XXIV - Farewell

6.7K 318 24
                                    

Sheerina

Nakakatakot ang itsura ng 'King' nila dahil sa madilim na aura nito!

Inilahad nito ang kamay kay Shera at ibinigay naman ni Shera ang kwintas.

"Ibigay mo samin ang kwintas." Madiin na sabi ni Ashton, nambabadya ang tingin nito kay King.

Nagtinginan lang silang dalawa.

"Hindi mo ba nakikita? Hawak ko ang kwintas. Akin na to." Nakangising sabi ng King nila at umirao kay Ashton.

Maya-maya ay may narinig kaming mabilis na mga yapak.

"Nakuha nyo na ba?" Hinihingal na tanong ni Daemon na kararating lang.

Tumigin ito kay King at napansing hawak nito ang kwintas.

"Ano ng nangyari sa school?" Tanong ni Elliot. Nagpunas naman ng pawis sa noo si Daemon at umakbay kay Elliot. Mukhang nanghihina sya.

"Iniligaw namin nina Meridette ang ibang mga bampira sa gubat." Nanghihina nitong sagot. Inagapayan naman sya ni Elliot.

"Nasan sila Meridette?" Tanong ni Levicarl. Pero hindi na nakasagot si Daemon dahil nawalan na ito ng malay.

Nagulat kami ng biglang may lumitaw na babae sa likudan namin.

"Nandon pa si Meridette, nakikipag-patayan." Hinihingal na sabi ni Veruca na syang kakalitaw lang.

"Sya lang mag isa?" Nakakunot ang kilay na tanong ko dahil sa pag-aalala.

"Wag kang mag-alala, malakas yon." Sabi ni Elliot at iniupo sa isa sa mga puno si Daemon.

"Pero kahit na, mag-isa lang sya don." Pinipigilan kong sumigaw. Nakita ko namang seryosong nakatingin sakin si Sick. Habang si Ashton ay nakatingin pa rin kay King.

"Gusto mo bang tulungan sya? Go ahead." Seryosong sabi ni Sick habang nakatingin sakin na parang papatayin ako.

"Kung pumunta ka man don, ano bang matutulong mo?" Sabi nya pa at tinamaan ako don. Bumaba ang tingin ko sa sarili ko.

Kung pupunta nga kaya ko don, ano nga bang maitutulong ko?

"Pumunta ka na." Seryoso pa rin nitong sabi sakin. Huminga ako ng malalim at hindi nalang sya pinansin.

Ibinaling ko ang tingin kay King.

"Ibibigay mo ba ang kwintas o hindi?!" Galit na tanong ko dahil napipikon na ko sammga nangyayari.

Dahil sa kwintas na to, nagkagulo.

Dahil lang sa isang kwintas!

"Oooh, scary." Nakangising sabi ni Shera at inilabas ang pangil nito.

"Sino ka ba? Ha?" Mayabang na tanong naman sakin ni Roll. Para itong rakista dahil sa itsura.

"Ano?! Ibibigay nyo ba o hindi ha?!" Maiiyak na ata ako dahil sa galit. Napipikon na ko sa paligid!

"Hey little girl." Tawag sakin ni King. Lumapit sya sakin at hinawakan ang baba ko!

"Ano ba!" Pumiglas ko pero hindi ako makawala sa hawak nya.

Ipinakita nya sakin ang kwintas at tumingin sakin ng matalim.

"I have it, so it's mine." Sabi nito. Lalong nag-init ang ulo ko!

Binitawan nya na ko at tinalikuran.

"How about a fight?!" Galit na tanong ko! Dahan-dahan naman itong lumingon sakin.

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon