EULIII26

501 30 12
                                    

-

"Eul Espinosa... kung nasaan ka man, nawa'y mabulok ka sa impyerno at pagdusahan mo ang ginawa mo sa asawa ko!"

-

Third Person's POV

"Pano mo naman nasabi?" Sa wakas ay nakapagsalita na si Sheena. Ilang oras nang tahimik at gulong-gulo ito. Isama pa ang kabang nadarama dahil sa nanganganib na trabaho.

"After the group's anniversary celebration, right after you left... Kean is searching for his new Chief-of-Staff." Paliwanag ni Skyrus habang nakatuon ang buong presensya sa daan.

"What the hell?! Siya pa mismo nagsabi sakin na mag-take ng leave..." sabay tango-tango ni Sheena nang mapagtanto ang mga kaganapan. Tumingin pa siya sa daang mabilis na tinatahak.

Palubog na ang araw at ilang sandali nalang ay babalutin na ito ng dilim. Nabalot ang buong sasakyan ng katahimikan. Napalingon pa si Skyrus kay Sheena na halata parin ang kaba sa kaniyang buong mukha.

"Sheena... don't worry... hangga't nandito pa ako, hangga't missing person pa si Eul, walang makakagalaw sa'yo..." pagalo ni Skyrus sa kaibigan at nginitian ito.

Mapait na ngumiti si Sheena ta muling nagtanong. "Paano naman si Mr. Ong?"

"Katulad din ng sa'yo... pero sabi ko nga... ako ang bahala sa inyo..." at muling ngumiti bago muling ituon ang atensyon sa minamaneho.

-

"Ikatlong linggo na ng campaign period kapansin-pansin parin ang hindi paggalaw ng bilang ng dalawang pinakamalalakas na partido sa bansa."

"Sa una hanggang ikatlong weekly poll, nangunguna parin ang APM na sinundan naman ng LPB."

"Ayon sa mga espesyalista tulad ni Professor Jean Lakuna ng University of the Philippines College of Law---APM Party's domination will have a great impact to the politics... the positions will greatly turn over---dagdag pa niya sa halos dalawang dekadang namayagpag ang LPB, sa wakas ay mabibigyan na ng magandang laban ang eleksyon."

"Ayon naman kay House Speaker Benedict Santos na chairperson ng nangungunang partido---yes... we're looking into it... ito na ang totoong pagbabago."

"Ngunit sa kaibang panayam sa pinuno ng LPB Party na si Senator Juris Mercado---all the polls were just part of a progpaganda... this will not conclude their faith... naniniwala parin ako na ang totoong laban ay sa eleksyon---halos limang linggo na lamang ang gugugulin ng mga kandidato upang makuha ang puso ng mga mamamayan---"

-

Kinabukasan, maaga palang ay bumungad na si Sheena sa mansion upang tumayo sa kaniyang pwesto bilang Chief-of-Staff ng ME Group.

Naabutan niya pa si Mr. Ong na kararating lang din at tila'y alam na rin ang mapait na kapalaran nilang dalawa sa oras na maupo sa pwesto ang mga Pangilinan.

Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto ng kwarto ni Kean at ni Eul. Lumabas dito si Kean na bihis na bihis at nagmamadali. Nang makababa ng hagdan ay nagulat pa siya sa presensya ng dalawa sa kaniyang harapan.

"Akala ko on-leave kayo?" Takang tanong nito.

"Tapos na... we're back into work..." sagot nalang ni Sheena at tumuloy na ito sa paglakad. Sinundan naman siya ng dalawa hanggang makapasok ng sasakyan.

"You'll be meeting with the House Speaker today---"

-

"Mr. Espinosa!" Pagkuway na tawag ni Paulo sa kaniyang amo ngunit hindi siya narinig nito, bagkus ay tinuloy parin ang paglangoy paroo't parito sa kaniyang swimming pool.

Umiling pa si Paulo at naglakad patungo sa kaniyang amo upang pukawin ang atensyon nito.

"Mr. Espinosa!" Muling tawag niya dito. Nasa kalagitnaan ito ng pool kaya't nang marinig ay tumigil ito at tumingin kay Paulo.

"What?!" Sigaw niya pabalik sa tauhan.

"Senator Mercado is here..." sabi pa nito. Si Miles ay lumangoy patungo sa kabilang dulo ng pool para dumantay doon.

Kinuha niya ang alak at kumagat ng prutas bago nagsalita. "Tell her to come here..." at tumalima naman si Paulo.

Rinig ang solidong tunog ng takong ng senador palapit kay Miles. Tumitig pa si Miles sa senador at pinanliitan ito ng mata mula ulo hanggang paa.

"For the third time... you failed me..." mariing sita ni Miles sabay binaba ang kaniyang alak at umahon sa pool.

Walang saplot o kahit na anong magtatakip sa kaniyang kargada. Nanlaki pa ang mata ng senador sa nasasaksihan.

"Mr. Espinosa---" sasagot na sana ito ngunit pinatigil ni Miles.

"Shhh..." sabay senyas gamit ang kaniyang hintuturo sa sariling bibig. "Tsk... tsk... tsk..." at umikot sa senador.

"I told you... ibibigay ko lahat... wag mo lang ako biguin..." at huminto sa likod ng senador upang hawiin ang buhok nito.

Dahan-dahan siyang lumapit sa batok nito at umihip. "Ayoko ng natatalo..." sambit niya matapos ang pagihip. Naramdaman pa ito ng senador na marahang nagpanginig sa kaniya.

"Yes... Mr. Espinosa... I assure you, LPB will be winning this elections..." huling sabi ng senador bago muling bumulong si Miles sa taenga nito.

"Siguraduhin mo lang... kasi sumugal ka na sa demonyo..."

-

Pasikat na ang araw nang magpasya ang magkakaibigang simulan na ang paghahanap kay Eul.

Sa pangunguna ni Spiro ay mabilis nilang tinahak ang daan patungong yate nito. Ilang metro na lamang ang layo nang may mamataan silang pamilyar na bulto ng taong nakasampa na sa yate.

Tinitigan iyon ni Spiro at tinanguan. "May dala na rin akong oxygen tanks dito..." sabi pa nito at kinamayan si Spiro.

"Salamat Skyrus..." sabay mahigpit siyang niyakap ni Spiro. Nakita ito ng iba pang mga kaibigan at napangiti nalang dahil sa nasasaksihan.

"Ang dami mo nang nagawa para sakin at kay Eul... hindi pa ako nakakabawi..." sabi pa ni Spiro at humiwalay sa yakap.

"Di mo na kailangan... alam kong masaya din si Eul sa ginawa ko para sa inyo... at naniniwala akong, isa ka sa mapagkakatiwalaan ko..." sabi pa ni Skyrus sabay umakbay kay Spiro. Tumitig sa matayog na dagat at muling bumulong.

"Tulad mo, naniniwala akong buhay pa si Eul..."

-

"Kapapasok lamang na balita, ang asawa ng namayapang si Senate President Ruffo Gatchalian na si Jasmine Gatchalian ay naglabas ng kaniyang hinaing sa makupad at hindi busising imbestigasyon sa likod ng pagkamatay ng kaniyang asawa."

"Ilang minuto lamang ang nakakaraan, nag-post ng live video ang nasabing asawa ng senador kung saan nagbitaw siya ng mga pangalan na sinisisi niya sa pagkamatay ng kaniyang asawa."

"Tunghayan natin ang kaniyang hinaing---ito ay para makita ng buong Pilipinas kung paano manipulahin ng mga buwayang kapitalista ang ating bansa---"

"Hindi po ako naniniwalang suicide ang ginawa ng aking asawang si Senate President Ruffo Gatchalian."

"Para po kay General Menardo Guevarra, ang kawalang aksyon at hindi patas na imbestigasyon sa iyong pamumuno ay sisiguraduhin kong ikabubulok mo sa kulungan. This is foul play! Wala kayong awa sa asawa ko!"

"Naniniwala po akong may kinalaman ang ME Group of Companies partikular na ang mayari nitong kasalukuyang nawawalang si Eul Espinosa."

"Eul Espinosa... kung nasaan ka man, nawa'y mabulok ka sa impyerno at pagdusahan mo ang ginawa mo sa asawa ko!"

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon