Season 3: Episode 4

5.2K 461 215
                                    

"Sir! What the fuck?!" Manuel is about to go out of the hole.

"Stop right there, Manuel!" I carefully stand up. Maingat at unti-unti akong lumapit doon sa bakal na pintuan noong escape hole.

"Sir, we will help you--" sinaraduhan ko na iyon. Saka ko inapakan ang metal na pintuan para hindi na sila makawala pa doon. Walang mangyayari kung pati sila ay mapapahamak.

Above all, as a Policeman, the safetiness of my men is my paramount priority when it comes to this life and death situation. At saka baka hindi pa man sila nakakalabas sa butas ay nasugod na agad sila. Kaya wala na ring dulot kung tutulungan pa nila ako.

I got this.

Ngayon ay nakapwesto na ang mga buhay na bangkay sa harap ko. Animo sila mga boxer na handang atakihin ang kalaban gamit lang ang kanilang kamao. Sila ay dalawang babae at tatlong lalaki. Ang isa ay putol ang kamay. Samantalang tatlo sa kanila ang nakalabas ang bituka.

Lahat sila ay may mga ngiti sa labi. Tila bang enjoy na enjoy pang makita kung gaano ako hirap na hirap pigilan ang kilabot na bumabalot sa buong sistema ko.

I started to ball my fist. I am aiming for a five knock outs. Boxing is my sport back in my College days. I never knew that time will come, I will thank my father for forcing me to do that sport.

"Katapusan mo na 'to, Basthy." Their voice are raspy. Basag na basag iyon.

I blinked.

What the fuck?!

They can also talk?!

"Katapusan mo na 'to, Basthy." Pagpapatuloy nila habang humahalakhak.

More importantly, bakit nila alam ang pangalan ko?!

"Katapusan mo na 'to, Basthy."

This shit . . . This shit is mind blowing. A delusion that I never thought that will turn into an impossible reality. One thing is for sure, this pandemic is the modern hell with a fucking twist.

Noong umalagwa na sila para atakihin ako ay doon ako natauhan. Agad akong pumwesto para protektahan ang sarili ko.

Ang naunang umatake sa akin ay iyong buhay na bangkay na putol ang isang braso. Madali kong nahablot ang kanyang kamay. Pinilipit ko iyon nang buong pwersa. Doon ay napahiga siya dahilan para mapahiga rin iyong dalawang zombie sa kanyang likuran.

Ang natitirang dalawang zombie naman ang umatake sa akin. Parehong labas ang kanilang bituka kaya iyon ang pinuntirya ko. Una kong binigyan ng kamao sa mukha iyong babaeng zombie. Doon ay para siyang natuliro kaya kinuha ko ang pagkakataon para hablutin ang nakaluwa niyang bituka. Mabilis ko iyong pinahaba saka ko ipinalibot sa kasama niyang luwa din ang bituka. Ngayon ay magkabuhol na sila.

Habol hininga, inabot ko ang baril ko. Papatayin ang mga pesteng ito.

"Tangina!" Gigil na anas ko.

Nakakainis na nakalimutan ko nga pala sa office ko iyong baril! Sa huli ay kinuha ko ang maliit na kutsilyo na lagi kong tinatago sa lalagyan ng baril ko.

Bago pa makatayo iyong tatlo pang zombies ay sinaksak ko na sa ulo itong magkabuhol na mga bangkay. On cue, pareho silang natumba sa lupa. With eyes open, tuluyan na talaga silang nawalan ng buhay.

Sakto namang nakakuha ng bwelo iyong tatlo pang zombies. I wince as I heaved a deep sigh. Pinagpag-pagpag ko muna ang kamao ko bago ako muling pumwesto para atakhin rin sila.

Ang kanang kamay ko ay nakahanda ang kamao samatalang kutsilyo naman ang hawak ko sa kaliwa. I am aiming for the victory as one by one, they started to attack me.

Ang zombie na may putol na braso ang siyang nauna na namang umatake sa akin. Una ko siyang sinuntok sa noo at saka mabilis na isinaksak sa kanyang sentido iyong kutsilyo.

"Shit!" Bulyaw ko nang hindi ko na mahugot doon ang kutsilyo. Kahit anong pwersa ang ibigay ko ay hindi ko na talaga ito mahugot!

Sa huli ay napagpasyahan kong hayaan na lang muna ang kutsilyo. Kasi kung hindi ko gagawin iyon, chances are I will be killed by this approaching zombie who is a few inches away from me.

"Katapusan mo na 'to, Basthy." Paulit-ulit nilang sambit sa akin habang humahalakhak.

And I am here.

Swallowing my fear. Hard. Praying for God to give me enough strength for me to be able to defeat these shitty zombies.

The Last QuarantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon