13

13.3K 491 27
                                    


"NAGTATAKSIL ka, Isabel?" galit na akusa ni Consuelo nang magkasarilinan silang dalawa sa silid niya. And Dana couldn't help but notice the hurt in the woman's voice despite the anger. "Sa isang ikakasal na tulad mo'y hindi mo na dapat pang pinakikitunguhan ang pang-aakit ni Leon sa iyo."

"H-hindi ko alam kung paano magpapaliwanag, Consuelo," nalilitong sabi niya. Tuluyang naglaho ang paniniwalang nananaginip lang siya.

"Anong paliwanag ang ibibigay mo?" nagdaramdam nitong sabi. "Tulad kagabi'y nakakulong ka sa mga bisig ng lalaking iyon. At tingnan mo ang ayos mo." Napaantada ito. "Hubad na kayong pareho at ano ang malay ko kung ano ang ginawa ninyong dalawa ni Leon?"She sighed. Gustong pagaanin ang pangyayari. "Kung ano ang inabutan mo'y iyon lang iyon, Consuelo."

Sandali siyang tinantiya ni Consuelo bago maluwag na huminga. "Kung ganoon ay mabuti na lang at hindi ako sumama kay Yaya Rosa sa mercado. At iyang suot mo, binili ba sa iyo ni Tiyo Jose iyan?"

"Kalimutan mo itong suot ko."

"Kalimutan?" Nanlaki ang mga mata nito. "Hindi kita naiintindihan, Isabel. At lalong hindi ko naiintindihan kung saan galing iyang mahalay mong suot. At hindi ko na matiyak kung inaakit ka ni Leon o ikaw ang umaakit sa kanya..."

"Hindi mo maiaalis sa aking maakit kay Leon, Consuelo. He's gorgeous..." tila nangangarap niyang sabi.

"G-gorgeous?" pag-ulit nito. "Kailan ka pa gumagamit ng ganyang uri ng salita?"

"And irresistible," patuloy niya at sinamahan iyon ng ngiti. Ikinatutuwang tuksuhin ang babae.

"O-oo nga. H-hindi ko tinatanggihan iyan," wika ni Consuelo na biglang gumitaw ang kalituhan sa mukha. "Gorgeous... irresistible. Yes. That aptly describes Leon." Pagkatapos ay muling pumormal. "Huwag kang mamangka sa dalawang ilog, Isabel. Tuwina'y sinusubok mo ang pag-ibig sa iyo ni Eman."

"H-hindi ko siya iniibig, Consuelo." Kung paano lumabas sa bibig niya iyon ay hindi niya alam. Ang pumasok sa isip ay si Charles noong nanliligaw pa ito sa kanya.

"Kahit na. Hindi ka maaaring tumalikod sa kasunduan. Hindi papayag si Tiyo Jose. Isang malaking kahihiyan ang ibibigay mo sa iyong papa at higit kay Eman sa sandaling tumanggi kang pakasal sa kanya!" tila nagpa-panic ang tinig nito.

Hindi siya kumibo. Eman. Ang Lolo Eman ba niya ang tinutukoy ni Consuelo? Of course! Ayon sa daddy niya ay hindi pa siya ipinapanganak nang mamatay si Emmanuel Ramirez. Na walang naging anak sina Donya Isabel at Don Emmanuel.

Sino si Leon Fortalejo? Ano ang papel ni Leon sa buhay ng Lola Isabel niya? Bakit tila naaakit siya sa lalaki? Ano ang kaugnayan nito kay Bernard Fortalejo, ang ama ng lalaking ipinagkasundo sa pinsang si Cielo?

Higit sa lahat, why was she in this time?

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon