CHAPTER 38: BREAK UP

454 15 9
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nandidilim ang paningin, nakakunot ang noo, matalim na mga mata at sobrang higpit na pagkakasarado ng kamay. Yan ang itsura ni Hell habang nakatingin sa nobyo nitong si Danger na prenteng-prente nakaupo habang nakaharap sa salamin. Samantala ang isang sikat na model na si Jesalyn Catalan ay patuloy ang pagpapapansin nito sa binata. Mas lalo pang nalukot ang mukha nya ng magsimulang maglakad papalapit ang babae Kay Danger.

Akmang hahawakan nito sa balikat si Danger ay agad nitong sinalo ang kamay ng modelo at pabatong binitawan. Kumunot ang noo ng modelong si Jesalyn bago umuwang ng bahagya ang bibig. At nakamaang na tiningnan si Hell na ngayon ay sobrang sama ang tingin sa kanya.

"How dare you?!" Palag nito na inirapan lang ni Hell

"With me here, no one can seduce him" Madiin nitong sagot

Jesalyn just rolled her eyes and confidently placed her two hands in her hips. Tska nito pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa ang nerd na nasa harapan nito.

Umangat ang gilid ng labi nya, ngumise. "Sino ba ito at ang lakas ng loob na pigilan ako?" Tanong nito sa sarili habang nakataas ang isang kilay kay Hell. Ngunit hindi sya nagpatinag muli syang ngumiti ng matamis ang modelo at maarteng naglakad papalapit kay Danger at nilagpasan si Hell. Mas lalong lumapad ang ngiti nya ng mairapan nya ang babae pagkalagpas dito.

Ngunit hindi nya inaasahan na hihilahin ni Hell ang ilalim ng jacket niya dahilan para mapahakbang siya paatras at matapon sa jacket niya ang hawak hawak nyang iced coffee. Napasinghap sya ng makita nyang nagkalat sa mamahalin at branded niyang jacket ang inumin niyang iced coffee, na hawak hawak niya mula pa kanina. Napataas lang ang isang kilay ni Hell ng galit na lumingon sa kanya ang modelong si Jesalyn.

"Ikaw...." Nanggigigil nitong bulong at bumuntong hininga. Tsaka siya ilang beses na humingang malalim. Dahil hindi siya maaaring mag-umpisa ng gulo kung hindi ay masisira ang career nito.

Mas lalong tumaas ang kilay ni Hell ng ngumiti lang ang modelo at may poise na inalis ang jacket dahil para lumantad ang fitted cocktail dress na suot nito pati na ang maganda nitong hubog ng katawan. Lalo pang nag-init ang ulo ni Hell ng ngumise ito sa kanya. Akma itong may huhulog-hulugan para bumaksak kay Danger ng agad nyang hinila ang upuan ni Danger at inilipat sa kabilang pwesto. Nanatili lang nakafocus ang buong atensyon ni Danger sa cellphone dahil naglalaro ito ng mobile legend, walang pakialam sa paligid pati na sa nangyayare.

Dahil nga hinila ni Hell si Danger. Bumaksak sa sahig si Jesalyn. Nakaupo sa lapag habang nakatutok ang mga kamay sa sahig at nanggagalaite nitong nilingon si Hell. Halata sa itsura nito ang pagpipigil. Lumayo siya kay Danger at lumapit sa modelo nakangisi niyang nilahad ang kamay sa harap nito. Tinitigan lang iyon ni Jesalyn tsaka marahas na tinabig at tumayo sa tulong ng sarili.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo! Fvcking bitch" taas noo nitong muling nilagpasan si Hell at dumaretso kay Danger ngunit dahil mabilis kumilos si Hell naunahan nya ang babae.

Mabilis niyang hinubad ang suot na jacket dahilan para lumantad ang backless shirt na suot ni Hell nanlaki ang mga mata ni Danger ng mapalingon sya sa harapan, tumambad lang naman kasi sa harap niya ang makinis na likod ng dalaga. Agad itong napaiwas ng tingin at pilit na nagfocus sa hawak na cellphone

Habang mabilis namang sinuot at iziniper ni Hell ang jacket nya sa Modelo. Ngumiti sya, nang-aasar. "Modelo ka kaya dapat lang inaalagaan mo ang balat mo. Sige ka pagyan pumangit, pati career mo papangit din" umuusok na sa galit ang ilong ng modelo.

Mahina pang tinapik ni Hell ang pisnge nito tsaka tinalikuran para sana iwan na ngunit nanlaki ang mata nya ng hinila ni Jesalyn ang buhok nya dahilan para matanggal sa pagkakakabit ang suot niyang wig.  Parang slow motion na naladlad ang tunay niyang buhok at dahil sa bigla niyang paglingon bumaksak pati ang salamin nito.

Nanlalaki ang matang tiningnan siya ng dalawa. "I-ikaw?! Si H-Hellianna Devillianne Herzt?!" Sabay nitong sigaw, napairap nalang si Hell. No choice nabuking na siya eh.

"Oo. Ako nga" saad nito bago taas noong naglakad papaalis.

Nagulat ako ng may humablot sa kamay ko napalingon ako at mukha ni Danger ang bumungad sakin. Napakunot ang noo ko "Anong ginagawa mo? May photoshoot ka pa diba? Bat ka nandito?"

"Hindi ba't ako dapat ang nagtatanong?" Natahimik ako at napayuko "Bakit hindi mo sinabi sakin? Hindi mo ba ako kayang pagkatiwalaan? Bakit ka nagsinungaling?" Puno ng hinanakit niyang saad.

Huminga ako ng malalim bago lumingon sa kanya "Hindi ako nagsinungaling. Nakilala mo ko bilang si Helliquin at minahal mo ko bilang si Helliquin. Kailanman ay hindi ako nagpakilala sayo kaya pano mo nasabing nagsinungaling ako?" Nasasaktan ako sapagkat nakikita ko ang sakit na nararamdaman niya sa mga mata niya. Ngunit anong magagawa ko? Kung pede ko lang sanang kunin ang sakit na nararamdaman niya. Kung pede lang sana...

"Pero, bakit hindi mo sinabi sakin ang totoo? Ang tunay na ikaw?" Hirit pa nito. Mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Napayuko ako at sa lapag tumingin, hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga tingin

"Bakit? Kung sasabihin ko ba may mababago ba?" Mahina kong sagot, habang nanatiling sa paa namin ang aking paningin

"Ngunit, karapatan ko ren malaman iyon! Dapat ko lang malaman iyon! Dahil girlfriend kita! Kaya kailangan mo malaman lahat ng tungkol sayo!" Sumbat nya sa hinanakit na tono. Hindi ko na kaya pagtingnan sya muli, dahil baka magbago ang isip ko. Kailangan kong gawin ito. Kailangan, para hindi na siya madamay pa.

"Boyfriend lang kita. Pero hindi porket may relasyon tayo kailangan alam mo na lahat ng tungkol saakin" Naramdaman kong natigilan siya at saglit na napatulala sa akin

"A-ano bang nangyayare sayo Hell? Bakit ganyan ka?" Halos hindi makapaniwala niyang saad. Sa tonong naguguluhan.

Huminga ako ng malalim at mariin na pumikit bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na muling salubungin ang kanyang paningin.

"Kailangan na nating tapusin ang kalokohang ito" Dare-daretso kong sambit. Habang malamig na nakatingin sa kanyang mata. Bakas ang sakit sa itsura niya pero nanatiling blangko ang reaksyon ko

"A-anong ibig mong sabihin?" Mahina ngunit malinaw nyang na sabi ang mga katagang iyon. Sa paraang nasasaktan

"Hindi na tayo magkikita pa, tapos na tayo. Kakalimutan mo na ako at kakalimutan na rin kita"

"H-hindi kita maintindihan. Ano bang nangyayare sayo Hell? Tama na please? Nasasakatan na ko" Umiling-iling siya ng ilang ulit bago muling sinalubong ang paningin ko. Ngumiti siya pero bakas sa kanyang mga mata ang lungkot "Hell tama na please? Masakit na eh! Ang sakit sakit na! Tigilan mo na yan, hindi na kasi nakakatuwa eh. Nakakasakit na" mapait siyang tumawa pagkatapos ay tumingala

"Sino ba nagsabing nagbibiro lang ako?" Malamig kong tanong dahilan para gulat na lumingon siya sa akin "Seryoso ako doon" dagdag ko pa. Maya-maya ay mapait siya muling tumawa habang nakasabunot sa buhok nya ang isa niyang kamay.

Yumuko siya ng ilang ulit bago ako nilingon "Please sabihin mo nagbibiro ka lang, please parang-awa mo na sabihin mo nagbibiro ka lang! Tangina tama na!" Lumapit siyang muli sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso. At marahang niyogyog habang sinasambit ang mga salitang iyon. Habang sinasabi ang hinanakit niya ngunit agad niya ren akong binitawan at malakas niyang sinuntok ang pader na nasa gilid. Bahagya akong nagulat sa ginawa niya pero hindi ako nagpatinag. Nanatiling blangko ang mukha ko habang tinitingnan siya

"Seryoso ako. Simula ngayon wala nang tayo. I'm b-breaking up with y-you" muntik pa kong pumiyok pero pinigilan ko ang sariling emosyon. "Tapos na tayo" Nagulat ako ng muli niyang sinuntok ang malakas ang pader ng ilang ulit

"Hoy! Tigilan mo yan! Ano ba! Tama na sabi eh!" Pinipigilan ko siya sa ginagawa niyang pagsuntok sa pader ngunit masyado siyang malakas.

Maya-maya ay lumingon siya sakin, nanlilisik ang kanyang mga mata. "Fvcking sh*t bawiin mo ang sinabi mo! Tang*na please sabihin mo nagbibiro ka lang please! Hell! Parang awa mo na! Sabihin mo hindi totoo ang lahat ng to!"

***

If you like the story please don't forget to vote😊😄 I'm still waiting for your feedback guys.

That Cold Nerd Is The Gangster Queen [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon