EULIII27

469 29 9
                                    

-

Pagsisisihan mo 'to Itchan! wala kang kasing baboy! Demonyo!

-

Third Person's POV

"Cassey!" Bungad ni Sheena pagkasagot ni Cassey sa kaniyang tawag.

Humikab pa ito at nagunat bago magsalita. "Girl! Kumusta!"

"Manood kayo ng---" nawala ang atensyon ni Cassey sa sinasabi ng kaibigan nang makitang kaaahon lang ng limang kalalakihan. Tumayo pa ito at tinulungan ang nobyong maghubad.

Sinundan pa ito nina Spiro, Skyrus, Jigs at Kevin na ngayon ay basang-basa.

"Girl... saglit lang..." sabay bigay ng tuwalya sa mga kaibigang lalaki at muling bumaling kay Sheena.

"Yes... pakiulit..." at nakinig na ng masinsinan sa kaibigan.

"Sabi ko... manood kayo ng balita. Now..." sabay patay ng tawag. Nagtaka pa si Cassey sa sinaad ng kaibigan.

"Ano daw?" Tanong ng nobyong si Kit.

"Ewan... manood daw ng balita..." di siguradong sagot ni Cassey.

"'Yan nanaman... Spi, may TV ba 'tong yate mo?" Mabilis na tanong ni Kit kay Spiro na ngayon ay nagpupunas ng buhok.

"Wala ata... walang signal dito eh..." sagot lang ni Spiro at muling binaling ang atensyon sa pagpupunas sa sarili.

"Sir... may radyo ka po ba?" Tanong naman ni Kit sa kapitan ng yate at mabilis itong kumilos upang halungkatin ang sariling kagamitan.

Nang makuha ang radyo ay inayos pa nito ang antena at nilakasan ang volume.

"---Matapos ilabas ni Jasmine Gatchalian ang kaniyang live video ay umani ito ng sangkatutak na reaksyon sa mga netizens. Ang iba pa ay sumuporta sa kaniya ngunit ang iba nama'y sinasabing gumagawa lamang siya ng ingay para linisin ang pangalan ng LPB Party dahil sa pabagsak nitong imahe sa mga tao." Sa mahabang simula ng balita ay napukaw na nito ang kanilang pandinig.

"Malinaw na pamomomolitika lamang ito ng mga Gatchalian lalo na't ang LPB ay nakikita nilang pabagsak na---ani ni House Speaker Benedict Santos---dagdag pa niya ang mga ebidensyang nakalap sa pagkamatay ng namayapang senador ay sapat na upang mapatunayan ang motibo nito."

"Nagsalita naman si Philippine National Police Chief Menardo Guevarra sa paratang sa kaniya ni Gatchalian---the investigation has nothing to do with this campaign period... wala kaming nilabag na batas at naging patas kami sa lahat... nilatag namin lahat ng ebidensya sa harapan mo---at iginiit na aksyon lamang ito ng nasabing partido upang linisin ang pangalan nito."

"Samantala, ang pagkadawit ng nawawalang si ME Group Chairman Eul Justine Epinosa sa viral video ay nakapukaw sa atensyon ng mas maraming personalidad---ito ay kasunod ng kaniyang paratang sa negosyante---Naniniwala po akong may kinalaman ang ME Group of Companies partikular na ang mayari nitong kasalukuyang nawawalang si Eul Espinosa."

Nagigting at kumuyom ang mga kamao ni Spiro at hindi napigilang mamayani ang galit sa balitang narinig.

"Anong katangahan 'yan?! Bakit nadadawit pa si Eul?!" Bulyaw ni Spiro sabay sipa sa kung saan. Napatigil pa ang iba dahil narin sa gulat.

"Bro... kalma... 'di pa natin alam ang buong istorya..." pagpapakalma ni Kevin sa kaibigan.

Si Skyrus naman ay napangiti't umiling nalang at kinuha ang telepono. Pinindot iyon at tinapat sa kaniyang taenga.

"Yes... this is Skyrus Yokohama..." rinig ng lahat na sambit ni Skyrus. Ilang saglit lang ay napako ang lahat sa sunod nitong winika.

"Release to the press all the information we have regarding ME Group's withdrawal to LPB Party... at ibulgar niyo ang koneksyon ng mga Gatchalian sa Vista Mining Company..."

-

Kasalukuyan siyang nakatitig sa namumulang bakas sa kaniyang pulso galing sa mahigpit na pagkakatali nito sa kadena. Saglit niya pang ginala ang kaniyang mga mata sa nakaaawa niyang katawan.

Mula dibdib pababa sa paa ay napuno iyon ng mahahabang pasa, sugat at latay mula sa pagkakalatigo sa kaniya ni Itchan dalawang araw na ang nakararaan.

Huminga siya nang malalim at ngumiti nang pilit. Tinago ang pandidiri at pagkayamot sa kaniyang kaibuturan.

"Mahal... san mo gustong kumain? Diyan o dito?" Masayang tanong ni Itchan kay Eul. Pinapipili siya nito kung kakain sa kama o sa lamesa.

"Mahal... diyan nalang... help me..." sagot nalang ni Eul at mas malawak na nginit ang binitawan ni Itchan bago tumungo kay Eul. Pansin ni Eul na kada gigising at bago makatulog nakakaramdam siya ng paghihina, ito ay matapos makaamoy ng kung anong matamis sa paligid.

Nang mahawakan siya ni Itchan ay kumapit siya dito nang mahigpit sa abot ng kaniyang makakaya. Iginala niya pa ang kaniyang paningin sa likod ni Itchan upang magmasid.

"Mahal... 'yan... dahan-dahan lang..." malambing pang na wika ni Itchan at inalalayan si Eul na makaupo sa upuan.

"Thankyou, mahal ko..." sabi pa ni Eul at hindi inaasahang hinalikan siya ni Itchan. Nandiri man ay hindi niya na ito pinakita, bagkus ay ngumiti at pasimpleng ginala nalang ang paningin.

Parehas silang hubad at walang makita si Eul na puwedeng gamitin para makatakas. Lalo na't mahina pa siya ngayon.

"Mahal... kain ka na... masarap 'yan..." mahina at puno ng lambing na sinambit ni Itchan at nilatag kay Eul ang platong puno ng pagkain. "Gusto mo subuan kita, mahal ko?" Tanong pa muli nito.

Bahagyang tumawa nalang si Eul bago nagsalita. "Ah... mahal, wag na... ako na susubo sa sarili ko... salamat..." malambing namang ganti niya dito. Hindi na ito muling nagsalita bagkus ay pinanood nalang ang huli na kumain.

Dahan-dahan at puno ng pagiingat niyang hinawakan ang kutsara't tinidor. Nanginginig pa siya at namamanhid ngunit binaliwala niya iyon sa kagustuhang tulungan ang sarili.

Pinanood lamang siya ni Itchan at napansin nitong nahihirapan pa si Eul kaya't muling nag-alok.

"Mahal... nahihirapan ka lang eh... ako na..." sabi pa nito sabay agaw sa kaniya ng mga kubyertos.

"Mahal... gusto ko sana ako nalang magsubo sa sarili ko... kaso di ko alam kung bakit nanghihina ako eh..." sagot na may himig ng paawa ni Eul. Ngumiti lang si Itchan at kumuha ng makakain ni Eul.

"Ah... sige mahal ko, for the mean time, ako na muna susubo sa'yo..." sabay alok ng pagkain kay Eul. Dahan-dahan pang inuwang ni Eul ang kaniyang bunganga upang paunlakan ang sinusubo ni Itchan.

Habang ngumunguya siya at ang atensyon naman ni Itchan ay nasa pagkain, kinuha ni Eul ang pagkakataon para muling igala ang pangingin.

Pasimpleng napataas pa ang kaniyang kilay sa nakita.

"Eto pa mahal..." sabay muling subo ni Itchan. Tinanggap muli iyon ni Eul sukbit ang matinding litanya sa kaniyang isipan habang nakatitig kay Itchan.

Pagsisisihan mo 'to Itchan! wala kang kasing baboy! Demonyo!

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon