Chapter Twenty-Eight

845 25 0
                                    

Chapter Twenty-Eight

* * *

Veronica Van Smith

NAGTATAKA ako dahil dalawang araw na ang nakalipas walang may sumalakay sa mansion. Walang lobong nangahas na pumunta upang kunin si Farah. Nasa kamay pa rin ni Lolo Oliver si Farah. At balita ko isang paa na lang nito ang nilagyan ng kadenang pilak. Mga kamay nito ay malaya nang nakagalaw. Hindi na rin ito pinahirapan. Why? Dahil nobya ito ni Davin? Dahil si Davin ay kakampi ni Lolo Oliver? Ano ang koneksyon nila?

I’m stress because of what happened two days ago. Mukhang ang bilis lang ng pangyayari at araw. Hindi pa rin kami nag-uusap ni Lanz. Kumusta na kaya siya? Galit pa rin ba siya sa akin?

“Saan ka pupunta, apo?”

Napalingon ako sa kung saan nanggaling ang boses ni Lolo Alessandro. Hindi ko masyadong narinig ang sinabi tanong niya dahil nasa terraza siya ng ikatlong palapag. Nakita kong sumenyas siya sa akin na maghintay ako dahil bababa siya. Tumango ako bilang tugon.

Dumiretso na lang muna ako sa grahe ng mga sasakyan. Napangiti ako nang mapait dahil ang lahat ng mga sasakyan ay nasa grahe. Walang ama na nagpatigil sa akin na kunin ang keys at ipagbawal sa akin na gamitin ang sasakyan.

Nanghihina pa si Daddy kaya hindi ito nakapag-duty at nakalabas ng bahay. I gritted my teeth. Pinahirapan siya ni Lolo Oliver dahil sa diary na binasa ni Daddy. Napakalupit niya.

Nagbuga ako ng hangin bago sumakay sa sasakyan ko. Pupunta muna ako sa opisina bago pumunta sa lugar ni Lanz. Kailangang malaman ni Lanz na si Oliver ay isang McMahon at ito ay kanyang tiyuhin. Napatingin ako sa Diary ni Lolo Oliver na bago ko lang inilabas galing sa loob ng jacket ko. Kailangan ipabasa ko ito kay Lanz. Kailangan niya ring malaman na si Davin ay isang traydor. At kailangan kong ipaliwanag ko kay Lanz ang lahat. Damn! That was a misunderstanding!

I started the engine. Nagsimula na akong mag-drive palabas ng grahe. Sakto rin na nakalabas din si Lolo Alessandro sa mansion. Naghihintay ito sa daanan palabas na ng compound. Itinigil ko ang sasakyan sa harap niya. Agad akong bumaba at lumapit sa kanya.

“Why, Lolo?” bungad na tanong ko.

“Where are you going? It’s dangerous to wander outside our territory. Don’t be too stubborn, apo." Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. Ang kanyang mga mata ay nangungusap na huwag akong lumabas.

“It’s more dangerous here, Lolo. May kasama tayong mamatay tao. Huwag kang mag-alala hindi ako lalabas ng siyudad natin, Lolo. Papasok lang ako sa trabaho dahil tatlong araw na akong hindi nakapasok sa trabaho,” seryoso kong tugon at tipid na ngumiti sa kanya.

“Ikaw dapat ang hindi lalabas sa mansion, Lolo… dahil baka may gagawin namang masama sa atin si Lolo Oliver,” dagdag ko pa.

Ngumiti lang si Lolo Alessandro sa akin. Hindi na makita sa mata niya ang takot. Baka alam niya naman ang plano ni Lolo Oliver pero hindi niya lang masabi kasi may banta na galing kay Lolo Oliver.

“Apo, I can handle myself. Best friend ko si Oliver at alam kong hindi niya ako sasaktan. Ikaw ang mag-ingat sa kanya dahil hindi pa siya tapos na gamitin ka laban sa mga McMahon…” Tumigil si Lolo Alessandro at lumingon-lingon sa paligid na para bang may hinahanap na baka may nagmamasid sa amin.

“… alam kong nagalit si Lanz sa iyo dahil sa pag-turtore mo sa kanyang kapatid dahil ang akala niya ay kumampi ka sa Lolo Oliver mo. Iyon naman talaga ang balak niya. Gamitin ka upang saktan ang batang McMahon.”

Napakurap ako ng dalawang beses dahil alam ni Lolo Alessandro ang lahat. Alam niya nga, pero ngayon niya lang sinabi. Hindi na lang ako sumagot. Napatitig lang ako sa kanya.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now