Hiraeth

2K 70 1
                                    

(n) a homesickness for a home you can't return to, or that never was.

***

Aicey Liq's

Dalawang Araw matapos ang Prenuptial Shoot, naisipan ni Gin na mag Out of Town para daw mapahinga namin ang Isip namin sa darating na kasal.

Nitong mga nakaraang Araw kasi inayos lahat Ng mga iba pang bagay na kayang ayusin dahil naisip ni Gin na paagahin ang kasalan.

It's already 9pm, malapit na daw kami sa Rest House ni Gin sa Laguna.

"Liq?" Basag ni Gin sa katahimikan.

"Hmm?" Sagot ko habang naka Tingin sa Bintana.

"1 Week before the Wedding, may pag aalinlangan ka pa ba?" Tanong nito.

Tumingin ako sakanya, "Wala naman." Sagot ko.

"Kung meron, sabihin mo Lang ha." Dagdag niya.

"E pano Kung meron? Pano kung ayaw ko magpakasal sayo?" Pangaasar ko.

"Sabihin mo Lang." Sagot niya.

"Tapos?" Tanong ko.

"Wala sabihin mo Lang, Wala ka namang magagawa e." Pangaasar niya din.

"Bwiset ka!" Asar talo Kong sagot saka siya hinampas sa Braso. Tawa Lang ang sagot niya.

"Gin?" Tanong ko.

"Hmm?" Panggagaya niya sakin sa naging sagot ko kanina.

"Anong Pwedeng gawin don sa Rest House na sinasabi mo?" Tanong ko. Baka kasi Boring diba.

"Honeymoo-- Aray! Liq, nagddrive ako-- Aray!" Reklamo nito.

"Puro ka Naman kabastusan!" Sigaw ko sakanya.

"Pinaaga ko ang kasal kaya dapat pati Honeymoon na rin-- Aray! Shit." Daing nito.

"Ayos kasi, Gin!" Reklamo ko.

"Kahit ano Pwedeng gawin don, ano ka ba." Sagot nito.

"E Malay mo kasi Boring dun diba?" Dagdag ko pa.

"Kelan ka pa naboring kasama ako?" Pagyayabang nito. 'Tsk' Lang ang sinagot ko at Tumingin na uli sa Bintana.

Maya maya pa, pumasok na kami sa isang Maliit na Villa, maraming puno bago makarating sa Maliit na Rest House. Old style ang designs nito gamit ang mga Kahoy na nilagyan langng Barnis.

"Gutom ka ba?" Tanong ni Gin. Umiling Lang ako dahil kumain Naman kami sa Kotse kanina.

"Isang Kwarto Lang meron?" Tanong ko sabay nang pagbukas ko sa Unang Pinto.

"Dalawa." Maikling sagot ni Gin. "Ows?" Panigurado ko. Tumango Naman siya.

Sa pinasukan namin, nandon ang Sala, Isang CR, isang Kusina at Kwarto. Sa Harap Ng Bahay ay mayroong maliit na lawa. Dinala ako ni Gin sa Isang Makipot na Silid, Inilapat niya ang Hinlalaki sa Isang Bagay.

Nagulat ako nang Bumukas ang sahig, Iniluwa nito ang isang Hagdan pababa. Underground. Sabay kaming bumaba ni Gin at tila naestatwa ako sa Nakita ko.

Bubungad sayo ang isang Malaking King Size Bed, sa Harap nito ang isang Malaking Salamin, kitang kita Mula dito ang ilalim Ng lawa, Asul na Asul ang tubig, Wala namang mga Isda pero sobrang Relaxing tingnan.

Ilang hakbang palikod sa Kama ay Isang Minibar, puno Ito Ng mga Matatandang Wine at Whiskey. Sa kabilang Bahagi nito ay Mga Baril.

May maiikling Baril at meron ding Mahahaba, may Katana rin, mga Bala at Daggers.

Arranged Married With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon