Chapter 6

1.5K 38 9
                                    


"Samahan mo ako sa bathroom!" Sinubukan akong hilahin ni Kendall.

"Huh? Doon nalang!" Itinuro ko sa kaniya ang rest room sa kabilang building.

Nanlisik ang mga mata niya sa akin.

"Ba't doon pa? Ang layo no'n e! Dito nalang! Naiihi na ako!" Muli niya akong hinila papunta sa building na malapit.

Ang dahilan kung bakit ayaw kong sumama sa kaniya doon ay dahil iyon ang building ni Jordan. Panigurado akong madadaanan namin siya kung dito kami da-daan!

Ayoko namang mabaliwala lang ang dalawang linggo pag-iwas ko sa kaniya dahil lang sa ihi ni Kendall!

"Doon na nga lang! Or ikaw nalang kung d'yan mo gusto!" Ngayon ay iritado na ako.

"Ang arte mo! Tara na!" Wala akong nagawa kung hindi magpatinod na sa hili niya.

Hindi ko naman siguro makakasalubong si Jordan. At kung makakasalubong ko man siya ay aalis na lang ako kaagad!

Tama! Katulad nang ginagawa ko tuwing nakikita ko siyang palapit sa akin.

Two weeks has past since his parents anniversary at kung kailan niya ako hinalikan.

I've been avoiding him since then. Kung noon ay siya ang umiiwas sa akin, ngayon naman ay ako na. Sa tuwing nakikita ko siyang umaambang papalapit sa akin ay dali-dali kong hinihila ang mga pinsan ko upang umalis.

We kissed! Not just once but twice! At hindi lamang iyon basta halik, we were french kissing!

Ano nalang ang sasabihin sa akin ng mga kamag-anak ko kapag nalaman nila na nakikipaghalikan ako sa isang lalaking mayroong ka-relasyon?

Nang malapit na kami sa restroom ay dali-daling tumakbo si Kendall na mukhang malapit ng maihi sa pantalon niya.

Napatawa nalang ako sa kaniya. Kanina pa kasi siya umiinom ng tubig kaya ihing-ihi siya ngayon.

I waited for her outside the restroom. Nasa pinakadulong bahagi iyon ng floor kaya tiyak kong hindi ako makikita ni Jordan dahil ang alam ko ay nasa gitna ang room niya.

I tapped my foot at the ground while waiting for Kendall to finish peeing.

"Reign..." Napalunok ako at agad na kinabahan ng makilala ko kung kanino ba'ng boses ang may-ari noon.

Nanlaki ang mata ko ng makita si Jordan na ngayon ay nasa gilid ko na at pinagmamasdan ako. Mabuti na lamang at nakabawi ako agad sa pagkagulat.

Tumayo ako ng maayos at itinigil ang pag tap ng aking paa sa floor.

Sa huli ay inalis ko nalang ang titig sa kaniya.

"Kendall! Aren't you done yet?" Punong-puno ng pagmamadali ang boses ko ng sinigawan ko si Kendall.

"Just a second! Inaayos ko lang ang itsura ko!" Sigaw niya pabalik sa akin.

I sighed.

I reached for the restroom door but a hand grabbed me tightly and then pull me away from the door.

Si Kendall!

Nagpupumiglas ako mula sa madiing pagkakahawak sa akin ni Jordan. Halos kalad-kadin niya na ako sa paraan ng paghawak niya ng braso ko.

Galit akong tumingin sa kaniya ng tumigil kami sa isang bakanteng room. Ini-lock niya ang pinto dahilan ng pagkagulat ko.

"What is your problem?!" Singhal ko sa kaniya.

I probably look like a tomato right now. I can feel my whole face burning up because of the anger that's building up inside me towards the man standing in front of me.

The Burning Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon