O o p s 12

1.3K 42 10
                                    

Hindi mo alam pero bigla bigla nalang tumulo ang mga luha mo, naguguluhan ka sa mga pinagsasabi ni Josiah o baka naman nagjojoke na naman siya.

Naglakad ka lang na umuwi sa inyo, naguguluhan na rin ako sa iyo, bakit ka ba umiiyak? Diba dapat matuwa ka kasi gusto ka niya? Gaguhan te?

Hindi mo na alam kung saan ka dinala ng mga paa mo.

*peep...peep*

Napalingon ka kasi may bumusina sa tabi mo.
Naka open pala ang sports car ni Josiah kaya kitang-kita mo siya.

"Hey. S.E.---este Stephanie, bakit ka ba umalis?"

Naiinis ka na naman kaya agad mo siyang binato ng wedge mo.

"Bwisit ka!"
sigaw mo sa kanya

"Oh? Ano na naman bang nagawa ko?"
Inosente pa niyang tanong

"Nagjojoke ka na naman!"

"Ah. 'Yun ba?"
komportable niyang sabi

Tiningnan mo lang siya at naghihintay ka sa isasagot niya. Sumakit na nga ang paa mo kasi malayo-layo na rin kasi ang nilakad mo.

"Totoo 'yon."
Tapos ngumiti siya

Kaya nainis ka na naman kaya mas binilisan mo ang paglalakad mo, kahit di na pantay ang pagka apak mo, ang isang paa may wedge pero ang isa wala. Wala ka ng pakialam.

Sinundan ka pa niya,

"Sige na nga, biro ko lang 'yon."

Napalingon ka ulit at sumakay ka na sa sasakyan niya,
No choice tayo. Pagod ka na kasi.

"Sa bahay."
tipid mong utos kaya tumango lang siya at umalis na nga kayo

"Sa susunod 'wag ka na ngang magbiro ng ganun!"

"Okay Miss S.E.---"

agad mong hinila ang tenga niya,

"Ituloy mo pa!"

"A-Arayy!"

"Puputulin ko na talaga ito!"
gigil mong sabi

"Di na po."
Tinulak mo siya nang malakas saka mo siya binitawan.
tumawa naman siya nang malakas.

Buti nalang ganito lang ang naging senaryo niyong dalawa. Buti nalang nagbibiro na naman siya. Hindi mo alam kung bakit ka nagagalit kapag sinabi niya sa iyo 'yung katagang 'yon, siguro ayaw mo lang umasa. Choss'

✖️✖️✖️

From: Sam
"Beh! May nakachat na ako!"

Napairap ka nalang sa phone mo at nagbasa na ulit ng Wattpad sa ipad mo.

From: Kelly
"OMG! Online si crush!"

Nagtaka ka naman kung bakit nila shine-share ang chat life nila. Kulang nalang ikwento nila buong buhay nila!

From: Sam

Good Evening!
OMG, you must try this chat room guys!

#LandiPaMore
Grpmsg

Ang cheap cheap talaga mag group message ni Sam. XD

*But I got the blank space baby...*

nakita mo naman ang phone mo na tumunog

Kelly Calling...

Hindi mo sana sasagutin pero parang mawawalan na ng boses si Taylor Swift sa kakakanta niya kaya sinagot mo nalang

"Low?"

[Steph! Try mo na kasi! Wala namang mawawala sa iyo!]

"No."

[Andaming online! Malay mo soulmate mo!"

"No."

[OMG! Online si Josiah!]
*toot...toot...toot*

Di mo alam at parang wala ka sa sarili na tina-type mo na pala ang website na iyon.

Pagtingin mo sa online,
napacuss ka nalang ng di oras kasi hindi pala nila ginamit ang totoong pangalan nila.

Nag sign up ka na nga at mabilis lang pala kasi malakas ang wifi mo na ang pangalan ay "Don't Connect or else" kasi ikaw lang ang gumagamit nito at ayaw mo pa talagang i share sa katulong niyo. Kumbaga may password.

Username: SobrangGanda
Password: ******

Huwag na natin ikalat password mo kasi di mo alam kung bakit mo ito tinype. May something na kasi. Srsly! Name niya? OMG!

Tapos may nagpop out bigla,

KellyKelly wants to chat with you
[accept] [ignore]

Napairap ka na naman kasi alam mo namang si Kelly ito kaya bigla mong inignore.

SamdaySamwhere wants to chat with you
[accept] [ignore]

Click: Ignore

Alam mo rin naman kasi na si Sam ito. Hindi ka naman tanga e. Obvious na kasi!

ItsS.E.X wants to chat with you
[accept] [ignore]

At may poser ka pa talaga? Napataas naman ang kilay mo at na click mo ang accept

ItsS.E.X: Hi SobrangGanda ganda mo yata?

SobrangGanda: Oo naman. Di ba halata sa username?

ItsS.E.X: Hmmmmmm..Patawa ka rin!

SobrangGanda: Pwede ba palitan mo ang username mo, nakakadiri.

ItsS.E.X: nakakadiri? Hala! Pangalan yan oy!

Kumunot ang noo mo, imposible namang si Josiah ito kasi hindi naman ito mahilig sa mga chat chat diba? At isa pa may nakita ka namang online kanina na may pangalang AcUhSiJOsIaH kaya malamang siya nga 'yon! Jeje e.

SobrangGanda: sino ka ba?

Ayaw mo namang ipahalata na ikaw si Steph. Pero parang gusto mong ihambalos ang keyboard sa ka chat mo dahil nakakainis dahil ginamit pa talaga ang pangalan mo.

ItsS.E.X: Your destiny :)

Oops I Forgot the Protection!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon