Bola 41

2.1K 261 42
                                    

CHAPTER 41

NANGIBABAW ang malakas na cheer sa loob ng gymnasium na nagmula sa CCC crowd. Hindi kasi nila akalaing aabot sa ganito ang laro ng dalawang koponan. Hindi nga nila inaasahan na magiging dikit ito. Nasaksihan na nga nilang lahat na hindi tsamba ang unang mga panalo ng CISA. Hindi rin daw iyon dahil sa isang star player, at hindi rin sa mahina ang kanilang kalaban, kundi dahil sadyang may natutulog na lakas ang koponang ito na ngayon lang nagising.

Ang team naman ng CCC napalunok nang pumwesto na para dumipensa ang kanilang mga kalaban. Nakaramdam na rin nga sila ng pagod sa loob ng court. Ang mga plano nga ni Coach Martin ay nasira dahil sa pagdating ni Kier Cunanan. Nakapahinga na raw ang players ng CISA habang ang kanyang starting five ay naglalaro pa rin sa mga oras na ito.

Si Zuñiga nga ay napakuyom na lang ng kamao. Napatingin din siya sa crowd, kay Miyaka. May tiwala pa rin nga ito sa kanya. Hindi pa raw sila natatalo! Hindi pa tapos ang laro kaya hindi raw siya dapat mawalan ng pag-asa.

Hiningi nga ni Zuñiga ang bola mula kay Binay at nang masambot niya iyon ay siyang mabilis na pagdikit sa kanya ang ginawa ni Alfante. Nanatili nga sa SF position si Reynan at si Reyes naman ang power forward.

Nasa isip nga lang ni Zuñiga ang manalo. Ang talunin ang kalaban niya.

Umatras nga siya at nag-dribble nang mabilis habang inaabangan ang gagawin ng kanyang defender. Si Alfante naman ay kalmadong nilalapitan ito at binabasa ang mga posibleng gagawin ng kanyang binabantayan.

Kumaliwa nga si Zuñiga, at kasunod noon ay tinalikuran niya si Alfante.

Lumalakas din nga lalo ang cheer habang nasa kamay ni Zuñiga ang bola. Nakamasid din nga siya sa paligid. Lumapit na nga rin ang kakampi niyang si Perez para sa hinihintay niyang screen. Sa paglapit nga nito ay siya ring paggalaw niya para lampasan si Alfante.

Nabangga nga si Alfante kay Perez na naging dahilan upang makalusot si Zuñiga at si Zalameda naman ang naging defender nito.

Ginamit kaagad ni Zuñiga ang kanyang bilis. Isang biglaang pagdiretso nga ang ginawa niya na naging dahilan upang malampasan niya si Zalameda. Mabilis nga siyang dumiretso sa basket.

Kinalambag nga lalo ng CCC crowd ang loob ng gym dahil sa kanilang nasaksihan. Nagpapakitang-gilas na nga raw ang kanilang star player. Isang malinis na lay-up ang ginawa ni Zuñiga, subalit natahimik ang lahat nang may biglang sumupalpal sa kumawalang bola mula sa mga kamay nito.

"Ang taas tumalon ng number 11 na iyon..." Ito na lang ang nasambit ni Coach Martin nang makita ang ginawa ni Zalameda.

Pagkahawak nga ni Rodel sa bola ay mabilis niyang tiningnan ang kanyang mga kakampi. Tumatakbo na nga kaagad sina Kier at Ricky sa side nila. Doon nga ay mabilis niyang ibinato ang bola patungo kay Ricky.

"Depensa!" Ito na lang ang naisigaw ni Zuñiga dahil sa mga nangyaring pagkabigo niya sa pagpuntos, at ito nga ang naging dahilan upang magsitakbuhan ang lahat papunta sa kabilang side.

Pagkasambot nga ni Ricky sa bola ay mabilis niya itong pinatalbog. Doon nga ay sandali rin siyang bumagal nang makita si Binay na mabilis din nga siyang nadepensahan. Nakita rin naman niya si Kier na inaabangan ang kanyang pasa at mukhang wala raw siyang ibang choice kundi ang lampasan si Binay sa pagkakataong ito.

Hindi rin niya inisip na maaagawan siya ng bola, bagkus ang inisip niya ay ang palagi niyang ginagawa na practice sa kanyang dribbling.

"Sabayan ang bola... Ito ang magdidikta sa direksyon at susunod tayo rito..." sambit ni Ricky sa sarili at pagkatapos ay napalapit na siya kay Binay.

Papalapit na nga rin ang kamay ng kanyang defender sa bola nang biglang tumalikod siya at gumalaw pakaliwa. Kasabay niya ang bola, at nilampasan niya si Binay na nabigla sa mabilis na pag-spin move na ginawa ni Mendez.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz