#10 Ang Kapalit

55 6 0
                                    

Madalas kong itanong sa kalawakan, ang katumbas ba ng pag-ibig ay pagsasalok ng balde-baldeng luha sa tuwing bibisita ang gabi?

Ang pagtangis nang tahimik kasabay ng libo-libong karayom na nakatusok sa iyong dibdib?

Ang pagpapakawala ng mahihinang tinig at mabagal na pagbigkas ng mga katagang puno ng hinanakit at pagtatanong.

Ang sigawan ang langit kung bakit parusa ang ganti ng pagmamahal at kasabay nito ay ang pagyakap sa kumot dala ng pagkapagod.

Kung ganito man ang tinatawag nilang pag-ibig, ayoko na itong subukan.


#YakapNgTalata

Yakap ng TalataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon