GREATEST LOVE

36 9 0
                                    

✍ Unknown
Credits to the rightful owner/writer of this short story.

***

I have a boyfriend we've been together for almost 3yrs and 6 months. He's totally the man of my dreams.

"Malapit na debut mo, 21 kana gurang," natatawa kong sabi sa kanya. Pero pinitik nya lang noo ko. Amp.

"Pwede ka ng pakasalan," nakangiti nyang sabi sakin dahilan ng pagmula ng mga pisngi ko. I can't stop myself from smiling, naiisip ko pa lang na ako ang magiging Ina ng mga anak nya abot abot na ang ngiti ko. Napahawak naman ako sa singsing na binigay nya.

"Anong gusto mong gawin Ken? Anong regalo gusto mo?" tanong ko sa kanya habang busy sa pagsusuklay ng buhok nya gamit kamay ko.

"Makasama ka lang sapat na yun," napangiti ako sa sinabi nya. Hindi ko akalain na dadating kami sa puntong ito. Parang noon lang sirang sira sya dahil hiniwalayan sya ng Girlfriend nya, pero nagstay ako. Naginsist pa nga ako na tutulungan ko syang malimutan si Zel. Ako ung nagstay sa panahon na sirang sira sya.

"Kenjiie matagal ka pa ba jan?" sigaw kong tanong sa kanya. Nasa loob kasi sya ng CR naliligo. Di ko na mapigilan ung ihi ko, lalabas at lalabas na talaga sya.

"Malapit na," sagot nya. Umupo nalang ako sa sofa habang hinihintay sya ng biglang tumunog ang cellphone. Kinuha ko naman 'to at binasa.

From: Zel

Im already here at the cafe. Wr ar u?

Zel? Sinong zel? Isa lang naman ang kilala kong zel, yun ang ex Girlfriend nya. Agad ko naman 'to binalik ng biglang bumukas ang pintuan sa Cr.

"Saan lakad mo ngayon?" tanong ko sa kanya. Please wag kang magsinungaling sa'kin.

"Nagkakaayaan kami nila Gerald, sabihan nalang kita pagpauwi nako mamaya," pagsisinungaling nyang sabi sakin. Sinungaling.

"Pwede ba'kong sumama?" tanong ko sa kanya. Agad naman nya akong tinitigan ng seryoso at tinaasan ng kilay.

"Sorry, hindi na," sagot ko sa kanya sabay yuko. Dapat pagkakatiwalaan ko sya kahit alam kong mahirap.

Umalis sya kasama ang unang babaeng minahal nya habang ako? Hindi ko mapigilan ang sarili na mapaiyak sa sakit. Paano kung isang araw babalik sya kay zel? Di ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaiyak.

Birthday na bukas ni Kenjie, excited nako pero di'ko maiwasan na kabahan lalo na't ngayon masyado na syang umiiwas sakin.

"Maliligo muna ako." maikling nyang sabi na agad ko naman tinanguan. Hindi mapapanatag ang loob ko pag di ko nakakausap si Zel, kaya agad ko syang tinext gamit ang cellphone ni Kenjie at agad na dinelete.

Nagbihis na ako agad kahit wala pa akong ligo at pumunta sa meeting place namin. Nakita ko syang nakaupo, nakasuot nga fitted dress above the knee. Now I know, bakit patay na patay si Kenjie sa kanya.

"Zel, pwede ba tayo mag usap?" tanong ko. Nabigla ata sya, di nya akalain na ako makikita nya.

"Omygod. I'm so sorry for what happened, pinigilan ko sya na makipagbreak sayo pero ayaw nya talaga magpapigil," naiiyak na sabi nya sakin. Di parin nagsisink in sa utak ko sinabi nya. Anong ibig nyang sabihin?

"Anong sabi mo? Hindi pa kami hiwalay," nanghihina kong sabi sa kanya. Nagulat ata sya sa sinabi ko.

"What? so he lied,"

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak ganun nya ba talaga kamahal si Zel para itanggi nya ako?

"Zel, Can you do me a favor?" tanong ko sa kanya habang pinipigilan ang sarili na humagulhol ng iyak.

"Sure, anything."

Hindi ko mapigilan ang sarili na kabahan sa possibleng mangyari ngayon, maya maya dadating na din si Kenjie.

"Are u sure about this?" tanong ni Zel sakin, tumango naman ako bilang sagot. Maya maya rin ay dumating na si Kenjie, tinitigan ko sya. Ang saya niya, saya na kahit kailan di ko man lang nakita pag kasama nya ako.

"Did you miss me Kenjie?" pang aakit na tanong ni Zel sa kanya. Hinintay ko ang sagot ni Ken, pero nabigla ako ng bigla nyang siniil ito ng halik at agad agad pinahiga sa kama.

Fuck! Fuck! Sana naman maisip mo na may Girlfriend ka. Pumikit nalang ako at tinakpan ang tenga ko para di ko marinig ang mga halinghing nilang dalawa.

"Please, comeback. Im begging you..,"

"Hoy, bro gurang ka na ha?" natatawang bungad ng katropa nya. Natawa naman sya, hindi ko mapigilan na titigan sya. Pagnawala ba ako mamimiss nya ako?

"Ken, Can we talk alone?" nanghihina kong tanong sa kanya. Tumango naman sya bilang sang ayon.

"Masaya ka ba?" tanong ko sa kanya.

"What do you mean?" nagtataka nyang tanong sakin.

"Zel, masaya ka'ba pagkatapos ng nangyari sa inyo?" nagulat ata sya sa tanong ko. Ahhh.

"I'm so sorry Christal," nakayuko nyang sabi sakin. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na humagulhol ng iyak.

"Ang ganda nya no? ang sexy pa. Yawa bat ganun ang unfair?" natatawa kong tanong sa kanya.

"Pagmaganda ba'ko mamahalin mo ba ako katulad ng pagmamahal mo kay Zel? Pipilitin mo ba din ba ako na bumalik sayo? Nakakapiste" sigaw kong sabi sa kanya sabay punas ng luha ko.

"Inggit ako kay Zel, siguro kung kasing ganda din ako ni Zel di mo'ko hahayaan na mawala sayo. Kaso hindi e, ayos lang na mawala ako sayo kasi di naman ako kawalan," tinitigan ko sya. Hindi ko mapigilan ang sarili na yakapin sya,.

"Tangina ka. Kahit gago ka mahal na mahal kita." umiiyak kong sabi sa kanya habang nakasandal sa dibdib nya.

"May ibibigay ako sayo," tinanggal ko ang singsing na suot suot ko at ibinigay sa kanya.

"Kenjie, Im breaking up with you," taas noo kong sabi sa kanya sabay hawak sa kamay nya. Lahat ng alaala na pinagsaluhan namin biglang bumalik.

"Siguro magugustuhan mo regalo ko sayo," natatawa kong sabi sa kanya kasabay ang paglabas ni Zel. Pinagplanohan talaga namin to, ayos lang handa naman ako. Masaya ako para sa kanya kahit ikakasakit ko. Maybe you have the best gift ever.

"C-hristal..."

"I love you so much, I just want you be happy even that happiness no longer includes me," umalis ako at iniwan sila.

Binuo kita kasi sinira ka nya, tapos sinira mo ako nung nabuo na kita. True love is selfless, lahat gagawin mo para lang sa taong mahal mo kahit alam mong ikakasakit mo. The greatest sacrifice is when you sacrifice your own happiness for the sake of someone else. So boys, don't court another girl if you're still inlove with your ex, nakakapotangina.

A Broken TalesWhere stories live. Discover now