EULIII29

541 32 19
                                    

-

"---I repeat, the search and rescue operation has been ceased... Eul Justine Espinosa's body has been found."

-

Third Person's POV

"Dalawang linggo matapos tumigil ang PCG sa search and rescue operation upang mahanap ang nawawalang pribadong eroplanong lulan ang negosyanteng si Eul Justine Espinosa kasama ang tatlo pang personalidad, ay tuluyan na itong nakita."

"With the rigorous help of Mr. Spiro Villafuerte and his friends, the private jet of ME Group used by Mr. Eul Justine Espinosa has been found---wika ni General Rodulfo Villanueva, admiral ng
Philippine Coast Guard."

"Dagdag pa niya, magiging masusi at matrabaho ang sunod na hakbang ng PCG upang maiangat mula sa pagkakalubog ang nasabing eroplano---mahirap pero hindi imposibleng maiangat natin ang aircraft... given the fact narin na maliit lang ito at walang humaharang sa kaniya..."

"Also, we're not really hoping na may makita tayong buhay ano... based from our initial investigation, the aircraft has been under tremendous fire even before it soaked in the sea..."

-

"---the aircraft has been under tremendous fire even before it soaked in the sea..." malapad na ngiti ang kaniyang pinakawalan matapos marinig ang balitang nagpasaya sa kaniya.

"You are done! Eul, you are finally done..." sabay mahinang palakpak ni Miles at masayang tumitig sa kawalan habang ninanamnam ang tagumpay.

"Now, ME Group will kneel before me..."

-

"---the private jet of ME Group used by Mr. Eul Justine Espinosa has been found---" sa narinig ay nawala na ang pangamba at mabilis na rumehistro sa kaniya ang tagumpay.

"Eul... it is now our fight... you've done yours..." bulong niya pa sa kawalan at umuwang sa bahagyang kulubot nitong mukha ang ngiting walang katumbas.

-

"Also, we're not really hoping na may makita tayong buhay ano... based from our initial investigation---" nagtagis ang kaniyang magkabilang bagang at mabilis na rumehistro sa kaniyang mga mata ang makapal na luha.

Ang kaniyang ilong ay namula habang pinipigil ang malagong hikbi. Lumapit pa siya sa portrait nila ni Eul at hinalikan ito.

"I'm really sorry... babe... I really do..." at tuluyan nang hindi napigilan ang malalakas na hagulgol.

Narinig pa ito ni Sheena na ngayon ay nanginginig na rin dahil sa balita.

"I'm sorry for not being there... I'm sorry babe... mahal na mahal kita..." at muling humagulgol.

"Mahal na mahal kita Eul... walang makakapagpabago noon..." at bumuntong hininga bago muling maglitanya.

"I will treasure and cherish your throne... I love you, babe..."

-

Malakas parin ang ulan kinabukasan ngunit taliwas noong lumipas na dalawang linggo, kasama na ng yate ni Spiro ang sangkatutak na barko ng coast guard at mga chopper nito na magaangat sa lumubog na eroplano ni Eul.

Pasado alas siyete na nang saktong umandar ang yateng lulan sila.

Walang nagsasalita sa kanilang lahat. Kahit na magkibuan ay hindi nila magawa. Puno ng kaba at takot sa maaaring resulta ng mangyayari ilang sandali lamang mula ngayon.

Mabigat. Masakit. Mugto na ang mga mata nilang dinama ang malalakas na salubong sa kanila ng hangin. Ang bilis ng takbo ng mga barko ay tila pagong sa kanilang pakiramdam. Habang tumatagal ay lalong bumabagal ang takbo ng oras.

Si Cassey ay tahimik na nakasandal sa nobyong si Kit. Parehong nakatitig sa kawalan at iniisip ang mga posibleng mangyari.

Si Jigs ay walang nagawa kundi umupo. Lahat ng kalokohan sa kaniyang kaisipan ay agad na naglaho.

Si Kevin naman ay tahimik nalang na inalo ang kaibigang si Spiro na ngayon ay yakap ang magazine kung saan magkasama sila ni Eul.

Habang si Skyrus ay nagdarasal nang taimtim sa kahit napakaliit na pagasang buhay pa si Eul ay panghahawakan niya.

Lahat sila ay hindi ininda ang bawat patak ng ulan. Lahat sila ay mas dinama ang lamig na dala nito at nagpaubaya sa napakabigat na emosyon.

Humihikbing sumabay si Spiro sa bawat patak ng ulan. Nanginginig na rin dahil sa lamig na dala ng simoy ng hangin ngunit hindi niya ito pinansin.

Ilang saglit pa ay nakarating na sila sa destinasyon kung saan iaangat ang pribadong eroplanong halos isang buwan nilang hinanap.

Naunang sumisid ang lagpas sampung tauhan ng coast guard na may dala ng mga airbags at gas tanks upang ikabit sa loob ng eroplano at tuluyang mapaangat ito.

Nakaantabay naman sa dalawang malalaking barko ang dalawang crane na bubuhat sa nasabing eroplano mula sa karagatan patungo sa pier upang masusing imbestigahan.

Ilang oras pa ang lumipas. Ang kaninang masamang panahon ay napalitan ng tirik na araw. Ang lamig ng simoy ng hangin ay naging maalinsangan.

Natuyo na rin ang kasuotan ng magkakaibigan. Maging ang kanilang buhok at balat ay hindi na rin nakaligtas sa init.

Papalit-palit ng pwesto at posisyon, ninais man nilang tumulong ay hindi nila magawa. Ang tanging maibibigay nalang nila sa operasyon ay masugid na paghihintay na matapos ito.

Ilang sandali pa ay nakarinig sila ng paparating na chopper. Ilan lamang ang nagbigay ng atensyon dito kasama na si Kevin.

"Spiro, si Kean..." maikling saad lang ni Kevin. Hindi na siya kinibo ni Spiro. Narinig ito ni Skyrus at lumingon sa chopper na ngayon ay tuluyang nag-land sa isa sa dalawang malalaking barko.

Binaba noon ang parehong lumuluhang sina Sheena at Kean. Napaluhod pa ang huli habang nilalamon ng hikbi at pighati.

"May I request all ships to maintain five hundred meter-radius toward the target..." malakas na utos ni General Rodulfo Villanueva. Ang iba pang barko nito ay gumalaw palayo sa sinasabing espasyo.

"Please get the cranes ready, in three minutes, the aircraft will be retrieved" huling sabi nito kasunod ng matinis na tunog ng mikropono.

Ang sinabing tatlong minuto ay tila habambuhay sa lahat. Makapigil-hininga. Wala ni isa ang may-alam ng sunod na mangyayari.

Lahat ay nanatiling tahimik at masugid na hinintay ang pagluwa ng matagal nang hinihintay.

Sa isang iglap ay mabilis na umangat ang eroplanong inaasahan. Wala na ang kaliwang pakpak nito at sira na rin ang buntot.

May malaking butas pa sa gitnang bahagi nito at hindi rin makakalampas sa kanilang paningin ang malaking parte nito na tinupok ng sunog.

Nang tuluyang makita ang eroplano ay nawalan ng balanse ang mga nakatayong sina Spiro, Skyrus, Sheena at Cassey. Tuluyang bumulwak sa kanilang mga bibig ang malalakas na hagulgol.

"Isa nga sa inyo, paki-confirm ang bilang ng sakay ng ME Group private jet..." malakas na wika ng heneral.

Lumapit doon ang isa at pumasok sa loob ng nasabing eroplano. Nang makalabas ay sumenyas ito sa kaniyang kamay na mas gumuho sa mundo ng lahat ng nagmamahal kay Eul.

"---I repeat, the search and rescue operation has been ceased... Eul Justine Espinosa's body has been found."

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon