10

1.9K 53 3
                                    


"Hulog mo mukha mo,"


I rolled my eyes before walking outside his room to wash the dishes.


"When I say it, I'm sincere, okay? I don't play with words." Pahabol niya. "If I say I love you, I really mean it. But I don't love you, sorry." He chuckled.


"As If namang inaantay kong mahalin mo 'ko?" I shook my head before getting the sponge. Hindi ko alam kung masasaktan ba 'ko o ano. Ang balak ko ngayon, pigilan lahat ng maaari kong maramdaman. "Mahiga ka na, ako na bahala." Sabi ko sa kaniya.


After washing the dishes, pumasok ulit ako sa kwarto niya at dumeretso sa may balcony niya para kunin nag mga nakasampay niya duon. May araw na pala.


"Ano ginagawa mo?" Boses ni Caeleb. "You shouldn't do that. Kaya ko na 'yan. Mamaya na 'yan."


"Ako na. Baka mabinat ka pa." I glanced at him, medyo maputla pa rin siya. "Magpahinga ka na."


"I didn't imagine na marunong ka pala gumawa ng mga gawaing bahay." He chuckled. "Lasallian na babae eh."


"Hindi lahat ng Lasallian na babae maarte at hindi marunong gumawa nito, okay?" Sabi ko habang kinukuha ang iba pang nakasampay niya.


"Ako na nga diyan,"


Inabot niya rin ang inaabot ko kaya napatigil kaming dalawa. Hawak hawak niya ang kamay ko pati ang tshirt na parehas naming inaabot. When I looked at him sideways, ang labi niya agad ang bumungad sakin. He swallowed hard before letting my hands go.


"No kiss," I put my index finger on his lips and pushed his face away from mine. "Baka mahawa ako."


"Hindi ka naman mahahawa," He gave me a sad face. "Isa lang,"


My eyes automatically closed when I felt his lips crashed on mine. I responded to the every movement of his lips that he's giving me. Tumigil din agad ako nang lumalim na ang halik, alam ko na kung saan pupunta eh. Ayos na 'yan, napagbigyan na. Marupok ako eh, sorry na.


"Tabi diyan, magtutupi ako." Sabi ko at dumaan ako sa gilid niya.


Sumunod din naman siya at sinara ang sliding door ng balcony niya. Humiga siya sa kama niya at ako sa sahig dahil magtutupi ako sa may lamesa. Nagalit pa nang kaonti dahil hindi ko pinagbigyan na magtupi ng damit kasama ko.


"I can do it naman eh," He crossed his arms. "That's my clothes."


"Alam kong sayo 'to. Magpahinga ka na diyan. Wag ka na makulit." Sabi ko habang nagsisimula nang magtupi ng damit.


"Okay, sabi mo eh. Ako na lang magluluto ng lunch natin." Sabi niya.


Natin.. Sinasama niya na rin ako? Nakakalambot ng tuhod pati puso ha!

I'm Coming Back, ManilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon