Chapter 35 : Mr. Do

597 56 3
                                    

CHAPTER 35

NIANA'S POV






"MY GOODNESS! Sana pala hindi na tayo pumunta. Apat na oras lang din naman pala 'yong party. Bitin na bitin ako," inis na sabi ni Midori habang inaayos ang damit niya.

Hindi na ako sumagot dahil sa loob-loob ko, natutuwa ako. Four hours lang halos ang itinagal ng acquaintance party. Umulan kasi at dahil nasa ground floor nga kami, nabasa ang lahat kasama na ang stage. Hindi ko sinisisi ang ulan. Nagpapasalamat pa nga ako dahil natapos agad ang party dahil dito kahit may halos dalawang oras pa talaga dapat bago ito tuluyang matapos.

Thankfully, sa buong party wala akong nakitaan ng future bukod kay Carson. Wala akong nahawakan, wala akong natitigan sa mga mata. Tanging panonood lang sa mga estudyante ang ginawa ko.

Tsaka syempre kumain nang kumain.

Unti-unti nang nababawasan ang mga tao sa school. Malapit na rin kaming lumabas ni Midori. Siksikan kasi sa main gate kaya hindi agad makalabas ang mga estudyante.

Dahil siksikan, naririnig na namin ang sinasabi ng bawat isa kahit hindi sinasadya, kahit pasigaw o pabulong ito.

"Narinig mo ba 'yong balita about do'n kay Mister Do?" tanong ng isang babae na nasa harapan lang namin ni Midori sa kasama niyang isa pang babae. Napalingon sa kaniya ang kasama niya.

"'Yong kriminal na nakulong dahil sa dine-develop niyang stimulant?"

"Oo! Nakalaya na raw kanina."

"Talaga?"

"Oo. Ang sabi nga ng iba, baka ituloy daw niya 'yong paghahanap sa gamot na matagal na niyang hinahanap. Pero ewan ko lang ha. Baka tsismis lang 'yon."

Nagkatinginan agad kami ni Midori nang marinig namin ang dalawang estudyante sa harapan namin na naguusap tungkol sa taong nakalaban ni Midori noon.

Agad na inilabas ni Midori ang cellphone niya at sinearch kung totoo ang nasagap naming balita sa dalawang estudyante.

"Legit nga. Nakalaya na si Dora," ani Midori.

"Hanggang ngayon Dora pa rin ang tawag mo sa kaniya?" bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya.

"For lifetime na 'yon," sagot ni Midori.

"Anong plano mo ngayong nakalaya na 'yang mortal enemy mo?"

"Mortal enemy?" kunot-noong saad niya.

"Hindi ba't galit na galit ka sa kaniya noon?"

"Hindi lang naman ako ang galit sa kaniya noon. Maraming galit sa kaniya. Mapabuhay o mapapatay galit sa Mr. Do na 'yon," sabi ni Midori, bakas sa tono niya ang pagiging seryoso. "Kung talagang nakalaya na siya ngayon, wala na akong magagawa. Pero kung sakaling ulitin niya ang pagkakamali niya noon, babalikan ko siya," matapang na saad ni Midori.

Hindi na ako sumagot pa.

Masiyadong malalim ang kwento ni Midori at ni Mr. Do. Ayokong pakialaman si Midori sa mga gusto niyang gawin. Nandito lang ako para magbigay ng payo niya at maging kaibigan niya kahit pa sandaling nag-flashback sa akin ang mga nangyari noon sa kaniya sa engkwentro niya sa Mister Do na 'yon.

After almost forever, nakalabas na rin kami sa main gate ng school. Sakop ng mga estudyante ang kalsada sa tapat ng paaralan. Buti na lang at gabi na, wala ng masiyadong sasakyan na dumadaan kaya ayos na ayos lang ang magligalig sa kalsada.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon