Chapter Forty-Three: An Unlikely Team

4.3K 335 16
                                    

-chapter forty-three-
____________________

"I SURRENDER!" puno ng takot na sigaw nii Gaki habang nakatitig sa rogue na nasa harap niya. The tip of her dagger was on the skin of his neck.

"Give me your weapons." seryosong utos nito na nagpatindig sa balahibo niya.

Sunod-sunod siyang umiling. "I- I can't! A player can't give out his main weapon!"

Tumango ang babae at nagbuntong-hininga. Mabilis na nangamba si Gaki sa takot na galit na ang kaharap niya. Hindi niya naman kasalanan na hindi pwedeng mabigay ang main weapon! It's one of the rules here in the game! And this girl... this girl-!

He didn't even know where she came from. The walls just shifted and he was separated from Apocalypse, pagkatapos ay lumabas na lamang ang babae mula sa kung saan at tinutukan siya ng dagger!

Nagulat siya ng ngumisi ito. "I know. Just want to say something cool." tumayo na ito at kumain ng mansanas.

Oddcredibles' rogue is really the weirdest of the bunch!

"A-Anong gagawin natin ngayon?" kinakabahang tanong ni Gaki.

"I don't know 'bout you, pal. But I'm heading towards the questpoint." sagot nito at nagsimula nang maglakad.

"Wait! Wait!" humabol sa kaniya si Gaki. "Sinasabi ko na nga ba! Gusto niyong bawiin mula kay Apocalypse ang quest!"

Humarap si Feyre kay Gaki at masama na ang tingin nito. Gaki shivered at the burning glare the rogue has. Her cat eyes are really something, it feels like a call to death.

"Anong bawiin? Hoy, for your infomation, Lucky, ang quest na ito ay para sa lahat. Okay? Walang nakalagay doon na player requirement, kaya huwag kayong magfeeling diyan," sagot nito.

"Hindi mo ba kilala si Apocalypse? He's the god of the games!"

Feyre scoffed. "You're setting him in such a high pedestal without even trying to know his roots. That guy's a cheater! A manipulator and a schemer! Pfft. That guy's nothing."

Nagulat si Gaki sa mga salitang lumalabas sa bibig ng babae. Wala itong takot sa mata at mukha. Ni hindi man lang kinabahan dahil sa pinagsalitaan niya ng masama.

"How can you say that? You- You weren't there in his games! You didn't see him play!"

Feyre rolled her eyes. "I was there, dumb-o."

"Sandali! Anong ibig mong sabihin-ah!" napasigaw siya sa gulat nang lumipad papunta sa kaniya ang kutsilyo ng babae. The chains grazed the sides of his cheek. "What the fuck?! Are you crazy?!"

"For someone who upholds that corny bastard, you're weak." sabi nito at binawi ang dagger. There was a splashing sound behind him and blood on the blade. "At puro ka sigaw, ang ingay mo. Lalaki ka ba talaga?"

Napalingon si Gaki. Patay na ang halimaw na nasa likuran niya. It's large head has a hole on the center. Napakuha siya ng malalim na hininga.

"Bakit babae lang ba may karapatang sumigaw?"

Napangisi ang babae. "Good point. But please, shut up, na-a-attract ang monsters sa ingay mo. Next time I'll let them gobble you up whole."

"Ha! Bakit, sino ba may sabing kakailanganin ko ng tulong mo?!" singhal niya.

"Paano ka ba nakayang samahan ng feelingerong abo na 'yon." mahinang sambit ni Feyre.

She sighed and continued walking. That wall-shifting made her lose Apocalypse and instead become this dumb leader's companion. Ang leader ng isang guild na nakalaban nila pero sunod ng sunod ngayon sa kaniya. Hindi niya na nga alam kung nasaan si Solace, ang pesteng soro, at ngayon may aso pang sumusunod sa kaniya.

Welcome, PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon