CHAPTER 37: LOVER'S QUARREL

314 8 0
                                    

DANGER'S POV

Ilang araw na ang lumipas simula nung away namin. Pero hindi parin kami nagpapansinan pano ba naman tuwing makikita ko siya nababadtrip lang ako dahil lagi nyang kasama yung lalaki na iyon! Hindi ko alam ang pangalan niya at hindi ko gugustuhin malaman pa. Nakakabanas lang! Nakakabwisit! Nakaka-ugh! Marahas kong sinasabunutan ang sarili ko tuwing naaalala ko yung dalawa.

"Hey babe! Wanna taste this fresh buko pie? It's made by my auntie from Singapore" malanding sabi ng babaeng ito. Kunot-noo ko siyang tiningnan buko pie? Pero galing Singapore? Tss. Sobrang lawak ng ngiti nya habang nakalapag sa harap ko yung buko pie na sinasabi nya.

Kanina pa ito sunod ng sunod sakin at panay daldal. Hindi ko naman pinapansin pero sige dada paren siya. Hindi ba siya napapagod kakasalita? Ako kasi napapagod na kakakinig sa kaniya. Para ba'ng onti nalang masisira at dudugo na ang tenga ko, tsk.

Lumabas ako ng classroom dahil sa pagkainip at para na rin makalayo sa maingay na babaeng iyon. Hindi ko alam pangalan niya at wala akong pakialam sa kanya. Sumilip ako sa may railings at tumingin-tingin sa paligid ng mahagip ng paningin ko si Hell at yung lalaking lagi niyang kasama.

Tsss, ako ang boyfriend diba? Kaya bakit sa ibang lalaki siya laging sumasama? Ano ba kasing meron sa lalaking iyan at lagi niyang kasama? Nakakabwisit tsk! Napansin kong papunta sila sa pool area. At dahil nacurious ako kung anong gagawin nila doon ay agad akong tumakbo pababa at marahang naglakad papasunod sa kanila. Siniguro ko na hindi nila ako mararamdamang nakasunod sa kanila. Pumasok sila sa loob kaya sumunod ako, pumunta sila sa lugar na walang tao. Tumaas ang isang kilay ko dahil doon. Ano bang gagawin nila at kailangan pangpumunta sila sa walang tao? Lumingon-lingon pa muna sa paligid yung lalaking kasama niya. Tss, sa totoo lang mas gwapo pa nga ako sa kanya eh! Lamang ako sa kanya ng sampu--ay hindi lamang ako sa kanya ng isang daang paligo! Tama, tama isang daang paligo nga. Tsh!

Nagsimula na silang mag-usap at dahil hindi ko marinig ang usapan nila ay lumapit ako. Let myself clear. Lumapit ako kasi baka pinagtataksilan na ako ni Hell at hindi dahil curious ako sa pinag-uusapan nila okeh? Hindi ako chismosang tulad nyo kaya huwag nyo kong i-judge

"Ayaw parin nila magsalita Queen" seryoso silang nakatingin sa isat-isa

"Pakantahin mo hanggat kaya mo. Dahil pag ako na ang pumunta sa kanila. Hindi lang pagkanta ang gagawin nila" kanta? Magsalita? Ehh? Ano ba itong pinag-uusapan nila?

"Masusunod Queen. Anyway kayo ba talaga ni Danger?" Kumunot ang noo ko dahil sa tanong nya. Hindi niya alam? Ibig sabihin hindi sinasabi sa kanya ni Hell ang tungkol samin?

"Tss" lang ang sinagot nito. Matalim akong tumingin sa kanya napalingon naman siya sa pwesto ko at kumunot ang noo nya ng makita ako pero sumimangot lang siya. Inis akong tumayo mula sa kinatataguan ko at malakas na sinipa yung upuan na nasa gilid ko tsaka nagdadabog na umalis! Kabanas siya! Bwiset sya!

ROSE JANE'S POV

Nang tumunog ang bell agad kong inayos ang gamit ko at patakbong lumabas ng gate. Nakita ko si Chris na nandoon at nag-aantay sakin. Lihim akong napangiti, Lalo ko pang naramdaman na nag-init ang magkabilang pisnge ko ng lol lumingon siya sa akin at agad na ngumiti ng malawak. Ang gwapo niya talaga!

Matamis akong ngumiti at lumapit sa kanya agad niyang ikuha sa kamay ko ang bag ko at binitbit. Nilahad niya sa harap ko ang kamay nya. Napatingin ako doon bago dahan-dahang umakyat ang tingin ko sa mukha nyang nakatitig sa akin habang may nakapaskil na sobrang tamis na ngiti sa kayang labi. Namumula ko naman itong ninawakan habang nanatiling nakatitig sa kanya lalo tuloy lumawak ang ngiti nya. Tsaka nya pinagsaklob ang mga kamay namin.

That Cold Nerd Is The Gangster Queen [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon