EULIII21

524 31 6
                                    

-

Spiro...

-

Third Person's POV

"Sa kabila ng pananatiling missing person ni ME Group of Companies Chairman Eul Justine Espinosa, nilabas parin ng ME Styles ang latest edition ng kanilang magazine kung saan bida sa naturang front-page ang nasabing negosyante."

"It is a must no... in the time of this tragic incident involving our company... we think, it is the best to release the magazine... our chairman's image must be recognized---ani ni Mr. Jedrick Calili na presidente ng naturang clothing company."

"Dagdag pa niya, ang pinakabagong edisyon ng nasabing magazine ay sumasalamin sa anim na dekadang pangunguna ng kompanya sa iba't ibang larangan tulad nalang ng fashion industry---this is the 60th founding anniversary of the leading conglomerate in the Philippines that we should celebrate---"

-

"'wag mo 'kong ginagago! Ako ang dahilan kung bakit buhay ka pa!" Sabay binitawan ang mahigpit na hawak nito sa kaniyang magkabilang pisngi at tumayo palayo kay Eul.

Si Eul ay buong lakas na masamang tumitig kay Itchan at sumigaw. "Hayop ka!" Nanghihinang bulyaw ngunit sapat na upang marinig at mas umigting ang galit ni Itchan.

Sa isang iglap ay nagawa nitong muling bumalik sa kinaroroonan ni Eul at agaran itong sinampal. Hindi na siya nahirapang isalampak muli ito sa higaan.

"Hayop ako?!" Bulyaw nito pabalik nang makapatong ito kay Eul. Walang habas niyang pinunit ang damit ni Eul na mas lalong sumindak sa huli.

"Sige... ipapakita ko kung gaano ako kahayop!" At naghubad ng sariling damit. Kitang-kita sa mga mata nito ang hindi matantiyang galit at pananabik. Lumapit ito kay Eul at muling naglitanya.

"Itong hayop na ito ang bumuhay sa'yo tangina mo!" At gamit ang kanang kamay, sinakal niya si Eul. Puno ng galit. Puno ng pananabik. Sabay dura sa mukha ng huli.

Nagpumiglas si Eul. Pinilit na lumaban para makalaya sa mahigpit na kapit ng kamay ni Itchan. Namumula ang buong mukha at lumuluhang mga mata, hindi niya na magawang makahinga dahil sa higpit ng sakal sa kaniya.

Muli pa siya nitong dinuraan sa mukha at mabilis na binitawan ang kaniyang leeg. "Hayop ako diba?!" Bulyaw pa ni Itchan sabay hubad sa kaniyang pangibabang kasuotan.

Umuubong hinawakan ni Eul ang kaniyang leeg at kinapa ang sakit na naiwan ng kamay ni Itchan. "It---itchan..." mahinang sabi pa ni Eul upang sana'y patigilin na ang dating kaibigan sa karumal-dumal nitong ginagawa sa kaniya.

Narinig ito ng huli ngunit hindi niya ito pinansin bagkus ay pinairal ang galit, pagod at kalibugan. Tuluyan na siyang nakapaghubad at sinunod niya naman ang pangibaba ni Eul.

Sinubukan pa nitong pumiglas ngunit dahil sa panghihina at takot ay nagpaubaya nalang siya dito. "Pagtapos nitong gagawin ko... sisiguraduhin kong hindi ka na tatanggi sakin..." maangas na pananakot ni Itchan sabay tumayo upang tumungo sa kung saan.

Hindi na siya sinulyapan ni Eul dahil sa kakaibang pakiramdam. Nanginginig pa siyang bumaluktot at tumungo sa dulong bahagi ng kama upang sumandal sa headboard nito.

Ilang saglit pa ay nakarinig siya ng malakas na tunog. Bumagsak na bakal na nagpakislot sa kaniya. Tila kadenang sumasayad sa sahig palapit sa kaniyang kinaroroonan.

Gamit ang kaniyang magkabilang kamay ay tinakpan niya ang parehong taenga. Papalapit nang papalapit at mas lalong dumadagdag ang kaniyang takot ang mas lumalakas na tunog nito.

"Eto gusto mo diba... tuturuan kita ng leksyon..." matigas na sabi ni Itchan nang makarating kay Eul. Marahas niyang kinuha ang kamay nito papapit sa kaniya. Sinubukan mang pimiglas ay hindi magawa ni Eul dahil sa panghihina.

"Putangina! Gusto mo talagang pinapahirapan ka eh!" Sigaw pa nito at walang awang pinaikot ang kadena sa magkabilang kamay ni Eul. Mahigpit. Masakit. Nakakasugat.

"It---chan... I---I'm so---sorry..." mahinang panimula ni Eul habang nanginginig ang labi nito. "Please... don't do this..." mariiing tinitigan ni Eul si Itchan ngunit di parin siya pinansin nito.

Tinali ni Itchan ang mga kamay ni Eul sa magkabilang dulo ng headboard at tumungo naman sa mga paa nito upang gawin din ang pareho.

"Gagawin ko lahat ng gusto mo... 'wag lang 'to... please..." huling sabi pa ni Eul bago muling duraan ni Itchan ang bunganga nito. Nagawa pang idura ni Eul ang laway ni Itchan sa kaniyang gilid at masamang tumitig sa lalaking nasa kaniyang ibabaw upang siya'y babuyin.

"Akala ko ba gagawin mo lahat ng gusto ko?! Eh pano kung gusto kong lunukin mo lahat ng dura ko?! Ha?!" Nakakatakot nitong litanya sabay mahigpit na hinawakan ang pisngi ni Eul at muli itong dinuraan. "Tuturuan kita ng leksyon... wala kang respeto sa'kin eh!" Sigaw pa nito at binitawan si Eul upang muling bumalik sa kaninang ginagawa.

Tulad ng sa kamay, tinali niya rin nang mahigpit ang mga paa ni Eul sa bawat dulo ng kama. Masakit. Gumuguhit. Walang kawala si Eul.

"Itchan... please..." mahinang pagmamakaawa ni Eul sa pagitan ng kaniyang mga hikbi. Masasaganang luha ang dumaloy sa kaniyang mga mata at hindi na rin maiiwasan ang bahagyang panginginig.

"Ayoko sa lahat... walang respeto sakin... kailangan mo munang matuto... mahal ko..." bumalik sa malambing nitong tono si Itchan sabay tumayo.

Nakabibinging segundo ang bumalot sa silid na mas kinatakot ni Eul. Walang ano-ano'y nakaramdam siya ng masakit na lumatay sa kaniyang balat. Mabilis ngunit saksakan ng hapding dumaloy sa kaniyang buong pagkatao.

Matinis na tunog nito ang nangibabaw at nakita niya si Itchan na nakatayo at nakatitig sa kaniyang kabuohan hawak ang tila maliit na latigong ginamit nito sa kaniya. Wala nang salita na lumabas sa kaniyang bibig dahil sa sakit at hirap na kaniyang nararanasan.

Tanging mahihinang hikbi sa pagitan ng bawat sigaw kada hampas ng latigo sa kaniyang buong katawan.

"Kung hindi ka masasaktan, hindi ka matututo... mahal ko..." at muling humampas sa kaniyang hita.

Tuloy-tuloy. Sunod-sunod. Tanging hampas ng latigo sa kaniyang balat ang naririnig sa buong silid. Walang awang makikita sa mga mata ni Itchan na tila'y sinaniban ng sangkatutak na demonyo.

Hindi na napagod ang mga mata ni Eul sa pagluha. Bawat latay sa kaniyang balat ay kitang-kita ang bakas ng pamumula nito. Mahapdi. Walang katumbas na sakit ang naghahari sa kaniyang buong katawan.

Tinanggap niya lahat. Dinama niya ang pait na kaniyang sinapit. Unti-unting nauubos ang pagasa ni Eul na makakalabas pa siya ng buhay. Tanging bulong na saklolo sa hangin ang kaniyang nailabas bago mawalan ng malay.

Spiro...

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon