KABANATA 17

37.5K 969 16
                                    

KABANATA 17: SISTER

ILANG ARAW na rin ang lumipas simula nung nag away namin, nakaupo ako ngayon sa kama habang nagiimpake ng gamit niya, hindi pa ako nagbibihis ng corporate attire ko

Flight niya na mamaya papuntang amerika para magclose nang deal sa mga biganteng kliyente niya 'ron

Nasa sala siya kasama si Dylan siguro nagbobonding muna, hindi pa kasi namin nasasabing aalis siya pansamantala.

Nang matapos sa pag-iimpake lumabas ako sa kwarto namin at sinilip sila, itinali ko ang buhok kong nakalugay saka ako nagtungo sa sofa kung saan sila naglalaro.

I tap his shoulder, lumingon ito sa akin.

"Nasabi mo na ba?" I asked.

"Hindi pa, hinihintay kita."sabi niya.

"Baby?" Tawag ko kay Dylan nilingon ako nito saka ito ngumisi bago sumagot.

"Po mama?" He asked.

"Aalis si papa."panimula ko.

"Saan po siya pupunta, iiwan na naman po ba niya tayo?" He asked, naging malungkot ang mukha nito, nilingon ko si Grant at nakita ko din kung paano lumungkot ang mukha niya.

"Aalis lang ako saglit tas pag uwi ko maglalaro tayo nang magdamag okay?"Sabi niya.

Umupo ako sa gilid ni Dylan saka siya niyakap at hinaplos ang buhok.

"Don't be sad, uuwi naman si papa mo."pagpapagaan ko sa loob niya.

Naramdaman kong nanginig ang balikat nito sanhi na umiiyak na ito.

Hinagod ko ang likod niya saka ito pinatahan.

"Uuwi naman si papa baby, aantayin natin si papa okay? Tapos lilipat na tayo sa bagong bahay natin."Sabi ko.

"Ayoko pong umalis si papa, papa wag na po kayong umalis."umiiyak na sabi niya bago humikbi ng ilang ulit.

Lumapit sa amin si Grant saka niya kinuha sa bisig ko si Dylan at kinarga.

"You don't want me to leave? Hmm.. just tell me I'll cancel my flight."sabi niya.

Namilog ang mata ko, no kailangan niya yun!

"No you don't have too, ako na ang magpapaintindi sa anak ko-"

"I thought we already talked about this? Family comes first, kung ayaw niya sige magpapadala nalang ako ng representative para hindi na ito umiyak, He's my child Avi." sabi niya agad akong umiling.

"Talaga po?" Naging masigla ang boses ni Dylan at saka pinunasan ang luha sa pisnge.

"Dylan!"Puna ko.

"It's okay Avi."Sabi naman ni Grant.

I rolled my eyes, nagiging spoiled na ito simula nung magkita silang mag-ama.

"No kailangan ka nila doon, you don't need to do this, kaya ko naman siyang patahanin."sabi ko

Umiyak na naman si Dylan siguro akala niya nag-aaway kami dahil sa kanya.

"Mama,papa wag na po kayong mag-away, mama."Umiiyak na sabi niya saka ako nilingon nakapout pa ito habang umiiyak.

Agad na kinurot ng pinong-pino ang puso ko dahil sa nakita.

"Pagbigyan na muna natin, sinabi ko na sayong babawi ako hindi ba?"sabi niya mahigpit na yumakap sa kanya si Dylan.

Bumuntong hininga ako bago tumango, kung gusto niyang bumawi sige pagbibigyan ko siya.

Umalis na lamang ako sa pagkakaupo sa sofa saka nagtungo sa kwarto para magbihis, baka malate pa ako sa opisina.

Nakabihis naman na din nang scholl uniform si Dylan kaya okay lang na iwanan ko muna siya don.

BACK IN THE ARMS OF MY EX-HUSBAND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon