CHAPTER 14

595K 30.6K 77.4K
                                    


CHAPTER 14

"WHAT ARE you staring at?"

Hindi pa rin ako makapaniwalang narito na sa harap ko si Maxrill bagaman naroon ang inis sa kaniyang tinig. Nakatingin siya nang deretso sa akin. Dahilan para makita ko nang dapuan niya ng tingin ang bawat parte ng aking mukha. Hindi ko malilimutan ang mga titig niyang iyon. Pero sadyang iba ang sandaling ito dahil nang unang beses niyang gawin iyon, may suot akong maskara. Heto siya at talagang hindi inaalis ang paningin sa 'kin hangga't hindi nakukuha ang aking sagot.

"Who are you?" muling yumanig sa pandinig ko ang tinig niya.

Aligaga akong nag-angat ng tingin ngunit muling natulala. Kailan ako maniniwalang narito ka na sa harap ko? Sa napag-aralan ko ay umiikot ang mundo kaya nadaraanan nito ang araw at buwan, liwanag at dilim. Paanong nangyari na bumaba ang buwan sa aking mundo?

Nakita ko siyang umiling dahilan para bumalik ako sa wisyo.

"I'm fine..." naisagot ko, gumaralgal pa ang tinig.

Napatitig siya sa akin, tila prinoseso pa ang sagot ko saka bahagyang natawa. "Whatever. Go ahead and eat, Fine."

Fine naman ngayon?

Napapahiya akong nagbaba ng tingin sa aking pagkain. Pero panay mali na ang nagagawa ko. Paulit-ulit kong nabibitiwan ang kutsara. Mas mabigat kasi iyon kaysa normal na kutsara't tinidor na ginagamit ko. Maging ang kanilang plato ay napakalaki. Ang baso ay mabigat din. Hindi ko alam na may timbang pa pala ang mga ganoong kagamitan. Siguro ay depende sa antas sa buhay at yaman ng isang tao. Hindi ako sigurado. Basta ang alam ko, naiilang ako sa sandaling ito.

"Don't you remember Dainty?" bigla ay ani nanay.

Pinandilatan ko siya ngunit hindi man lang siya sumulyap sa 'kin. Naibaba ko ang parehong kamay ay kinutkot ang parehong mga daliri. 'Ayun na naman ang aking kaba. Lalo pa at lahat ng narito ay nakikinig sa kaniya at nagpapalitan ng tingin sa aming dalawa ni Maxrill.

"This is Dainty now," dagdag pa ni nanay.

Naramdaman ko nang bahagya akong sulyapan ni Maxrill, lalo kong naiyuko ang aking ulo.

Bakit naman kasi narito pa siya sa tabi ko?

Pakiramdam ko ay hindi na ako makakikilos pa nang normal. Lalo pa at ako ang kanilang pinag-uusapan. Ang paningin niya ay pahapyaw na natutuon sa 'kin bago napupunta sa iba. Hindi ako mapalagay sa kinauupuan ko, pakiramdam ko tuloy ay ang gulo-gulo ko.

"Your daughter?" kapagkuwa'y ani Maxrill.

"Yes," ang tanging sagot ni nanay.

"Nice to meet you," bigla ay hinarap ako ni Maxrill. "I'm Maxrill Won del Valle."

Napalunok ako. Talagang iba ang dating ng pangalan na 'yon, hindi ko maipaliwanag kung bakit. Oo nga't kakaiba iyon pero...bakit gano'n ang dulot na dagundong sa dibdib ko? Hindi ko maintindihan.

"Siya ang pinakagwapong Del Valle," ani Aling Wilma. Gusto ko siyang sang-ayunan, kung hindi lang ako mapapahiya.

Oo nga't gwapo si Kuya Maxwell. Kung tutuusin ay kulang na kulang ang salitang iyon para mabigyang depinisyon ang panlabas niyang kaanyuan. Matangkad, gwapong-gwapo, maputi, mabango, walang maipipintas. Idagdag pa ang panloob niyang katangian, mapatutunayan ko kung gaano siya kabuting tao at myembro ng kanilang pamilya. Totoong kahit na sino yata ay mapapalingon kay Kuya Maxwell, may nobyo man o wala, lalaki man o babae, bata o matanda, lahat. Para siyang manyikang lalaki na ginawang tao, halos perpekto.

LOVE WITHOUT BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon