Season 3: Episode 10

4.7K 422 231
                                    

Sa naramdaman ay kusa akong napalingon. At halos mawalan ako ng dugo sa buong mukha nang makita ang buhay na bangkay na akmang sasaksakin ako sa noo. Putol na ang isa niyang kamay. Iyon ang dahilan kung bakit nawalan siya ng balanse noong mabilis akong nakaiwas.

Ilang segundo akong nahintakutan habang pinagmamasdan siyang bumangon. Ilang saglit akong naglakad nang patalikod. Ngunit sa huli ay natauhan din ako. Mabilis na uli akong tumakbo papunta sa helicoper na ngayon ay humihiwalay na sa semento.

"Sir, run faster!" Manuel kept on pushing me. Alam ko at sigurado akong kung hindi pa sila aalis ngayon ay kamatayan ang kanilang madadatnan. Sa dami ng mga buhay na bangkay ang kumakaripas papunta sa amin ay wala talagang laban ang helicopter na 'yon.

Nagulat ako ng biglang bumaba si Briela mula sa helicopter. And then she told me, "Just run, Sir! Akong bahala sa likod mo! Just fucking run!"

That was the words she said before gunshots appeared everywhere. Maya't-maya niyang pinaputukan ang mga buhay na bangkay sa likod ko. And she is winning with this dahil unti-unting nabawasan ang mga lumalapit sa akin. Kusa na akong nakaalagwa nang marating ko na ang landing area. Umupo ako sa tabi ni Manuel. Doon ay umakyat na rin si Briela kasabay ko. Sa tabi siya ni Santhy umupo.

"Sige na, Manuel! Lipad, bilis!" Briela yelled.

Noong mapatingin ako sa mga buhay na bangkay ay matindi ang ginawang pagkalabog ng puso ko. Tagaktak ang pawis ko noong makitang silang lahat. Namumutla ang mukha ko sa takot noong unti-unti silang lumapit papunta sa helicopter, sa dami nila ay napuno nila ang halos kabuuan ng rooftop.

Mabagal naman ang ginawang pag-alagwa ng helicopter. Noong nasa kalagitnaan na kami ng pag-lipad ay napalunok na lang talaga ako sa nakita. Para bang mga hayok na hayok sa dugo, nagpatong-patong ang mga buhay na bangkay. Wala silang takot na tumakbo nang mabilis bago tumalon para abutin kami. Lahat sila ay ganoon ang ginawa kung kaya't karamihan ay nagsilaglagan lang sa lupa.

"Safe na ba tayo?" Briela is still out of breath.

"I hope so." Manuel is calm. Well, he was trained for this. To remain calm whenever the going gets tough.

"Saan na tayo pupunta ngayon?" Ako naman ang nagtanong. Wala na kasi akong ideya kung papaano pa kami magpapatuloy.

Manuel look at me. I was suprise when I saw a certain unexpected emotion from his eyes. He may look dry but I can clearly feel the stress hiding somewhere behind his strong mind.

"Hindi ko na rin alam, Sir. Base kasi sa napanood natin before this turn of events happened, ang New Bilibid Prison na lang talaga ang siyang natitirang safe na lugar sa Pilipinas." Napalunok siya ng laway. "Well, hindi natin alam kung ano ang sitwasyon sa ibang bansa."

"Pilipinas na ang pinakahuling bansa na inatake ng virus sa Asia." Briela mumbled. "I don't think we are safe if we decide to go abroad."

"Right," I agreed.

Pilipinas nga talaga ang pinakahuling bansa sa Asia na natupok ng virus. Pero lahat talaga ay hindi naging handa para dito. Sa laki kasi ng rate na kayang maging biktima ng virus sa isang minuto lang, kahit ano pang yaman ng bansa ang mayroon ka, patay ka.

This is not about the wealthiest and strongest country anymore. This is more than the stability of a nation's economy. This is something that money can never combat. And in a way, making the world a better battle ground with a scarced weapon-- with a fair fight.

"We are fucked up." I continue with a deep sigh.

Lahat kami ay natahimik. Wala ni isa sa amin ang nagsalita matapos ang ilang minuto. At dahil doon ay tanging ang malakas na huni na lang ng helicopter ang naririnig namin.

Ngunit napakurap ako nang may bigla akong naramdaman mula sa ilalim ng helicopter. Para bang may pumupukpok mula doon.

"Shit! Bakit unti-unti nauubos ang gasolina?! Almost full tank 'to bago tayo lumipad, ah!" Manuel freaked out.

Napakurap na lang ako sa biglang pagbalot ng kaba sa akin.

"May tao sa ilalim! May naramdaman ako kanina lang!" Briela mumbled with a shaking voice.

At halos mapasigaw ako nang may bigla akong makitang itak na tumama mula sa combat shoes ko. Mabuti na lang talaga at matigas ang bahagi nito kaya hindi ako napuruhan.

Nang mapatingin ako sa ibaba ay ganoon na lang ang inis ko nang makita ang isang buhay na bangkay. Naka-uniporme rin siya. He is fucking smiling at me as if telling he is proud for what he is about to bring us.

"Putangina! Pati ba naman dito?!" Gigil na anas ko bago ko pinaputukan ang ulo ng buhay na bangkay na iyon. Hindi naalis ang ngiti sa mukha niya noong unti-unti siyang nalaglag sa ere.

"Sir! We are crashing at any moment!" Manuel continue to freak out. "Kailangan na nating mag-parachute!"

"Parachute?!" Santly yelled. "I don't even know how to use that!"

I tried to calm myself. Matapos ay kinuha ko ang parachute na kadalasan naming nilalagay sa ilalim ng upuan. And then I managed to sit beside Briela and Santhy.

"I got you, son. Akong bahala." I may look calm but deep inside, I almost pass out.

Wala na kaming hinintay pang sandali. Mabilis ang ginawa naming pagbalot noong harness sa katawan namin ng anak ko. Mabuti na lang talaga at may training ako patungkol dito. Naging mabilis sa akin ang lahat.

Ang naunang bumaba ay si Briela na agad namang sinundan ni Manuel. At hindi na rin kami naghintay pa. Inalalayan ko si Santhy patayo at halos magmura siya nang malala nang bigla kaming tumalon mula sa helicopter.

"Dad!" He yelled with a tone of nervousness on his voice.

I only busy myself with piloting the parachute. Dito ko nalaman na nasa ibaba pala kami ng Alabang. At napangiwi na lang ako nang tumama ang helicopter sa isa sa mga building nito. Mabilis na tinupok ng apoy ang building na iyon.

"Akala ko, mamamatay na tayo Dad!" Hingal na hingal na sambit ni Santhy.

"Not on my watch, son."

I remained focused. Sinundan ko ang daang tinatahak nina Briela at Manuel. They are about to land themselves towards the landing area of a building near us.

Si Briela ang naunang makalapag doon. Sinundan din agad siya ni Manuel. Ngayon ay pareho na silang nakatingala sa amin. Hininhintay ang paglapag naming mag-ama.

"Safe na tayo, Santhy." I phew-ed.

But . . .

Santhy and I are about to land our feet to the landing area when we are halted by a ton of crows. Humuni silang lahat noong para ba silang nakulong sa loob ng parachute. Doon ay natataranta silang nagliparan. Sa dami nila ay wala kaming magawa nang mahila nila kami papunta sa edge ng building.

And before I knew it . . .

We are falling down from the building with my son yelling for his life.

The Last QuarantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon