EULIII24

482 31 15
                                    

-

"Safe ka sakin... mahal ko..."

-

Third Person's POV

Saglit niya pang pinagmasdan si Eul na mahimbing paring natutulog. Dahan-dahan siyang naglakad at umupo sa kama upang pagmasdan ang maamong mukha ni Eul.

At tuluyan siyang napako sa mapulang labi nito na mabilis siyang hinatak sa nakaraan.

Kinakabahang minaneho niya ang lumang itim na kotse. Mabilis ang tibok ng kaniyang puso na tila rumaragasa. Nanginginig din ang kaniyang mga kamay na mahigpit ang pagkakakapit sa manibela.

Huminga siya nang malalim at saglit na pumikit. "Kaya mo 'to... para kay Eul..." paalala pa sa sarili. Nang makita sa kaniyang alala si Eul ay mabilis siyang ginanahan. Hindi man nawala ang kaba, kinakaya niya nang kontrolin ito.

Nang makarating sa abandonadong gusali ay mabilis niyang pinarada ang sariling sasakyan sa loob. Lakad-takbong tumungo sa likurang bahagi nito at tinanggal ang takip sa kung anong tinatakpan sa isang gilid.

Napangiti pa siya sa bumungad sa kaniya. Ang maangas at mamahaling motor na matagal niyang pinagipunan. Sa wakas ay magagamit niya na para sa matagal nang inaasam na pagkakataon.

Ilang sandali, nang tuluyang makalabas sa gate ng nasabing gusali ay kinandado niya ito. Napatingin pa siya sa kaniyang kaliwa't kanan kung may nakakita sa kaniya. Nang masigurong wala ay mabilis niyang hinarurot ang motor sa kung saan.

"Ito na... hindi na ako makapaghintay... Eul..." sabi niya pa sa sarili habang tinatahak ang malawak na kalsada. Pagkuway na ngumiti pa siya at sumigaw sa nararamdaman. "Woooh!"

Ilang minutong pagharurot ang nakalipas ay nakarating na rin siya sa bakanteng lote, dalawampung minuto ang layo sa mansion ni Eul. Doon, pinarada niya ang kaniyang motor at kinuha ang maliit na supot mula sa compartment nito. Sinuot ang bodyguard suit nitong laman at tuluyang tinabunan ang sasakyan gamit ng mga lumang trapal.

Kinuha ang telepono at tumawag sa nagiisang nakarehistrong numero dito. "Alam ko kung sino ang pumatay sa mga magulang mo..." bungad niya pagkasagot sa kaniyang tawag.

"Who's this?" Bakas pa ang taka sa boses na sagot nito.

"Kitain mo 'ko ngayon sa ise-send ko sa'yong address..." huling sabi nalang niya at mabilis na pinatay ang tawag.

Matapos noon ay binagsak niya ang telepono at inapak-apakan upang tuluyang masira. Dinampot niya pa ito para yupiin at nang masigurong nasira na ay tinapon niya ito sa basurahan.

Suot ang mamahaling suit at maangas na salamin, lakad-takbo niyang tinahak ang daan patungo sa mansion. Wala siyang sinayang na sandali dahil bawat minutong pumapatak ay mahalaga.

Nang makarating sa bukana ng mansion ay nakita niya pa ang chopper na nakaparada sa bakuran nito. Kumilos nang normal at dahan-dahang sinubukan kung mabubuksan ang pintuan ng sasakyan na nasa pinakaharapan. Napangiti pa siya nang mabuksan ito.

Napansin ng isang bodyguard ang ginawa niya kaya't mabilis siyang umaksyon para hindi siya paghinalaan nito. Inayos ang sariling buhok sa bintana ng sasakyan at ngumiti-ngiti dito upang umastang normal.

Hindi na siya nilapitan pa noon nang maisip na ito'y nagaayos lamang. Malakas ang tibok nang pusong tinignan niya ang paligid kung may nakatingin ngunit tila pumapabor sa kaniya ang tadhana. Biglang umandar ang chopper na nagbigay sa kaniya ng pagkakataon na tuluyang makapasok sa sasakyan habang walang nakakakita o nakakarinig.

Nang tuluyang maisara ang pinto ay sinuot niya ang kaniyang maskarang gawa sa itim na bonet at masugid na naghintay habang nagtatago sa ibabang bahagi ng kotse.

Matapos ang halos sampung minutong katahimikan ay tuluyan nang nakapasok ang hinihintay sa sasakyan at mabilis itong minaneho patungo sa kung saan.

Dama niya pa ang kaba mula kay Eul at ang marahang pagsuntok nito sa sariling manibela. Nang masiguradong walang nakasunod sa kanila, walang habas siyang umayos ng pagkakaupo. Gumawa iyon ng ingay na kinalingon ni Eul.

Who are you?!" Sigaw niya pa sabay dahan-dahang hininto ang sasakyan.

Hindi pa siya tuluyang nakakahinto nang takpan ni Itchan ang kaniyang ilong at bibig na ilang saglit lang ay nagpawala sa kaniyang malay.

"Sakin ka na ngayon... Eul... at wala nang makakaagaw sayo mula sakin..." litanya pa ni Itchan nang maihiga si Eul.

-

"'Yan... diyan ka muna mahal ko..." sabi pa ni Itchan nang tuluyang maihiga si Eul sa kama nito. Humalik pa siya sa labi nito bago umalis. Bumaba sa hagdan at siniguradong sarado ang makapal na bakal na pinto.

Mabilis niyang tinahak ang daan pababa ng gusali habang pagkuway na tinitignan ang oras sa kaniyang relo. Hindi siya pwedeng mahuli.

Ang katawang nakalagay kanina sa compartment ng kaniyang lumang sasakyan ay inilipat niya sa engrandeng kotse ni Eul. Sinuotan ng maitim na sunglass, itim na cap at face mask sabay hinarurot muli ang sasakyan patungo sa huli nitong hantungan.

"I'm sorry... you've done your part..." sabi pa niya at marahang inihilig sa upuan.

"Hindi naman tayo aabot sa ganito, kung hindi mo ako pinilit eh..." dagdag niya habang minamaneho ang sasakyan.

"Maybe... hanggang dito ka lang talaga..." at saglit na tumingin sa rear-view mirror upang pagmasdan ang nasa likod.

Nang makarating sa paliparan ay handa na ang pribadong eroplano na ngayon ay naghihintay nalang sa pagdating ni Eul. Kinuha pa ni Itchan ang kwadradong kahon bago lumabas sa nasabing sasakyan.

Dahan-dahang binuksan ang back seat upang buhatin ang taong lulan noon palabas. Sumunod pa sa kaniya ang mga crew nito at takang nagtanong.

"What happened?" Tanong ng isang babae.

"Ah... pagod lang si Mr. Espinosa... syempre, alam niyo na..." sagot lang ni Itchan sabay tumitig sa mga babae na tila'y nagpapaliwanag. Naintindihan naman ito ng dalawa at tinulungan na si Itchan papasok sa eroplano.

"Ah miss, regalo ito ni Mr. Espinosa kay Mr. Pangilinan." Sabay abot ng kahon sa isang crew. "Tapos ito yung mga gamit niya..." at bigay naman ng bag ni Eul.

"Mr. Ong? Hindi ka ba sasama?" Tanong naman ng isa pa.

"Ah... hindi na..." sabay kamot sa kaniyang ulo. "May mas mahalang pinapagawa sa akin si Mr. Espinosa..." dagdag pa niya.

Huminga pa siya nang malalim bago nagsalita. "Please, ingatan niyo siya..." at huling tumingin sa bulto ng taong ngayon ay nakasandal nang maayos sa upuan.

"Uhhh..." mahinang ungol ni Eul na nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan. Mabilis siyang humiga paharap dito at marahang hinimas ang malambot nitong buhok.

"Shhh... shhh..." sabay halik sa labi nito. Nakita niya pa ang takot sa mga mata ni Eul na nakatitig sa kaniya.

"Alam ko natuto ka na sa pagkakamali mo..." dagdag niya pa sabay muling bumulong kay Eul.

"Safe ka sakin... mahal ko..."

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon