► two

833 51 13
                                    

two

Ianne

"Ma wala na nga akong sakit." Sabi ko kay mama at nagsimulang kumain.

"Ang kulit mong bata ka, sige na. Basta wag 'kang masyadong magpapakapagod ah?" Sabi ni mommy na kumakain 'din. Tumango nalang ako.

"Oh by the way, ano nang nangyari 'dun sa pagtulong mo kay V anak?"

"Ah yung sa li-liligawan ni V?" Tanong ko.

"Uh huh. Akala ko talaga kayo ang magkakatuluyan ni V. Malay mo ikaw pala 'yung liligawan niya." Sabi ni mommy na may nakakalokong ngiti habang itinataas baba ang kanyang nga kilay.

Sana nga. Sana.

"Whatever mom, I need to go." Sabi ko at tumayo. Kinuha ko ang bag ko sa sofa at lumabas.

Naglalakad lang ako papuntan school dahil katabi lamang ito ng subdivision namin.

Nagulat nalang ako nang may biglang umakbay saakin.

"Oh Ianne magaling ka na?" Sabi ni V at bumitaw 'rin sa pagakbay dahil marami siyang dala siya.

Mga gamit na gagamitin sa surprise para 'dun sa maswerteng liligawan ni V.

"Yeah." Sabi ko.

"Magaling ka na pala eh, oh 'yan dalhin mo." Sabi niya at ibinigay saakin ang cake.

Aba gago.

"Lechugas ka pala eh, kawawa naman 'yung liligawan mo kapag sinagot, tsk." Sabi ko. "Kung sasagutin ka." Sabi ko ulit at ngumiti ng nakakaloko, emphasizing the word 'kung'.

Pero siguradong sasagutin 'yan. Eh sa heartthrob ba namang yang elyen na 'yan. Kahit nga hindi 'yan manligaw eh, mga babae pa ang nanliligaw diyan, pero sadyang mahal niya lang siguro 'tong babae kaya nag-eeffort siya, awts.

"Aba syempre sa gwapo kong 'to, kahit 'di ko nga gawin 'tong surprise at tanungin lang siya kung pwede ko siyang maging girlfriend ay sasagutin niya ako!" Proud niyang sabi.

"Oo na lang." Sabi ko at naglakad na kami papuntang school.

Lagi naman kaming sabay ni V pumasok, magkapitbahay lang naman kami. Akala nga ng iba kong mga kaklase may namamagitan saamin dahil sobrang close daw namin. Pero wala namang malisya 'yun. Bestfriends lang kami.

At alam 'kong hanggang 'dun lang 'yun.

Bubuksan ko dapat ang kahon ng cake nang bigla akong pigilan ni V.

"Huy wag! Nakasulat diyan 'yung pangalan niya, baka malaman mo. Wag 'muna." Sabi niya.

"Tss, malalaman ko 'rin naman." Sabi ko.

"Kaya nga wag mo nang tingnan, malalaman mo 'rin naman." Pagbabara niya.

***

"Keanne!" Sigaw ko sa bestfriend ko pagkadating ko sa school.

Lumingon naman siya at tumakbo papunta saakin.

"Ah ge Ianne akyat nako, sayo na muna 'yan." Sabi saakin ni V.

"Magkita nalang tayo mamayang dismissal sa courtyard, wag mong bubuksan." Bulong ni V at umalis.

Oo nga pala I forgot to tell you. 2nd year palang ako at 3rd year na siya kaya magkaibang floors ang rooms namin.

"Ayiee ano 'yun? Alam mo bestfriend feeling ko talaga may namamagitan na sainyong dalawa!" Panunukso ni Kianne.

Sana nga meron.

"Tss wala nga aba." Sabi ko kay Keanne.

"Choosy ka pa eh ang pogi pogi nga niyang bestfriend mo! Crush ko kaya 'yun! Joki joks! Tara na nga!" Sabi niya at nagtungo kami sa classroom.

Di nagtagal ay nagsimula na ang klase.

"Class, for your project this quarter, you are going to make paper roses. At dahil Valentines day ngayon, saktong saktong ang project na ito.Our art period is 2 hours so I will give to you 1 hour and a half to do so. I will be back, and once I get back, pass it to me. I will check it immediatly so you can give your work to someone you admire." Sabi ng art teacher namin. Lalabas na sana siya ng biglang pumasok ang isa naming kaklaseng kagagaling lang sa CR.

"PUTANG--- Ano ka ba naman Ma'am, respeto naman! Kumatok ka muna bago lumabas! Hmmp!" Sabi ni Joey at pumasok.

Napakamot nalang sa ulo si ma'am. "Aba walanghiyang bata 'yun ah." Mahina hina niyang sabi at lumabas na.

Roses? I think I know who'll I give it to.

"To V"

Isinulat ko sa tag na nakasabit sa paper roses. May sinulat 'rin akong saranghae pero napakaliit lang nito.

Natapos ako with time to spare. May 20 minutes pa at ako palang ang tapos.

Umikot ako sa classroom at tinignan ang mga ginagawa ng mga kaklase ko.

"Wga ka nga Ianne! Shupi!" Pagtataboy saakin ni Jungkook.

"Tinitignan ko lang 'kung sino 'yung mga sinusulatan niyo eh! Patingin!" Sabi ko.

Tinago ni Jungkook 'yung roses at tinaboy ako.

"Sus, ako 'yan 'no? Sabi na nga ba crush mo ako eh! Haha de biro lang, babye!" Sabi ko. Nakita 'ko namang nagblush siya. Ang cute talaga nitong si Jungkook, parang bata eh, ang laki ng ilong.

Kung hindi ko lang mahal 'tong gago kong bestfriend, malamang ay si Jungkook ang crush ko ngayon!

Bumalik na ako sa upuan ko dahil any minute ay darating na si Ma'am.

Because I was bored, naisipan 'kong buksan 'yung cake.

Puta alam kong masasaktan lang ako kapag ginawa ko ito pero I really have the urge to open it.

Dahan dahan ko itong binuksan.

"Class pass your flowers!" Saktong dating ni ma'am kaya kaunti lang ang nakita ko.

At sa kaunting iyon ay alam ko na kaagad kung ano ang nakasulat, Dahil isang lettra nalang ang hindi ko nakita.

Shocking and unexpected.

"anne"

And with that, my heart beated a thousand miles per hour.

• • •

A/N: Annyeong! Birthday ni Elyen!

#HappyTaeTaeDay #HappyVDay #HappyVirthday #뷔생일ㅊㅋ

Lol nakita niyo na 'yung mga post ng ibang members? Yung mga derp ni elyen haha laptrip mga dre.

So here's chapter 2!

•tinkeobell

Bestfriend | Taehyung Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon