EULIII28

488 27 8
                                    

-

"Nakita na namin yung private jet ni Eul..."

-

Third Person's POV

"Matapos ang kontrobersyal na live video ni Jasmine Gatchalian na asawa ng namayapang si Senate President Ruffo Gatchalian, kani-kaniyang buwelta ang mga taong nadawit sa kaniyang mapangahas na litanya."

"Hindi man makapagsalita ang nawawalang negosyanteng si Eul Espinosa, naglabas naman ng statement ang ME Group Foundation upang pasaringan ang pamilya Gatchalian."

"Nagsagawa ng press conference ang nasabing kompanya sa pangunguna ni Atty. Calixtro Mendoza, ME Legal Department Chief. Tunghayan natin ang sagot nila sa mga paratang ni Mrs. Gatchalian."

"These were the papers and contracts signed by LPB Chairman Ruffo Gatchalian and ME Group's late chairman William Espinosa for the past five years. As you can see, two weeks before the death of Mr. Espinosa, he withdrew the funding of ME Group Foundation to LPB Party---"

"Five years ago, ME Group Foundation transferred a 10 billion peso fund to LPB Party... before the withdrawal, Mr. Espinosa found out that the funding never came to LPB's fund but in his own pocket."

"We're waiting for the statement of LPB... all of the members of LPB know that... there is a roughly 10 billion peso missing fund. It is one of the reasons why many of its strongest candidates withdrew from LPB."

"Now... para sa'yo Mrs. Gatchalian, we are to announce the ownership of Gatchalian family to Vista Mining Company... sa ngayon wala pa kaming matibay na ebidensya kung saan niyo nalikom ang pondo para makapagtayo ng mining company pero..."

"Pero... naitayo ang Vista Mining Company five years ago... coincidence lang ba 'yon? Matapos kamkamin ang sampung bilyong piso ay nakapagpatayo rin ng mining company? This is a message from the ME Group directly to you... Mrs. Gatchalian... nagkamali ka ng kinalaban mo..."

-

Nakahiga sa kama, nakasandal ang ulo ni Eul sa braso ni Itchan habang ito nama'y nakayakap sa kaniya.

Ilang bese pang lumunok ng laway si Eul bago lakas loob na nagsalita.

"Mahal... gaano na ako katagal na nandito?" Tanong ni Eul habang nakatitig sa kisame. Nilalaro niya pa ang dibdib ni Itchan na pansin niyang nakakapagpakalma dito.

Saglit siyang tinignan ni Itchan bago sumagot. "Hmmm... siguro almost a month na mahal ko... bakit?" Tanong pa nito pabalik.

"Wala lang... kasi parang nabo-bored na ako dito eh..." sa narinig ay tumitig si Itchan kay Eul.

"Bored ka ba sakin?" Takang tanong pa nito.

"Hindi mahal... ang ibig kong sabihin, baka kasi kaya ako nanghihina kasi di ako nasisinagan ng araw..." paliwanag ni Eul. Pinanliitan siya ng mga mata ni Itchan. Bago pa ito magsalita ay hinalikan na siya ni Eul.

"Mahal... nakakarami ka na sakin ng halik ah... siguro naaadik ka na sakin?" Pagkuway na kantiyaw ni Itchan kay Eul. Bahagya lang itong tumawa at kinurot ang pisngi ni Itchan.

"Inaantok na ako mahal..." sabi nalang ni Eul at marahang pumikit.

Nasusuka. Nandidiri. Kakaibang pakiramdam na tila'y hinihila na siya palayo kay Itchan ngunit pinipigilan niya nalang.

Kailangan niyang lumaban para sa buhay niya. Kailangan niyang gamitin ang pagkakataon na binibigay sa kaniya ng tadhana.

Kailangan niyang umarte pa at bigyan ang sarili ng sapat na oras para magpalakas at pagaralan ang hakbang na gagawin, kahit na ibig sabihin pa nito ay magpaka-puta siya sa taong patuloy siyang binababoy.

-

Isang linggong masusing paghahanap nina Spiro, Skyrus, Kevin, Kit, Jigs at Cassey sa nawawalang kaibigang si Eul ang nakalilipas ngunit wala parin silang natatagpuang bakas nito.

Tanghali na nang makaahon ang mga kalalakihan na sinalubong naman ni Cassey at mga niluto nitong pagkain. Kada ahon ng mga kaibigan ay nagugutom ito kaya't binubusog naman ito ni Cassey ng kaniyang masasarap na luto.

"Ang sarap talaga..." paglambing pa ni Kit sa nobya habang ninanamnam ang kinakain. Saglit pa siyang napatitig nang mapansing ang kaninang tirik na tirik na araw ay unti-unting natatabunan ng makakapal na ulap at sinundan naman ng malamig na simoy ng hangin.

"Mukhang babagyo pa ah..." saad naman ni Kit na pumukaw sa atensyon ng magkakaibigan.

"Ang dilim agad ah..." pagkuway na sabi naman ni Jigs at muling bumaling sa pagkain.

"Ilang tangke nalang ba meron tayo?" Pagkuway na tanong ni Skyrus.

"Dalawa nalang men... huling sisid na natin ngayon eh..." sagot naman ni Kevin.

Nang mapansin ang mabilis na pagbago ng panahon ay tumayo si Spiro at muling sinuot ang proper gears at kumuha ng panibagong oxygen tank.

"Kain ka muna men..." sabi pa ni Kevin ngunit di na siya pinansin ni Spiro bagkus ay tinapos ang pagkabit ng mga ito sa kaniyang katawan.

Huminga pa ito ng malalim at bahagyang nag-unat bago biglaang tumalon sa dagat na kinagulat ng magkakaibigan.

"Fuck! Napakakulit talaga!" Sigaw pa ni Kevin. Magsusuot na sana siya ng sariling gear nang walang ano-ano'y sumunod na rin ang hindi nila napansing si Skyrus.

Nagsitayuan pa ang lahat at dumungaw sa dagat upang tignan ang dalawa. Mabilis pang tumayo si Kevin upang suriin ang iba pang tangke ngunit nabigong makakita ng puwede pang magamit.

Nang tuluyang makasisid ay bumungad sa kaniya ang mas lumakas na alon. Natanaw niya pa si Spiro sa di kalayuan na mabilis pinapagaspas ang mga paa pailalim.

Sinundan niya pa si Spiro na tumigil sa kung saan. Sa kabilang banda, nanatiling nakatitig si Spiro sa malaking bulto at minasid ito.

Ilang minuto pa itong tinitigan ni Spiro at inanalisa ang kakaibang bulto sa kaniyang paningin. Padilim na nang padilim at unti-unti na itong nawawala sa kaniyang paningin.

Napukaw ang kaniyang atensyon ni Skyrus na sinundan pala siya. Tumuro pa ito sa kung saan at lumangoy palayo ngunit hindi niya sinundan. Nang mapansing nanatili si Spiro sa pwesto ay bumalik si Skyrus upang siya'y hilain ngunit hindi ito nagpahila.

Sumenyas siya kay Skyrus at tinuro ang kanina pang tinititigan. Magkasama nilang nilangoy ang padilim nang parte ng dagat. Kinapa ang makapal na bulto nito at nakaramdam ng kakaiba.

Sa pagkadismaya ni Spiro ay sinuntok niya iyon na nakagawa ng kakaibang tunog. Nagtitigan pa sila ni Skyrus at nagmadaling umahon paitaas.

Sa paglangoy pataas ay mas lalo silang nahirapan. Dama na nila ang mabilis na alon na tinatangay sila. Mas madilim na ang kalangitan at unti-unti nang nauubos ang laman ng kanilang oxygen tank.

Parehas na nilalabanan ang malakas na alon at wala nang laman na oxygen tank.

Mabilis na pumatak ang masasaganang ulan at malalakas na hangin. Ang mga alon ay mas lumalaki na rin na dumadagdag sa kaba ng magkakaibigan.

Halos isang oras na silang naghihintay sa dalawa na umakyat at hindi nila mapigilan ang takot na may mangyaring masama dito.

Makapigil hingang mga sandali pa ang lumipas at magkasunod na umahon ang dalawa. Hingal at kinakabahang nilangoy nila ang daan palapit sa yate.

Nang makalapit ay di na nagsayang ng oras ang mga kalalakihan at hinila sina Spiro at Skyrus paakyat sa yate.

Umuubong napaluhod ang dalawa sa gitna ng malalakas na buhos ng ulan at kadiliman ng paligid.

Pabagsak silang napaupo at wala sa wisyong nagsalita si Spiro habang nakatitig sa kawalan.

"Nakita na namin yung private jet ni Eul..."

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon