EULIII18

560 30 7
                                    

-

"These were the papers needed to prove your rights in Madrigal-Espinosa Group of Companies..."

-

Third Person's POV

Malakas na katok mula sa pinto ng kaniyang kwarto ang humatak sa kaniya mula sa mahimbing na pagkakatulog.

Hubo't hubad siyang nagising sa yakap ng dalawang babaeng nakasalo niya sa matinding kamunduhan kagabi. Mabilis siyang bumangon at walang saplot na naglakad upang buksan ang pinto.

"Mr. Espinosa... the legal team is already here..." bungad ni Paulo pagbukas ng hubad na si Miles ng pinto.

"What the fuck! Mr. Nabor!" Bulyaw niya pa sa tauhan sabay padabog na binagsak ang kaniyang pinto. Sa lakas noon ay nagising ang mga babae sa kaniyang higaan at pati ang mga ito ay napagbuntungan niya ng init ng ulo.

"Get the fuck out!"

-

Tulad noong dati, muli siyang nagising na mabigat ang ulo, nanghihina at hindi makagalaw. Dilim ang bumungad sa kaniyang mga mata na ngayon ay nasasanay nang walang liwanag na nasusulyapan.

Unti-unti niyang nararamdaman ang malagkit na pagniniig ng kaniyang balat sa ngayong nakayakap sa kaniyang si Itchan. Maging ang tamis ng amoy ng tsokolate ay hindi nakatakas sa kaniyang pangamoy.

Hindi man makagalaw, tuluyan namang dumaloy ang kaniyang mabibigat na luha dahil sa mga naalala.

What the fuck did you do... Eul?! Sigaw niya sa kaniyang isip. Gusto niya mang gumalaw upang sampalin at saktan ang sarili ay hindi niya magawa.

Labis na pagsisisi at pandidiri sa kaniyang sarili ang bumabalot sa kaibuturan. Muling bumalik ang lahat ng pangyayari mula umpisa hanggang sa kung paano magwakas.

Mas lalong bumilis ang agos ng kaniyang mga luha mula sa kaniyang mga mata. Hindi siya makapaniwalang wala siyang nagawa upang mapatigil ang pambababoy sa kaniya ni Itchan.

Hindi niya mawari kung bakit siya pumayag na babuyin siya ni Itchan. Kung bakit hinayaan niyang maramdaman ang init ng kalibugan.

Gustuhin niya mang sumigaw o humikbi ay hindi niya magawa. Nananatiling tila paralisado ang kaniyang katawan sa hindi malamang dahilan.

Ilang minutong paghihintay lang ay unti-unti niya nang naigalaw ang kaniyang leeg at dahan-dahang inikot ang paningin sa paligid.

Kita niya pa ang demonyong si Itchan na natutulog nang mahimbing habang yakap siya. Pinilit niyang igalaw ang kaniyang braso ngunit walang lakas na lumabas mula dito.

Sa kabila ng maamo nitong mukha ay mayroong demonyong naninirahan. Maliban sa tamis ng amoy ng tsokolate ay masangsang ding nanunuot sa kaniyang ilong ang amoy ng laway ni Itchan na pinaligo sa kaniya nito.

Mula mukha, leeg, dibdib, kaniyang ari at buong katawan. Malagkit. Nakakadiri. Mas lalong dumaloy ang mga luha sa kaniyang mata dahil sa pandidiri sa sarili.

Hindi niya aakalaing mangyayari ang ganitong kababuyan sa kaniya. Mas nanaisin niya pang mamatay kesa mabuhay na binababoy nang paulit-ulit.

Ilang minuto muli ang lumipas at unti-unti niya nang naigalaw ang kaniyang braso. Marahan niya pa itong inangat upang sana ay itulak ang nakayakap sa kaniya ngunit hindi niya magawa. Nanghihina parin siya.

Kahit na anong isip niya ay hindi niya mapunto ang ginagawa sa kaniya ni Itchan. Kung ano ang pinapakain sa kaniya upang maging lantang-gulay siya. Kung paano nito kinakayang babuyin ang dating kaibigan.

Sa ilang minuto pang nakalipas ay sakit na mula sa kaniyang butas ang bumalot sa kaniyang buong katawan. Naramdaman niya pang may lumabas na kung anong likido mula dito.

Huminga siya nang malalim at mariing pumikit upang maayos na magisip.

Kailangan mong makatakas... Eul...

-

"Atty. Mendoza... you have a visitor..." pagkuway na sambit ng kaniyang secretary matapos itong kumatok sa pinto ng kaniyang opisina.

"Sige... papasukin mo nalang..." tugon naman ng abogado sabay suot ng kaniyang salamin at ayos ng mga libro at papeles sa kaniyang lamesa.

"Atty. Mendoza..." biglang sabi ng kung sino sa bukana ng kaniyang opisina at sinarado ang pinto.

"Mr. Yokohama..." ani naman ng abogado at tumayo upang sana'y malugod na tanggapin ang bisita ngunit pinigilan siya nito.

"No need... ako na..." sabi lang ni Skyrus sabay naglakad papalapit dito at kinamayan ang abogado. Matapos noon ay umupo si Skyrus sa upuan sa tapat ng desk.

"Mr. Yokohama, you should've told me na bibisita ka, para nakapaghanda naman ako..." wika pa ng abogado matapos umupo at tumitig kay Skyrus.

"There's no need for a heads-up..." pauna ni Skyrus sabay lapag ng mga papeles sa lamesa ng abogado.

Yumuko pa nang bahagya ang abogado sabay ayos ng kaniyang salamin. "What are these?" Tanong ni Atty. Mendoza sabay kuha ng mga papeles habang nakatitig kay Skyrus.

"Read them..." tugon ni Skyrus sabay tumayo at dahan-dahang naglakad patungo sa pinto ng opisina ni Atty. Mendoza.

Tinuon ng abogado ang kaniyang buong atensyon sa binabasa at nanlaki ang mga mata dahil sa kasalukuyang rebelasyon.

Napatingin pa siya kay Skyrus na ngayon ay ilang hakbang nalang mula sa pinto.

Muli pa siyang sinulyapan nito bago binuksan ang pinto at nagiwan ng babala.

"You should consider me as your friend... Atty. Mendoza..."

-

Nang makababa sa hagdan ay bakas sa kaniyang mukha ang hindi magandang gising. Nakita niya pa si Paulo na nakatayo at nakaharap sa kaniyang mga bisita.

Diretso niyang tinungo ang receiving area ng kaniyang mansion at umupo sa kaniyang upuan. Nakangiti namang nakaharap sa kaniya ang buong legal team ng Espierre Group of Companies.

Saglit pa siyang yamot na tumingin kay Paulo ngunit nginitian siya nito na mas lalo niyang kinaasar. "Mr. Nabor---" panimulang sermon niya sana ngunit inunahan siya nito ng bulong.

"Mr. Espinosa, kung hindi kita ginising, baka pagsisihan mo..." makabuluhang bulong ni Paulo kay Miles. Taka naman itong nanahimik at nagtuon ng pansin sa mga bisita.

"Mr. Espinosa... these were the papers you've asked..." sabi naman ng may katandaan nang abogadong nasa kaniyang harapan sabay lapag ng mga papeles sa lamesa. Kinuha niya ito at sinimulang buklatin upang basahin.

"In just three days?!" Takang tanong nito. Hindi niya maiwasang hindi mabigla dahil sa mabilis na pag-aksyon ng kaniyang mga tauhan.

"I told you..." pagkuway na bulong naman ni Paulo sa likod ni Miles. Napangiti nalang lalo si Miles nang marinig ang sunod na sinabi ng abogado.

"These were the papers needed to prove your rights in Madrigal-Espinosa Group of Companies..."

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon