Chapter 6 - Following

34 2 0
                                    

Casual lang ang turingan ni Niel at Anayeli bilang mag-boss. Although minsan ay natutukso si Niel na kumustahin ang dalaga at tanungin sa nangyari sa buhay nito. Pero mas pinipili na lamang niya na huwag pansinin ang kagustuhan.

Isa pa ay wala naman na siyang pakialam nga kay Anayeli. Tapos na sila nito. Kaya bakit kailangan pa niya itong kumustahin. Pero minsan ay sadyang mahirap din labanan ang tukso. Mabuti na lang at nasa labas palagi ng opisina niya ang dalaga. Kaya napipigilan niya ang sarili niya.

Madalas nga ay hindi niya ito tinatawagan kahit na may kailangan siyang iutos dito. Ayaw kasi niyang may mabuhay na naman sa dibdib niya na kung ano para sa dating kasintahan. She will just be his weakness and distraction. That's why he better ignore her and pretend that she is just nothing for him.

Alas otso na pala ng gabi. Anong oras kaya ako pauuwiin ng Niel na ito. Magdadalawang linggo na akong absent kay Mr. Chan. Malamang pagagalitan na ako ng intsik na yun. Hindi umuusad ang numero ng utang ni papa sa kanya. Sabi ni Anayeli sa isip habang pinagmamasdan ang pinto ng office ni Niel.

Tapos na naman ang lahat ng appointment nila ngayong araw. Pero hindi pa rin ito pinapauwi ng gwapo pero arogante nitong boss.

Nag-tyaga pa rin ang dalaga na maghintay ng kahit 10 minutes. Nang hindi na makatiis ay kumatok na ito sa pinto ng binata. Agad naman itong pinapasok ni Niel.

"Sir, may I ask if until what time po ang overtime ko?" kinakabahan nitong tanong, baka kasi wala sa mood si Niel.

"You may go now," sagot ni Niel na hindi man lang tinapunan ng tingin ang kausap.

"Sige po sir salamat po. Ingat po kayo pauwi," malamyos nitong paalam kay Niel.

"You too!" sagot niya na wala pa ring gana na tingnan si Anayeli.

Nagmamadali namang umalis ng office si Anayeli. Dahil maya-maya ay oras na nito ng trabaho kay Mr. Chan. Umuwi muna ito ng bahay para magbihis at mag-ayos. Hindi ito pwedeng dumiretso doon na naka-uniform ng CT mall office. Malaking kahihiyan iyon para sa kompanya.

Pagsapit ng alas nwebe ay pumunta na ito sa club ni Mr. Chan. At gaya nga ng ini-expect nito. Nasabon muna ito ng matandang intsik bago ito pinagsimulang mag-trabaho.

Yun ba namang may halos dalawang linggo itong hindi pumasok doon. Kaya inis na inis ang matanda dito. At gaya ng dati, pinamukha na naman nito ang utang ng ama ni Anayeli kung gaano pa kalaki. Kaya sino ba naman ang makakalimot sa utang na iyon.

Lingid sa kaalaman ni Anayeli, sinundan ito ni Niel pagkaalis nito kanina sa opisina. Hindi rin maintindihan ni Niel kung bakit naisip niyang sundan ang dating kasintahan.

Akala niya ay hindi na lalabas ng bahay si Anayeli kanina. Pero nagulat na lang siya nang mamataan ito na lumabas mula sa isang madilim na eskinita. Ang suot ay di mawari kung gaano kaigsi. Halos lumuwa na ang kaluluwa nito. Kaya napailing na lang siya na pinapanood sa malayo ang dalaga.

Nakataas ang buhok nito, mataas ang takong ng sapatos. At aninag din niya mula sa ilaw ng poste na makapal ang lipstick at make up nito. Sobrang layo ng dalaga sa itsura nito kanina sa opisina.

Kung noong nakita niya ito sa interview nito na moderno ang ayos. Ngayon ay mas malala ito. Daig pa nito ang pokpok sa porma nito. Pero hindi maipagkakaila ni Niel na napakaganda nito kahit pa ganoon ang ayos nito.

What the hell is happening with you woman! Bulong niya sa isip habang sinusundan ang sinakyang jeep ni Anayeli. Ibang kotse ang ginamit niya upang hindi makilala ng dalaga.

Hanggang sa bumaba na ng jeep ang dalaga. Nabigla si Niel dahil ang lugar na binabaan nito ay pugad ng mga stripper club. Madami din doong nagkalat na pokpok na nagbebenta ng aliw.

Billionaire's Ex-girlfriend - Niel Alcazar (Billionaire Descendants)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon