21

2.4K 126 0
                                    

Gulf's POV

"Baby are you sure di sila magagalit sakin? Late na kita nahatid" Bago umuwi ay umulit pa kami ni Mew. Kaya ngayon nasa tapat kami ng bahay at maghahating gabi na.

"Babe ang ingay mo magigising lang sila. May susi ako sige na..ako na bahala shoo"

"Walang goodnight kiss baby?" Naka pout siya sa harapan ko.

"Mew anak bukas na yan,magddrive ka pa" rinig ko nagsalita si mommy.

"Sabi sayo ang ingay mo kasi" natatawa ako pero lumapit pa din ako sa kanya para magkiss..

"I love you baby"

"Shoo shoo..uwi na. Text mo ko agad"

~~~~~~~~~

Mew's POV

Linggo na ng gabi. Sinabi ko sa sarili ko na ngayon ko kakausapin si dad. Pero mukang kailangan ko ulit ipagpabukas.sa sobrang init ng ulo niya baka ako mapagbuntungan.

Tinitingnan ko yung mga picture naming dalawa ni Gulf sa phone ko. Malapit ko na mapost to. I can't wait to tell the world you are mine.

~~~~~~~~~
Gulf's POV

Sabay kaming pumasok ni Mew sa school kasi sinundo niya ko sa bahay. Binaba niya ko sa labas ng gate tas dumiretso naman siya sa parking.

Dumiretso ako sa cafeteria. I ordered my usual breakfast, black coffee and pancakes.
I am not sure if ako lang to,or lahat sila sumisilip sakin. Parang pinagchichismisan nila ko. Shit! Alam ba nila yung ginawa namin ni Mew?! Kami lang naman andun ah. Kinunan ba ko ng video ni Mew? Nababaliw na ko sa kakaisip. Di naman kayang gawin sakin ni Mew yun. Hinayaan ko lang muna sila.

Text ko na lang muna si Mew. "Babe am I ugly today?!" Wala akong masabi eh.

Tumawag siya agad.

Mew: you are not of course. Any problem there baby? Where are you?

Gulf: ang weird dito babe. Feeling ko ako pinag-uusapan nila.kanina pa sila nakatingin

Mew: of course because you look so hot today. Baby send you foods na lang sa lunch para makarest ka. Medyo busy din kasi ako today.

Gulf:so sino maghahatid?

Mew: utusan ka na lang si coo. Sabay tayo uuwi,okay? Andito na prof

Lunch time

Nakita ko na si Coo sa labas ng room. Parang kinakabahan siya.

Inabot niya sakin lunch ko "Gulf nakita mo na ba?". Kinabahan naman ako.

"Yung ano"

"Yung post mo"

"Kelan ako nagpost?"

"Nakalimutan mo na ng Saturday? Someone took the screenshot and posted in our campus site. Kita din yung comment namin ni Joss"

"Patingin coo" Nilabas ko yung phone ko. Minessage ko yung nagpost ng screenshot. "Delete that, hahanapin kita wala akong pakialam kung babae ka". Actually di ko alam kung babae yang nagpost. Pero konti lang naman followers ko. Does it mean merong gumago sakin sa mga kaibigan ko.

Ito yung comment sa selfie ko:

Cooheart:wag ka mag-alala mahal ka nun.

Joss: @cooheart oo naman. Mahal ko talaga yan.

Bakit kailangan screenshot yan? For what purpose? I really don't get it. Actually mas masama to for Joss.

"Nakita na ba ni Mew?"

"Not yet. Sobrang busy niya sa room.naghahabol ng assignments eh andami naman oras ng weekend"

"Thanks dito. Pasabi na lang may practice game kami ng 4"

"Gotcha baby boy"

~~~~~~~~~~

Andito kami ngayon sa gym. May game kami vs Accountancy. For what I observed before madali lang sila kalaban. Maaga kami dito kasi wala naman na kami gagawin. Papunta akong locker kasi nakalimutan ko phone ko dun sa wash area. I saw Joss holding it.

"Phone ko yan"

Lumingon siya sakin. "Gulf it really hurts, everybody knows I am gay but why do they need to send it to my dad pa" I think about sa screenshot yun ng comment niya na mahal niya ko.

"Am I that embarassing? Bakit parang iniiwasan nila ko?"

"Huwag mo isipin yun". Tinapik ko naman likod niya..ewan,di ako marunong magcomfort ng tao.

Pero nagulat ako ng sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko. Di ko naman maitulak kasi umiiyak kaya tinapik tapik ko na lang likod niya.

Napalingon ako sa likod kasi may narinig akong lumabas ng locker room eh ang alam ko kami lang dito.

~~~~~

Mew's POV

Grabe nakakapagod tong araw na to. Hindi ko nagawa mga assignments ko dahil sa pagod ko ng weekend.

Baka di ako makapanood ng practice ng baby ko kaya matext na nga lang.

But then inopen ko muna yung gc kasi kanina pa pasok ng pasok mga chat nila. Nabasa ko yung pangalan ni Gulf. Siya ata yung pinag-uusapan. Nakita ko rin yung screenshot ng comment ni Joss then nagscroll pa ko may nakita akong ikanainit ng ulo ko. A picture of my cousin hugging my boyfriend inside the locker room. What the hell. I swear I'm going to kill you Joss. Kinuha ko yung mga gamit ko. Kailangan ko malabas galit ko kaya sinipa ko mga upuan sa harap ko. Nagulat naman mga kaklase ko kasi ngayon lang ako naging ganito. Sanay silang mahinahon ako. Di ko na talaga kaya kailangan ko na mapuntahan si Gulf

~~~~~~~
Gulf's POV

Time out ng may nag-abot sakin ng gatorade. Paglingon ko si Joss pala,nginitian ko na lang siya alam ko kasing stress siya ngayon eh. Bago ko pa abutin yung drink,may nauna ng kumuha sa kamay niya. Ang boyfriend ko at nagulat ako ng hinagis niya sa ulo mismo ni Joss yung Gatorade. Di pa sya nakuntento sinipa niya pa sa dibdib kaya napahiga talaga si Joss. Pinipigilan ko na si Mew kasi parang masyado na siyang seryoso.

Hindi pa rin nagsstart yung game dahil sa gulo. Walang kayang maglakas loob na umawat kay Mew.

"Itago nio lahat mga cellphone niyo,pag nalaman kung may nagvivideo sa inyo di niyo magugustuhan ang sunod na mangyayari sa inyo" Ang lakas ng sigaw niya parang hindi talaga siya yung nakilala kong Mew. Ito ba talaga yung totoong side niya?

Nakita ko na tinago naman ng mga nanonood yung celphone nila. Walang matapang na nakalabas ang phone maliban sakin hawak ko lang naman yung phone ko. Pero nilagay ko na din sa bench. Masyadong maawtoridad yung pagkakasabi ni Mew.

Akmang tatayo na si joss ng bumagsak siya ulit sa sahig. Tinapakan lang naman ni Mew gamit ang isang paa si Joss sa dibdib.

"Ilang beses na kita pinagsabihan, sabi ko wag mo na guguluhin si Gulf, pero talagang di ka makaintindi. Sinasadya mo talaga ubusin ang pasensya ko. Hindi mo pa rin ba ko kilala?

"Problema mo ba Mew? "Sigaw ni Joss. Hindi pa rin siya nakakabangon.

Nakita kong huminga ng malalim si Mew. Hinila niya damit ni Joss patayo. "Stop Flirting with my boyfriend" rinig na rinig yung mga salitang binitawan ni Mew

Tumalikod na si Mew akmang lalabas ng hinawakan ko siya sa kamay. Ito yung effective na pampakalma sa kanya. "Babe" di ko natapos yung sasabihin ko ng bigla niya kong sinuntok. Nalasahan ko yung dugo sa gilid n labi ko. Sinuntok niya ko like wtf.

"F*ck you Gulf! F*ck you!" Mahina ang pagkakasabi pero ramdam na ramdam ko ang galit. Ineexpect ko "I love you baby" pero mura from him at suntok nakuha ko.

Never easy to love you (Completed)Where stories live. Discover now