Kabanata 2

833 102 0
                                    

Kendra's POV

"Hindi mo talaga nakita si Maximilian duon?" hindi makapaniwalang tanong ni Benji. Hindi ko na mabilang ilang tanong niya na ito sa akin. Naiirita na ako sa kanya.

"Hindi nga! Ni hindi ko nga nakita mukha nun eh, malay ko bang si Maximilian iyon!" sambit ko. Totoong may nakilala akong Maximilian ang pangalan pero hindi ako sigurado kung same person lang ba sila.

Kinaumagahan nu'n ay hindi ko na siya nakita buong araw. Wala rin naman akong balak na hanapin siya ano. Kakakilala pa naman namin at tsaka hindi ko nakita ang buong mukha niya. Paano ko malalaman na si Maximilian ang taong iyon. Nakakainis talaga!

"Ang gwapo nu'n, Kendra! Matikas ang pangangatawan, matangkad at may blue eyes iyon!"

Napatigil ako. Sumagi sa isip ko ang blue eyes nu'ng lalaking nangangalang Maximilian. He has blue eyes too at matikas din ang pangangatawan. Don't tell me siya iyon? Pero maraming foreigner duon at may mga ganun na mga mata, imposible siya lang ang mayroon nu'n. But... his name...

"Tigilan mo na si Kendra, Benji. Hindi niya nga kilala ang taong iyon, paano niya malalaman si Maximilian iyon hindi ba?"

"Sabagay, pero sayang talaga eh. Chance mo na sana 'yon. Mailap kasing tao si Maximilian, minsan lang namin nakikita iyon sa personal." dismayado ang kanyang mukha. Hindi yata siya nasendan ng abs ni Maximilian kahapon.

Kung sinuman ang totoong Maximilian sa dalawang iyon ay wala akong pakialam. Hindi ko naman siya kilala o kaano-ano bakit ko naman siya pagtutuusan ng pansin hindi ba? I have my own life, 'yon ang aatupagin ko.

Pagkatapos ng klase namin ay nagpaalam na ako kina Benji. Nauna na akong umalis dahil may pupuntahan pa ako. Bibili ako ngayon ng mga materials para sa gagawin kong project. Hindi ko pa kasi tapos 'yung akin, bale ako nalang ang hindi pa nakatapos. Sina Benji, Alex at Vernise naman ay kakatapos lang kanina at naipasa na nila ang mga gawa. Bukas pa naman ang deadline pero kailangan kong tapusin ito ngayon.

Nang makarating sa MMalls, hindi na ako nag-aksya ng oras. Binili ko ang mga kakailanganin sa project at bumili narin ng papel at pens. Pagkatapos kong bayaran iyon ay tinungo ko ang aking sasakyan sa parking space.

Habang naglalakad ako palabas ay may naririnig akong bulungan patungkol kay Maximilian Fuego. 'Yung taong ni-stalk ko nu'ng isang araw. Magpapatuloy na nga sana ako kaya lang ay may tila pumipigil sa akin. Bumuga ako ng hininga. Napagpasyahang tumigil muna saglit at makinig sa mga bulong-bulungan ng mga taong ito. Baka may masagap akong impormasyon mula sa kanila at ibabalita ko kaagad kina Benji. Uhaw na uhaw iyon kay Maximilian eh, gagawin talaga ang lahat para lang mapansin ng lalaking iyon. Na imposibleng mangyari.

Well, that guy is really famous. Halos mga friends niya nga sa facebook ay mga sikat din, mayayaman at may malaking papel sa lipunan.

"Narinig ko mula kina Anton na ikakasal na raw si sir Maximilian ah, totoo kaya iyon?" tanong nitong saleslady ng mall.

Bahagya namang kumunot ang noo ko. Si Maximilian Fuego magpapatali? Sigurado ba siya sa desisyon niya? Well kung ako 'yung magiging asawa ni Maximilian ay itatali ko talaga siya dahil sobrang famous niya at maraming nagkakagusto nu'n noh. Sino ba namang taong tangang pakawalan ang lalaking iyon, napaka-big shot niya na.

Kaso, magiging tuon naman ako sa chismis kung ganun. Ayokong masangkot sa kanyang buhay. I want to live peace without thinking paano ko malalampasan ang buhay social media.

"Sigurado ka ba sa balitang 'yan? imposible naman yata 'yan." sagot naman ng kanyang kausap na saleslady din.

Inayos ko ang aking sarili. Medyo lumayo ako konti sa kanila baka mapansin nila ako. Medyo chismosa ako sa part na ito pero mahalagang impormasyon ito kung sakaling totoo man.

Married To A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon