EULIII32

470 35 8
                                    

-

"Spiro... let him go... let him let you go..."

-

Third Person's POV

"Atty. Mendoza... I guess it's time..." pagkuway na bigkas ni Edward habang naglalakad patungo sa kaniyang couch. Napalingon pa ang kausap na abogado at ngumiti.

"Mr. Pangilinan, legally speaking, kailangan munang ma-confirm ang identity ni Mr. Espinosa before we proceed doing such things..." at kinuha ang baso ng kape upang humigop doon.

Ang ngayong nakaupong si Edward ay nanliit ang mga matang tumitig sa abogado. Hindi siya kumibo, bagkus ay nagisip nang malalim sa susunod niyang magiging hakbang.

Bumuntong hininga pa siya bago muling nagtanong. "Atty... malinaw naman na wala na si Eul... ano pang hinihintay natin?" At pinatong ang mga paa sa lamesa habang nakasandal nang presko sa kaniyang upuan.

Napatingin pa ang abogado sa kabastusang inasta ni Edward at pasimpleng umiling bago nagsalita.

"Mr. Pangilinan... we can't do anything until his identity is confirmed. ME Group will strictly investigate this---" at natigil sa sinasabi nang biglang pumasok si Kean.

Namumula ang mga mata, magulo ang buhok at hindi maayos ang pagkakabutones ng polo. Takang tumingin ang dalawa sa binata ngunit dumiretso lang ito ng lakad patungo sa tabi ng kaniyang ama.

"Kean... how was it?" Mahinang tanong ni Edward sa anak. Agad na dumaloy sa kaniyang katawan ang pagiinit ng galit dahil sa tinuran ng ama. Pumikit pa ito nang malalim para kumalma bago sumagot.

"I don't know..." sabay umiling. "I really don't know, Dad..." mabilis niyang tinakpan ang mga mata at yumuko. Hindi na napigil ang bahagyang luhang pumapatak.

"If Mr. Kean can't confirm the chairman's identity, the tests---" segunda ng abogado na pinutol muli ni Kean.

"I already ordered those tests..." matigas nitong pagkakasabi sabay umayos ng pagkakaupo. Wala na ang mga luha nito at tanging pamumula na lamang ang natira sa kaniyang mga mata.

"Kean, sana kinunsulta mo muna ako... you shouldn't making decisions on your own!" Malakas na sita ng ama. Ang kaninang pinigilang pagkayamot sa ama ay tuluyan nang bumulwak. Tagis bagang at puno ng galit sa mga matang nilingon niya si Edward.

"No! That's on me to decide..." mariin niyang tugon sabay tayo. "This time... we're doing what is right!" At naglakad patungo sa pinto.

Umiling pa si Edward sa inasta ng anak ngunit hindi napigilang hindi mapikon sa sunod na sinabi ni Kean.

"I'm done with you, Dad... your plan cost me my lifetime..."

-

Hithit ang sigarilyong lumabas si Miles sa kaniyang kotse. Tumingala pa siya sa malaking gusali at malapad na ngumiti.

Nakita niya ang bulto ng sangkatutak na mga bodyguards at naglakad patungo sa mga ito. Lumapit pa sa kaniya ang mga ito upang siya'y patigilin ngunit nang magkaharap ay kumpyansado pa itong naglitanya.

"I'm your new boss... you can't kick me out from my property..." maangas na sabi ni Miles sabay muling humithit sa sigarilyo at buga ng usok sa mukha ng taong nasa kaniyang harapan.

Pinahid niya pa ang nagbabagang sigarilyo sa itim na suot nito at muling nagsalita.

"Deep 16 is mine... you can't fool me this time, Mr. Pontigon..."

-

"Mahal... masaya ka ba?" Malambing na tanong ni Eul kay Itchan pagkahiga niya sa tabi nito. Sumandal pa siya sa braso ni Itchan at yumakap dito. Parehas na pagod at hapo dahil sa mainit na eksena nilang pinagsaluhan.

Kinuha nito ang kaniyang kamay at hinalikan bago tumugon. "Syempre naman!" Sabay malapad ang pagkakangiting tumitig sa kisame. "I just can't believe na mangyayari ito satin..." dagdag pa niya sabay umayos ng pagkakahiga paharap kay Eul.

"Dati... pinapangarap ko lang ito... tapos ngayon, hawak ko na..." wika ni Itchan habang nakatitig sa mga mapupungay na mata ni Eul. Saglit pa silang nagtitigan, parehong hinahatak ang isa't isa ngunit natalo ang huli kaya't pasimple itong tumihaya.

Si Itchan naman ay muling tumitig sa kisame at masayang bumuntong hininga habang si Eul ay muling iginala ang sariling mga mata sa loob ng silid.

Sa nagdaang mga araw ay patuloy niyang ginagawa ang mga plano. Ang pagtitiis at pandidiri'y patuloy niyang iniinda upang hindi siya mahuli ni Itchan.

"Mahal... kain lang ako ah?" Tanong niya pa sabay tumayo. Hindi na tumugon ang huli kaya't kumilos na siya.

Saglit na sinapo ang mga nasugatang pulso dahil sa matinding pagkakatali, marahan siyang naglakad patungo sa lamesa upang kumuha ng makakain.

Ginalaw-galaw niya ang mga kubyertos sa plato upang gumawa ng ingay habang inaaral ang buong silid. Ngayon ay pamilyar na sa kaniya ang eksaktong kinalalagyan ng mga butas na nagbubuga ng makakapal na usok bago siya mahilo at bumagsak. Maski ang carpet sa ilalim ng kaniyang higaan ay tuluyan niya nang nakita.

Tumaas pa ang kaniyang kilay sa naiisip.

Pagsisisihan mo ito... mahal ko...

-

"Ang piloto at dalawang crew ng sumabog at lumubog na eroplanong pagmamayari ng ME Group ay tuluyan nang naihatid sa kanilang huling hantungan. Kasama ng kani-kanilang mga pamilya, nakiramay sa libing ang ilan sa malalaking personalidad ng nasabing kompanya tulad nalang ni Mr. Skyrus Yokohama na presidente ng ME Group Foundation at nangakong sasagutin ang lahat ng ginastos sa pagpapalibing at babayaran ang kabuohang danyos dito."

"Sinubukang tanungin ng aming team si Mr. Yokohama tungkol sa sunod nilang hakbang kaugnay sa pagkakahanap ng katawan ng kanilang chairman ngunit nanatiling isa ang sagot ng buong kompanya---we're not to say anything yet---" at tuluyan nang pinatay ni Cassey ang telebisyon. Hihiga na sana siya nang mapalingon sa gawi ni Spiro.

Nakaayos nang pagkakaupo at walang emosyong nakatitig sa wala nang buhay na telebisyon. Tumungo siya sa kaibigan at tinabihan ito. "Gising ka na pala..." sambit ni Cassey at kinapa-kapa ang likod ni Spiro.

"Nakatulog na silang lahat kakabantay sa'yo..." sabay turo sa mga kalalakihang nagsisiksikang nakahiga sa katabing higaan. "Si Sheena bumalik na muna sa trabaho pero baka dumaan dito mamaya..." at tumingin kay Spiro.

"Sinundan ka namin... buti hindi pa kami nahuli..." malungkot na dagdag ni Cassey at hinarap ang mukha ni Spiro sa kaniya. "Buti nakita ka pa namin..." segunda pa nito at niyakap si Spiro.

"Spi... you can't do that again... hindi pa tapos buhay mo... kung si Eul, wala na, ikaw, kailangan mong magpatuloy..." at hinimas nang mariin ang likod ng kaibigan.

Blangko ang mukhang tumulo ang masasaganang luha sa mga mata ni Spiro at pasimple itong humikbi.

"Iniwan niya man tayo, we should continue our lives... hindi gugustuhin ni Eul na sundan natin siya..." at umiyak na rin si Cassey.

"Spiro... let him go... let him let you go..."

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon