EULIII30

500 33 9
                                    

-

Sa susunod na buhay, hindi na kita pakakawalan...

-

Third Person's POV

Kaliwa't kanang kuha ng mga kamera kasabay ng malalakas na flash nito at sunod-sunod na alon ng dagat ang tanging naririnig sa malawak na espasyo.

Pinuno ng media ang paikot ng kalalapag lamang na eroplanong halos isang buwang hinanap.

Sina Spiro, Skyrus at mga kaibigan ay nanatiling tahimik habang nakatitig sa nasabing eroplano. Ang mga pulis ay mabilis na pinalibutan ito at masugid na pinalayo ang mga reporters.

"Mr. Pangilinan..." bungad ni General Menardo Guevarra kay Kean at kinamayan ito. Napukaw noon ang atensyon nina Spiro at Skyrus na mabilis na lumapit sa dalawa. Maging ang mga kaibigang natira ay nakinig na rin sa sinasabi ng heneral.

"The suspected body of your husband is severely unrecognizable..." mapait na balita nito. "He got third degree burn to avulsion all over his body..." dagdag pa niya sabay tinaas ang dilaw na linya upang ayain si Kean.

"We need your help to recognize him..." at inalalayan si Kean papasok. Nang akmang susunod din sina Spiro at Skyrus ay mahigpit siyang nagsalita.

"We only need the emergency relative..." pagbabawal pa nito at muling naglakad ngunit napahinto nang marinig ang sinabi ni Skyrus.

"I am his bestfriend..." sabay turo sa sarili. "He's Eul's boyfriend" at turo naman kay Spiro. Napatingin pa ang karamihan at ang ibang mga reporter ay napukaw ang atensyon dito. Si Kean naman ay lutang ngunit napataas ang kilay sa sinabi ng kaibigan.

"And we're both major shareholders of ME Group..." mariing banta ni Skyrus. Hindi na nito hinintay ang isasagot ng nagtatakang heneral bagkus ay dumiretso na papasok ng restricted area.

Matalas at malagkit ang tingin ng lahat sa mga naglalakad na sina Kean, Spiro, Skyrus at heneral na maglilibot sa mga nauna.

"As you can see, this part of the jet... dito nagsimula ang pagsabog..." paliwanag ng heneral at pinakita ang maitim at mayroong malaking butas sa gitna ng eroplano.

"Dito nagsimula lahat... only one foot away to Mr. Espinosa..." sunod nitong paliwanag sabay turo sa sunog na bangkay sa gilid.

Nagulat pa ang tatlo at hindi napigilan ang kani-kanilang reaksyon. Maingay. Namayani ang kanilang paghihinagpis.

Si Kean ay napayuko at mariing pumikit. Rinig pa dito ang mas lalong lumakas na hagulgol. Si Skyrus naman ay binuhos lahat ng galit sa pamamagitan ng sigaw at malakas na suntok sa sahig. Maski ang bakal sa kaniyang tabi ay hindi nakailag sa malakas niyang sipa.

Saglit pang napatitig si Spiro sa bulto ng katawang pinakita. Nabalot ng sunog ang buong katawan nito at wala nang buhay. Bahagyang nasisilayan pa ang lasog-lasog nitong katawan. Lumabas siya sa eroplano at doon sumipa ng mga bato.

Nakita siya ng mga media maski ng mga natirang kaibigan sa labas. Ang kaninang ingay ay natabunan ng mga hikbi. Napaluhod pa siya sa bigat ng nararamdaman.

Ang mga pagasang pinanghawakan sa nakalipas na buwan ay mabilis na naglaho. Nanginginig na rin ang kaniyang mga hita at binti. Mabilis na dumaloy sa kaniyang katawan ang malalang pakiramdam.

Saglit pa siyang muling sumulyap sa bulto ng katawan ni Eul bago buong lakas na tumayo at agad na tumakbo sa kung saan. Susubukan pa sana siyang habulin ni Kevin nang pigilan ito nina Kit at Jigs.

Magkayakap namang umiiyak sa isa't isa sina Sheena at Cassey na ngayon ay hindi na alam ang gagawin.

Tumakbo nang tumakbo. Hindi na ininda ang sakit ng katawan. Ito na ang pinakamabigat na pangyayari sa buhay niya. Ang malaman na wala na ang taong pinakaminamahal niya. Ang makita nang harap-harapan ang nagiisang patunay na ito'y namayapa na.

Sa lumipas na halos isang buwang paghahanap kay Eul, alam niyang posible itong mangyari ngunit hindi niya lubos maisip na ito mismo ang isasampal sa kaniya ng tandhana.

"Eul! Tangina!" Bulyaw niya pa habang hinihingal na tumatakbo. Wala siyang alam sa kung saan siya dadalhin ng kaniyang mga paa. Basta't ang alam niya'y kailangan niyang makawala sa nakasasakal na sitwasyon.

Pasimple niya pang pinunasan ang mga luhang nanlalagkit na sa kaniyang mukha. Pumikit nang malalim at mariing inalala ang mukha ni Eul.

Ang mapula nitong labi, makinis at ubod ng puting mga balat, maamong mga mata at matangos na ilong. Hindi niya mapigilan ang sariling hindi magsisi sa kaniyang mga nagawa.

"Fuck!" Muli niyang bulyaw sabay huminto mula sa mabilis na pagtakbo at lumuhod. Matarik at puro bato. Naramdaman niya pa ang tulis ng mga itong tumutusok sa kaniyang tuhod.

"Tangina! Bakit?! Eul!!!" Muli niyang sigaw sabay sabunot sa sarili.

"Tangina! You're leaving me without a choice! Bakit?!" At gasgas ang boses na nagpakawala ng hagulgol. Nakakapaos. Nakakapagod.

"Eul... fuck... bakit?!" Sa ngayon ay humina na ang kaniyang litanya dala na rin ng pagod. Muli siyang pumikit at imbes na maalala ang magandang mukha ni Eul ay namayani sa kaniyang pagiisip ang lasog lasog na katawan at sunog na mukha nito.

Nagkuyom ang kaniyang mga kamao at napailing habang mariing pumikit. Ilang bugsong hininga pa ang pinakawalan niya bago tumayo nang dahan-dahan.

Iginala niya ang kaniyang paningin at nakita ang karagatan sa di kalayuan. "Eul..." muli niyang sambit at naglakad palapit doon.

Nakita niya ang imahe nito na naghihintay sa kaniya sa karagatan. Hubad at malapad ang pagkakangiti sa kaniya.

Tunay siyang hinahatak nito sa pantasya palayo sa reyalidad. "Spiro..." rinig niyang bigkas nito. Tila musika sa kaniyang pandinig ang maamo nitong boses.

"Spiro... Ikaw ang mahal ko..." muling rinig niya. Mas binilisan niya ang kaniyang mga yapak habang tinatanggal ang mga sapatos at kasuotan.

"Come... I'm here..." mahina at malambing nitong sabi at sumenyas sa kaniya gamit ang malambot nitong mga kamay na tila'y pinauunlakan siya sa isang mahigpit na yakap.

Nang tuluyang madama ang lamig ng karagatang dumadampi sa kaniyang paa, saglit siyang napatitig sa ibabang parte ng katawan. Kapansin-pansin ang pagdurugo ng magkabilang tuhod ngunit pinagsawalambahala niya ito.

Naglakad nang maingat palapit kay Eul. Napapikit pa siya sa hapding naramdaman sa kaniyang sugat.

"Honestly... I never stopped loving you..." rinig niyang sambit nito pagkalapit kay Eul. Muling tumulo ang kaniyang luha sa narinig.

"---hindi ako nagsasawang patawarin ka..." ang imahe ng maamong si Eul ay nagsimula na ring humikbi. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ni Spiro at hinalikan nang mariin sa labi.

Mainit. Pinagsaluhan nilang pareho ang pinagsamang luhang dumadaloy mula sa kanilang parehong mga mata pababa sa kanilang bibig at laway na sumisimbulo ng kanilang mainit na pagniniig. Mahigpit na napahawak si Spiro sa likod ni Eul palapit sa kaniya.

"Siguro nga hindi na ako titigil mahalin ka... nandito ka lagi oh..." bigkas ni Eul matapos bumitaw sa labi ni Spiro.

Tinuro pa nito ang sariling dibdib at marahang pumikit bago hawakan nang mahigpit ang kamay ni Spiro. Naglakad ito palalim sa dagat na sinundan naman ng huli. Nanatiling nakatitig si Spiro sa napakagandang imahe ni Eul.

Tuluyan na silang nilamon ng buo ng karagatan. Nagtitigan. Ngumiti at muling naghalikan. Bumulong pa si Spiro sa kaniyang isip bago muling sumama kay Eul sa pagsisid nito sa kailaliman ng dagat.

Sa susunod na buhay, hindi na kita pakakawalan...

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon