-abalang lingunin ako. Nagpatuloy lang siya sa paghila sa akin. "No, Sir! Mayroon tayong secret pathway doon." She pointed the floor. Doon ay nakaupo si Manuel. May kinakalikot siya mula doon. "Manuel and I planned it before for our safety. Just in case, kumbaga."

"Just trust us, Sir." That was the point she turned her gaze at me, she has this dangerous smile when she told me, "You know, we don't want our Daddy to be harmed by anyone."

Wala ako sa tamang oras para pagkaabalahan ang mga kalokohan niya. I just heaved a sigh and tried hard to calm down. "But what about my son--"

She cut me off when we reached Manuel. Briela put her forefinger on top of my lip. "Shh, we will get him, Sir. We will do everything para maligtas ang step son ko--"

Ibinaling ko nang marahas ang mukha ko sa ibang direksyon para maalis ang daliri niya sa labi ko. It was my turn to cut her off. "This is not the right time for that shit of yours." I snap.

"Chill, I am just joking!" Sa sitwasyong ito, hindi ko alam kung saan pa siya humuhugot ng lakas ng loob para makapag-joke pa.

Keysa ma-stress kay Briela, minabuti ko na lang ang ibaling ang tingin sa likuran namin. Nadurog ang puso ko nang makita kung papaano patayin ng mga buhay na bangkay ang ilan sa mga tauhan ko. Ngayon ay may mga armas na sila. Hindi ko alam kung saan sila nakakuha ng matutulis na kahoy at bakal.

Ngunit ang nakakapagtaka rito ay marunong din silang gumamit ng baril. Nakakakilabot na unti-unti na nilang inuubos ang mga tauhan ko.

At halos mawalan talaga ako ng hangin sa mga baga ko nang makita ang isang buhay na bangkay. Tumingin siya sa direksyon namin. May hawak siyang baril. Nakaluwa ang kanyang kaliwang mata at labas na labas ang kanyang bituka.

Bigla akong naalarma nang itutok niya sa amin ang baril habang tumatawa na para bang baliw.

"Manuel! Bilisan mo! That zombie is about to shoot us--"

Gunshot from my place was heard. I blink and then I gasped. Bumagsak ang zombie na iyon sa lupa.

"Problem solved, Sir." I was the quickest to turn my gaze at Briela. She only gave me a wink. And I must say, this is the first time I was impressed by her shooting skills.

"Tara na po, Sir." Manuel finally said the moment he opened the metal door from the ground. Ito ay isang butas na kasya sa isang tao. Doon ay may nakita akong bakal na hagdan na nakaattach sa lupa.

"Mauna ka na, Briela. Go!"

Briela quickly followed my command. Dahil siya ay balingkinitan, she is also good with physical activities, mabilis siyang nakapasok sa butas na iyon. Matapos niya ay si Manuel naman ang pinasunod ko, noong una pa nga ay ayaw niya akong sundin. But I insisted, kaya wala siyang nagawa.

Noong masiguro ko nang nasa loob na sila ay hinanda ko na ang sarili ko. I prepare myself to go down that hole. Ngunit natigilan ako nang may biglang humablot ng braso ko.

And I was schocked when a fist landed on my face. Sa lakas noon ay napahiga ako sa lupa habang napapangiwi. At noong magmulat ako ng mga mata ay napalitan ang kirot ng nararamdaman ko ng kilabot.

Right now, there is about five zombies standing near me. They are about to come for my life.

The Last QuarantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon