CHAPTER 61

1.9M 48.6K 117K
                                    

CHAPTER 61

"SHE'S WHAT?" tila nabinging ani Maxpein.

"She's pregnant," bigay na bigay, nakangiti nang nakalabas ang lahat ng ipin na pag-uulit ni Maxwell!

Ang kigwa talaga! Napayakap ako sa kaniya at naibaon ang mukha ko sa kaniyang balikat. Gumapang ang kamay niya mula sa aking bewang payakap sa kabuuan ng aking likod at hinapit ako papalapit.

"Omona..." mahinang ani Tita Maze, nabuhay ang matinding kaba sa dibdib ko! Dahil sa isip ko, na-imagine ko siyang nahilo sa narinig.

"A gorgeous pregnant baby," mahinang dagdag pa ni Maxwell, batid kong nakatingin sa 'kin.

Animal! Gusto ko siyang harapin para paluin nang paluin bilang ganti.

Hindi ko na makakaya pang harapin ang mga Moon! Hindi ko na talaga sila kayang tingnan sa mga mata. Wala nang mas kakaba-kaba pa sa sandaling iyon! Pakiramdam ko ay ipinahamak ako ng bibig ng pinakamamahal kong lalaki at hindi ko alam kung paano siyang mapapatawad. Pero wala rin akong matatakbuhan kung hindi siya.

"Maxwell..." maiiyak nang bulong ko.

"Hmm?"

"Bakit mo sinabi?" talagang nangilid ang mga luha ko.

"Why not?" kunot-noo niyang tugon. "They're all excited, baby. Look at them."

Nag-aalala man ay nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Sandali ko siyang tinitigan, inaalam ang kung totoo ang kaniyang sinabi. Nang makita ko ang kasiguraduhan sa ngiti at pagtango niya ay napapalunok kong nilingon ang mga Moon.

Pero gano'n na lang ang pagkadismaya ko. Parang lalo akong maiiyak nang wala akong mabasang reaksyon sa mukha ng mga ito. Hinanap ko ang excitement na sinasabi ni Maxwell sa mukha ng kaniyang pamilya. Ngunit lahat ng itsura nila ay blangko. Ganoon sa natural nilang mga mukha.

Napapikit ako at muling naibaon ang mukha sa kaniyang balikat. Nasaan ang excitement doon? Paano naging excited iyon? Mommy... Talagang nangilid ang mga luha ko.

Pero gano'n na lang uli ang paglingon ko nang dali-daling nagsipagkilusan ang mga Moon at bago pa man ako nakapagsalita ay nag-uunahan nang yumakap sa 'kin sina Tita Maze at Maxpein. Napamaang ako at nilamon na ng gulat nang tanggapin ang mga yakap nila.

"Congratulations, Zaimin Yaz," emosyonal na ani Tita Maze, lalo akong nalito.

"Congratulations, Yaz," emosyonal ding sinabi ni Maxpein, hindi ako nakapagsalita.

Bago ko pa sila masagot ay 'ayun na si Tito More na hindi na nahintay ang gulat ko, niyakap na ako. "I'm happy for you, congratulations," aniya.

"Congratulations, anak," sabi rin ni Mokz.

"Ya" Hindi naman na nagawang tapusin ni Maxrill ang sasabihin nang agawin na ako ni Maxwell.

"She's fine," ani Maxwell, ang kamay ay nakaharang pa sa kapatid. "Thank you."

Bumuntong-hininga si Maxrill. "Still threatened, huh?"

"Tsh," pinagkunutan siya ng noo ni Maxwell.

"Congrats, dude," ani Maxrill na nakipag-high five na lang sa akin.

Muli akong natulala at isa-isang tiningnan ang emosyonal at natutuwa na nilang mga mukha. I'm confused. Akala ko ba ay bawal? Hindi ko sila maintindihan.

Umiling ako nang umiling, natuon ang paningin sa sahig bago nakahugot ng salita. "Hindi ko maintindihan," halos naibulong ko saka nag-angat ng tingin sa kanila. "I mean..." hindi matapos-tapos ang gulat ko.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon