Chapter 18

36.5K 1.3K 317
                                    

"Just wish some things
never happened."

WALA na akong ibang kayang lapitan kundi si Catherine. She's the only person who never judge me. Siya iyong kaisa isang kaibigan na handang makinig sa akin.

Hindi ko na kasi kayang sarilinin ang sakit. Ang sakit sakit.

I pressed the door bell.

Wala pang ilang saglit ay bumukas na iyon. Kumunot ang noo ko nang si Aries ang bumungad sa akin.

"Hey, Maleha. You're here."

I calmed myself. Parang anytime ay iiyak ako kapag may kumakausap sa akin. Ganoon ba kapag sobra sobra na ang sakit na nararamdaman na para kang nahahabag sa sarili mo?

"Si Catherine?"

"She's inside. Come."

Pumasok ako sa loob. Hinayaan ko nang si Aries ang magsara ng pinto.

"Maleha!" Sigaw ni Catherine. She's sitting at the couch while eating cake. She looked surprise.

Hindi ko naman kasi siya tinawagan na pupunta ako rito. Basta dito nalang ako dinala ng mga paa ko.

Sana lahat masaya lang.

Napansin kong pumunta si Aries sa may kitchen. Naroon si Lucio at may alak sa kitchen counter. Umiinom pala sila.

Mabilis na nakalapit sa akin si Catherine. Niyakap niya ako.

"Bakit hindi mo ako sinabihan na pupunta ka?  What happened to your eyes? Namamaga. Are you okay?!"

Wala na. Hindi ko na napigilang maiyak. Sa simpleng tanong na iyon, pakiramdam ko nakahanap ako ng kakampi.

Bakit ganoon? sa tuwing nasasaktan tayo, kapag may taong nagtanong sa arinnkung okay lanv ba tayo,kusa nalang taypng bukibigayvat naiiyaj. Na sa halip na makaramdam tayo ng cofrot ay lalo tayong nahahabag at naiiyak.

"Hala! Anong nangyari?"

Pinahid ko ang luha ko pero hindi iyon tumitigil sa pagtulo.

"I... I w-was raped, Cath." Hindi ko alam kung bakit iyon agad ang nasabi ko pero ang bigat kasi sa pakiramdam.

"Anong sabi mo?! Sino? Sinong nang-rape sa 'yo?!" Hysterical na tanong ni Catherine.

Hindi ko namalayang nakalapit na sa amin sina Aries at Lucio.

"Maleha, who the hell is the rapist? Putangina gago." Tanong ni Aries.

"Tell us. May paglalagyan 'yan." Simpleng sabi ni Lucio.

Lalo akong naiyak. May mga kakampi ako. May mga taong handa akong tulungan. May mga taong pinaparamdam sa akin na mahalaga ako.

Niyakap ako ni Catherine. "Sshhh... you can tell us later okay? Cry all you want. Mas makakabuti 'yon para mabawasan ang bigat ng nararamdaman mo."

"Putangina. Ang gago. Ang gago." Narinig kong sabi ni Aries.

Kumalas ako sa pagkakayakap ni Catherine.

"Please... please dito muna ako? Hindi ko na alam ang gagawin ko, Cath. Kung mag-isa lang ako sa unit ko, natatakot ako na baka anong magawa ko sa sarili ko. Nasasaktan ako... sobra."

"Maleha..."

Punong puno ng luha ang mukha ko and I don't care about it.

"J-Jero called me. Sabi niya... sabi niya gusto niya ng maayos na closure. Galing siyang hospital dahil sa ginawa niya kaya pumayag ako na sa condo niya nalang mag-usap. At first we were talking nicely. Nagdesisyon kaming pakawalan na ang isa't isa at hindi na niya ako guguluhin. He offered me juice. Ininom ko iyon and the next thing I knew, nasa kama na ako... hubad... katabi siya. He raped me. He... he raped me. Ginalaw niya ako nang wala akong malay. Binaboy niya ako..." Napahagulhol ako.

Casanova's Club #2: Unwritten RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon